CHAPTER 05

79 55 0
                                    

Napayoko siya at mabilis na pinalis ang mga luha. Napakahirap magpakatatag lalo na kapag ang ina na niya ang iniisip niya, naawa na siya rito.

"I have a friend who own a University, pwede kitang i-enroll do'n para hindi kana saktan pa ng Velen na 'yon at para na rin maiwas itong si Lyn sa away." Kalma nitong aniya.

Nahihiya siyang napatingin kay Lyn, nakikita niya sa mukha nito ang bakas na nag-aalangan at gustong tumutol sa ama, gano'n din naman siya. Close na close talaga silang magpinsan kaya gustuhin man niyang umalis sa eskwelang pinapasukan niya ay hindi niya ito gagawin lalo na at parang may nararamdaman siyang nasasayangan siya kung aalis siya sa Unibersidad na pinapasukan.

Umiling siya. "Hindi na ho Tito, kaya ko na po ang sarili ko."

Nagkatitigan silang magpipinsan. "At saka gusto ko pong makasama si Lyn Tito kaya hindi po ako magtra- transfer na naman sa iba." Matapang niyang sagot rito.

Naramdaman niya ang paghawak ni Lyn sa kaniya sa braso na ikinalingon niya. "Pat..."

Umiling siya. "No, kaya ko naman saka iiwasan ko si Velen para walang gulo."

Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Ricky. "Sabihan mo 'ko kapag nangyare na naman 'to, the owner of the University is my friend. I'll shoo that woman if she'll do this again to you, Pat." Seryosong sabi ni Ricky sa kaniya.

Napangiti siya at tumango, nagpaalam si Ricky dahil may biglang tumawag rito. Naiwan silang dalawa ni Lyn dahil nagpaalam narin ang Tito niya. Napatingin siya sa katabi, nakasandal ito sa sofa at nakapikit ang mata.

Hindi naman sa nagiging awkward na ang atmosphere pero inaantok na kase siya. "Inaantok kana?" Tanong niya rito.

"Oum. Ikaw?" Ngumiti ito at naghikab. Nagmulat ito ng mga mata.

"Inaantok na rin. Tulog na tayo." Tumango ito at nauna pang tumayo kesa sa kaniya, inilahad nito ang kamay na inabot naman ni Patricia.

Magkahawak kamay silang umakyat sa laglakad pabalik sa kanilang kwarto, nakahilig ang ulo ni Lyn sa balikat niya na hinahayaan niya lang ito. "Thank you for staying." Bulalas ni Lyn sa kaniya na ikinangiti niya.

"Wala 'yon."

"Huwag kang mag-alala, sasamahan na kita bukas kapag magre-recess tayo; mage- excuse ako-"

"-no need Lyn-"

"But I insists, Pat." Nagpakawala na lamang siya ng buntong hininga at sinuklay ang buhok nito.

"Sige na nga, ano pa bang magagawa ko?" Sa huli ay sumang-ayon din siya, nagtawanan silang magpinsan bago sila pumasok ng kwarto at natulog.

Bukas, panibagong mga kaganapan na naman ang mangyayare.

Pagkapasok ng room ay nabungaran na niya ang ibang mga kaklase niya kasali na ro'n si Kenneth na mukhang may hinihintay, medyo napaaga sila ni Lyn na pumasok dahil may flight si Ricky ngayon papuntang Greece dahil sa kasal ng kaibigan nitong isang Business Man ding katulad niya.

"Pat...aalis na ba ako o hihintayin ko pa si Professor Calliope para makasigurado na hindi ka ibu-bully nina Velen?" Umiling siya bilang sagot sa pinsan.

Damang dama niya ang pag-aalala sa tinig nito. Ayos na siya rito na ito na ang naghatid sa kanya sa room, saka ayaw naman niyang malate ang pinsan lalo kung paghihintayin niya pa ito ay talagang baka mapagalitan pa ang pinsan sa sariling Professor.

Ngumiti siya rito. "Hindi na Lyn, salamat sa paghatid. Punta ka na sa room mo baka malate ka," Sinipat niya ang relo niya at nakitang Twenty five minutes nalang ay magse-seven thirty na kailangan na nitong pumasok rin.

I Love You Pangit [On-Going]Where stories live. Discover now