Kabanata 1

1 0 0
                                    







"Tilapia! Tilapia! Wanpipti lang po!"

Marami tao at medyo masikip ang palengke ng mga karne at isda ngayon dahil linggo. Mas dagsa ang palengke sa araw ng linggo.

Kaya nilakasan ko pa ang boses ko.

"Tilapia! Tilapia! Tilapiaaaaaa! Sariwa 'to!"

"Magkano ang hipon mo, hija?" tanong ng isang matandang babae, tinitingnan ang hipon ko.

"Por hundred po kilo niyan, mam!"

"Ang mahal naman... wala bang tawad iyan?"

"Hehe, wala po mam. Pasensya na po,"

Ngumiwi siya at nagpunta sa ibang puwesto.

"Tilapia! Hipon! Bili na po kayo!" tuloy kong sigaw.

Maingay sa loob ng palengke at pinagpapawisan na ako. Nagpunas ako ng leeg gamit ang likod-kamay.

"Magkano iyang tilapia mo?"

"Wanpipti po ang kilo!" maligaya kong tugon sa babae.

"Kalahati lang niyan, hija."

Nilagay ko ang isda sa timbangan at pinakita sa babae iyon. Tumango siya.

"Gusto niyo po bang kunin ko ang hasang nito?"

Tumango siya.

"Naku hija, mabuti't pina-alala mo ako! Hindi ako marunong kumuha niyan hanggang ngayon, at masyadong tamad ang mga anak ko para gawin iyan,"

Bahagya akong napatawa.

"Madali lang naman po 'to..." sabi ko at inisa-isang kinuhanan ng hasang ang mga isda. Tapos nilagay ko na iyon sa isang supot.

"Salamat po!" sabi ko nang nag-abot siya ng bayad sa sapat na halaga.

Kapag walang bumibili ay nag-aaral ako at nagbabasa ng notes para hindi masayang ang oras ko na walang ginagawa. Hindi ako makakapag-aral mamaya.

Maya-maya ay dumarami pa ang mga mamimili. Sunod-sunod na ang bumibili sa akin. Malapit na ring maubos ang hipon at mga dalawang kilo nalang ng tilapia ang natitira.

Sumalampak ako ng upo nang medyo nakaluwag na.

Nagbibilang ako ng kinita ko nang bigla akong nahulog sa madulas at basang sahig mula sa pagkaka-upo.

"A-aray!" ngiwi ko sa sakit.

Masakit ang pagbagsak ng puwet ko sa semento at maruming sahig.

"HAHAHAHAHAHA!" kantyaw sa akin ng dalawa kong kaklase, sina Tracy at Kiko. Sinadya nilang hinila ang upuan ko para madulas ako.

Sila ang nangunguna sa mga kumakantyaw sa akin sa paaralan. Palagi nila akong pinagkakatuwaan at pinapahiya. At kahit linggo, hindi nila ako pinapalampas.

Tumayo ako at inignora na lang sila. Magkaibigan rin ang ina nila na nagtitinda ng mga gulay sa kabilang pwesto.

"Lampa! Pangit na nga, lampa pa! Hahahaha!"

"Nye nye nye! Loser!"

Tapos dinilaan nila ako.

Napahiwalay sila nang sinadyang dumaan sa gitna ang matalik kong kaibigan.

"Uy!"

"Sorry, hindi ko namalayan. Akala ko aso lang iyong nakaharang sa daan eh,"

Napatawa ako.

"Alis! Magsumbong kayo sa nanay niyo!" natakot sila at tumakbo agad.

Malawak akong napangiti nang sinalubong niya ako at patagilid na niyakap.

To Love You (Dreams Series #3)Where stories live. Discover now