Kabanata 9

0 0 0
                                    









Lonely





Dalawang buwan na lang at magtatapos na ako sa aking unang taon ng hayskul. Laking pasalamat ko dahil kahit mahirap man ang dinanas ko ay nakayanan ko sa awa ng diyos.

Sandro and I were running for honors this upcoming recognition day kaya nagsusumikap ako dahil gusto kong consistent ang matataas kong grade. I needed to land a scholarship for college dahil alam kong malaking gastos ang kolehiyo.

Dapat rin ay ngayon pa lang nag-iipon na ako para do'n dahil kailangan kong lumuwas sa bayan na'to para abutin ang pangarap ko.

Alam kong hindi ako papayagan ni nanay pero kapag gusto mo ang isang bagay, hahanap ka ng paraan para makuha iyon.

Ang pangarap ko ang nag-iisang bagay na mayroon ako at ang tanging nagbibigay liwanag sa madilim kong daan.

Napa ayos ako ng upo at naimulat ang mata sa gulat nang hinampas ni nanay ang kamay niya sa mesa.

"Ayusin mo nga ang pagtuturo sa anak ko!" inis na sabi ni nanay.

"S-Sorry po," mahinang usal ko.

Alas dos na ako nakatulog kanina at ginising ako ni nanay nang mag alas kuwatro para maglinis ng bahay dahil may malaking handaan para sa kaarawan ngayon ni ate Irene.

Nagtuturo ako ngayon kay Julia dahil nahihirapan pa itong magbasa.

"Balik ulit tayo Julia. Margaret was playing in the park," mabagal kong pagbasa at sinabayan ako sa pagbigkas ng mga salita ni Sophie.

Ramdam ko ang pagbibigat ng aking mga mata. Masakit rin ang ulo ko. Pakiramdam ko mababasag na ang utak ko.

"Very... good-"

"Ate Sady, you look tired. Please rest ate."

I smiled at her.

"Okay lang. Just another day." I said. "Now, I want you to read this whole sentence alone."

I pointed every word so she could follow what she reads. Mabilis matuto si Julia.

I rested my face upon my hand and tried to close my eyes secretly by covering it by my long hair.

"Magaling Julia. Magiging proud si teacher sa'yo ah. Ngayon filipino naman tayo, okay ba?" I tried to sound enthusiatic para baliwalain niya ang pag-alala sa akin.

She smiled.

"Pumitas... si Maria... ng prutas... sa har... din," mabagal na pagbigkas ni Julia. "Hardin!"

"Mahusay," sabi ko.

Mabilis akong nagtakip ng aking baba gamit ang aking suot na palda nang umubo ako.

God no. I can't afford to get sick.

Patuloy ako sa pagtuturo kay Julia na inaantok at masakit ang ulo nang makarinig ako ng pamilyar na boses.

"Huwag niyo pong isipin iyon, maliit na bagay,"

Napa ayos ako ng upo sa bigla. Nawala ang ngiti niya nang magtama ang mga mata namin.

"Uh señorito nakakahiya namang ikaw pa mismo ang inaabala ko nito. Puwede naman akong tumawag ng-"

"Ako na po," tipid niyang tugon habang nakatitig sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang atensyon sa libro ni Julia. Yumuko ako ng kaunti para matakpan ang mukha ng buhok ko.

"Siya nga pala ang bunso ko, si Julia."

"Nice to meet you Julia,"

"Hello kuya!" masiglang bati ni Julia sa kaniya.

"Sady, lumabas ka muna at ihanda ang mga mesa at upuan sa labas para mamaya. Papabain mo rin si Irene."

To Love You (Dreams Series #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora