CHAPTER 02

88 65 1
                                    

"Ano?" Lumapit sa'min si Tito Nhel, tinitigan ako nito parang sinusuri ang buong katawan ko bago ako pinatayo.

"Wala bang nagyare sayo? Galos?" Halata sa boses niya ang pag-aalala, ngumiti lang ako sa kaniya bago umiling.

"Mabuti naman kung gano'n pero sana hindi mo nalang hinabol baka kung ano pang ginawa sa'yo, iyong ibang snatcher kase ay nananaksak pa'no nalang kung-" Tita Kate got cut off

"Mama!". Naka-pout na pagpigil ni Katelyn sa Mama niya. Natawa na lang ako, ang sweet talaga nila nakakamiss tuloy si Mama.

Napabuntong hininga ang mag-asawa. " Alam ko naman Katelyn, ang akin lang mag-ingat na kayo sa susunod." Tumango kaming dalawa.

"Oh siya, halina kayo at nangmakakain na." Yaya samin ni Tita Kate.

Tinulungan ni Tito si Tita Kate na tumayo, naunang naglakad ang mag-asawa sa loob na ikinasunod namin. Pagdating sa kusin ay nadatnan naming nagtatanggal ng mga takip ng plato si Tita, habang si Tito ay nakaupo na at pinapanood lang ang asawa. Agad akong natakam ng makita ang ulam,mukhang gaganahan ako ngayon at mapapadami ang kain.

"Sarap niyan!" Natawa lang ako dahil sa reaksyon ni Lyn sa pakbet na luto ng Mama niya.

Agad itong umupo sa tabi ng ama gano'n din ako, umupo ako sa tabi ni Katelyn bago kami kumain ay pinag-lead na muna namin si Katelyn ng prayer na ayaw pa niya sana kaso ay siniko ko siya.

"Lord thank you for this blessing, sana po pagpalain niyo pa po kami ng napakarami pang blessing saka lord sana po bigyan niyo na rin po ako ng boyfriend-." Napabungisngis ako ng mahina ng marinig ko ang tikhim ni Tito.

"T-thankyou po, salamat." Doon na niya tinàpos ang panalangin niyang may kasama pa sanang wish.

Magana akong kumain katulad ng inaasahan, sino ba naman ang hindi magaganahan? Ang sarap ng luto ni Tita, halos mag-unahan kami ni Katelyn sa pagherit na kumain.

At doon natapos ang may hindi kagandahang half namin ni Katelyn buti nalang at natakpan ng masarap na pananghalian ang pagkapahiya ko kanina kay Kenneth.

Pinaghandaan ko ang araw na ito, hindi dahil nae-excite ako kundi ay dahil natatakot ako na baka mangyare na naman 'yong nangyare kahapon.

I was hurt by his words.

Kapag naaalala ko 'yong sinabi niya no'ng nakita niya ako pumapasok sa isip ko na gano'n din ang gagawin niya kapag nagkita kami ulit or else 'yong ibang makakakita sa'kin.

Lyn said yesterday na do'n din nag-aaral 'yong Kenneth na 'yon, he's Kenneth Alvarez and he's a certified bully. Hindi na ako magtataka kahit napakagwapo niya dahil sa sinabi niya sa'kin kahapon, bully nga siya pero hindi ko naman ipagkakailang gwapo siya.

Napailing na lamang ako. Kinuha ko ang eyeglass na regalo sa'kin ni Mama at isinuot ito. Alam na rin nito ang nangyare sa phone ko, tumawag kase ako sa kaniya kagabi at hindi nawala ang sermon niya pero nag-alala ito sa'kin lalo na no'ng hindi niyaraw matawagan iyong phone ko pero pinaliwanag ko naman.

Pagkatapos maisuot ang eyeglass ko ay sinukbit ko na ang back pack ko sakto namang may kumatok sa pinto, iniluwa nito ang pinsan kong si Lyn.

"Tara na?" I smiled before nodding.

Sumunod ako sa kaniya paglabas ng kwarto, bago lumabas ng bahay ay nagpaalam na muna kami kina Tito at Tita; nagbigay pa ng mga paalala ang mga ito sa'min bago kami umalis. Si Ricky ang nagprisintang maghatid sa'min ni Lyn sa school even so na may trabaho ito ngayon bilang isang doctor.

"Pat, tahimik ka ata." Nagpakawala ako ng buntong hininga bago siya nginitian sa salamin, nasa back seat kase ako.

"Hindi ko naman kase maiwasan, kinakabahan ako insan." Sagot ko habang binaglalaruan ang mga daliri.

I Love You Pangit [On-Going]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ