Kabanata 5

0 0 0
                                    








Matagal akong natulog biyernes ng gabi para gawin agad lahat ng homeworks ko. Para wala na akong iisipin sa sabado at linggo.

Kinabukasan ay ginawa ko ang usual routine ko sa bahay: maghanda ng pagkain nila, magpakain ng mga alagang hayop, at maglinis ng bahay.

"Sady, malaki ang singil ng kuryente ngayon dahil sa'yo." si nanay habang nagwawalis ako ng sahig.

"Ilaw lang naman po ang sa akin. Kinuha ni ate ang electric fan ko. Wala naman po akong cellphone para palaging mag charge." sabi ko.

"So kami ang sinisisi mo? Nakatira ka dito, gumamit ka man ng kuryente o hindi, obligado kang magbayad ng bayarin dito!" galit niyang sabi.

Yumuko ako.

"Magkano po ba?" maliit ang boses ko.

"Kulang ng isang libo,"

Ang laki naman ng bayarin sa kuryente.

"Wala po akong gano'n ka laki na halaga, nay. Nagamit ko po ang pera sa mga proyekto at activities ko."

Hinampas niya ang mesa. Tumunog ang mga kubyertos sa pinggan.

"Sinungaling!"

"T-totoo po..."

"Eh ano 'to?" rinig kong sabi ni ate sa likod ko. Nakita kong hawak niya ang limang daan. "Nasa lugi mo. Ano nga pala ang mapapala kapag nagsinungaling?" binigay niya kay nanay ang pera ko.

Para sana allowance ko iyon. Para pambili ko ng pagkain para hindi na ako malipasan ng gutom.

My tears fell. I looked at my mother.

"Nay..." garalgal ang boses ko.

"Luhod!"

I kneeled before her. Ate Irene chuckled. Pinatungan niya ng tig apat na libro ang dalawang palad ko sa ere.

Habang tumatagal, nananakit at nangangalay ang braso ko dahil sa bigat ng mga libro at sa tagal ng naka gano'n na posisyon. Halos dalawang minuto ang lumipas nang bumalik si nanay sa kusina.

"Tumayo ka na diyan. Sa susunod, huwag ka ng maghintay pa na sasabihan kita. Pag may pera ka, ibigay mo agad sa akin."

Nanghihina akong nakaupo pa sa sahig. Masakit ang magkabilang braso ko. Tumuyo ang luhang naglandas sa pisngi ko.

Umalis ako agad sa bahay. Hindi ako puwedeng mag-aksaya ng oras.

"Oh Sady, ito pa ang labada," ang kapit-bahay namin.

Naglalaba ako sa may puso at tatlong basket ng labahan ang lalabhan ko pa.

"Sige po." ngiti ko.

"Babalikan ko 'to mamaya ha?"

"Sige po, mag-iingat po kayo." sabi ko at kinuha ang bagong dala niyang labahin.

Pagkatapos ng trabaho ko sa labahin ay nagpunta pa ako sa kakilala ko pa.

Gamit ang walis tingting, binuhusan ko ng tubig ang sementadong sahig at winalis ang dumi ng baboy. Maya-maya ay pinapakain ko ang alagang mga baboy ni Manong.

"Ah ito, Sady." si Manong at binigay sa akin ang bayad niya nang matapos.

"Puwede po bang bukas ulit? Kailangan ko po kasing mag-ipon para sa pag-aaral ko."

"Oh sige hija."

"Salamat po!"

Napangiti ako sa pera na kinita ko sa araw na 'to. Naka five hundred na ako. Nagpahinga muna ako saglit bago tumulak papunta sa bahay ni Mang Amado.

To Love You (Dreams Series #3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt