Kabanata 11

0 0 0
                                    









Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Napakurap ako ng mga mata at ina-adjust ang aking tingin sa liwanag galing sa malaking bintana.

Malaking bintana?

Kumunot ang noo ko.

Saan nga ba ako?

Dumaing ako sa kaunting sakit ng ulo at unti-unting umupo mula sa pagkahiga.

Nasa isang silid ako. Napakagandang silid. Wooden ang interior ng silid at napakabango ng paligid. Napakalinis rin at pansin kong may maliliit na litratong nakadikit sa dingding. Marami iyon at mukhang mga litrato ng kung anu-ano—mga bagay, lugar at tao.

Sa aking kaliwa ay klase-klaseng mga camera mula sa maliit hanggang sa malaking camera na mataas ang lente.

Ano nga bang nangyari?

Pilit kong inaalala ang huling nangyari. Nasa dagat ako umiiyak dahil lubusan akong nasaktan sa pag aalis ni Sandro papuntang Manila.

Oo nga tama tapos... biglang akong nahimatay.

Unang pagkakataon na nahimatay ako. Hindi ako makapaniwalang nangyari iyon sa sarili ko. Pero bago ako nahimatay, may isang lalaking lumapit sa akin.

Namilog ang mga mata ko nang maalala kung sino iyon.

Si Kuya Ross. Si Mr. Romualdez.

Napakagat ako ng aking kuko.

Sady naman nakakahiya!

Pagkatapos ng lahat ng sinasabi mo sa kaniya heto ka't tinulungan ka pa niya!

Napabaling ang tingin ko sa pintuan nang makarinig ako ng mga yapak at boses na nag-uusap sa labas.

"Will she wake up soon doc?"

"Wala ho kayong dapat na ipag-aalala señorito, gigising rin kalaunan ang bata. Kinailangan niya ng saktong tulog at pahinga lalo na't ang paglilipas ng gutom ang sanhi ng kaniyang pagkahimatay. Maaaring puyat, pagod, at stress ang batang iyan. You mentioned that she's already working in her young age?"

"Yeah. I saw her at the market then sometimes sa lupain ng mga Belmonte kumukuha ng gatas ng kambing, nagtitinda ng sampaguita... just, she has a lot of works. Hindi ko maintindihan kung bakit pinapatrabaho siya ng nanay niya at hindi ang ate niya."

"Kawawang bata. Bugbog sarado sa trabaho tapos nag-aaral pa. O siya señorito. Mauuna na ako, painumin mo lang sa kaniya ang gamot na nireseta ko sa kaniya para tuluyan siyang gumaling. Paalala kong huwag muna siyang magpapa stress pag nagising na siya."

"Alright doc. Thanks for coming over."

"Hindi ka na iba sa akin señorito. Mauuna na ako sa iyo."

Nakikinig ako sa usapan sa labas. Mukhang si kuya Ross ang kausap ng doctor.

Nagpapa kuha pa siya ng doctor, jusko naman nang aabala pa ako sa kaniya!

Babalik sana ako sa pagkakahiga at magpanggap na tulog pa dahil nahihiya ako pero huli na ang lahat. Binuksan na niya ang pinto at nadatnan akong gising na.

We locked eyes for a second.

"You're awake,"

Hindi ko kaya ang tingin ni kuya sa akin. Nahihiya talaga ako. Naglakad siya papunta sa higaan ko. Naamoy ko ang mabango niyang amoy. Fresh na fresh at mukhang bagong ligo. Nakalugay rin ang mahaba niyang buhok na abot dibdib. Naka puting t-shirt lang siya at naka grey na shorts. Kita ko ang mabalahibo niyang mga binti.

Umupo siya sa isang upuan sa gilid ng aking kama at humarap sa akin. He gave me a glass of water.

"Drink," aniya sa seryosong tingin.

To Love You (Dreams Series #3)Where stories live. Discover now