Kabanata 4

0 0 0
                                    









The first thing that comes to my mind when the man knows my name is to run.

Hindi ko alam pero natakot talaga ako kaya dali-dali akong bumangon at tumakbo. He tried to chase me pero huminto na siya.

Nang makalayo ako ay saka lang ako naka pagpahinga para habulin ang aking hininga.

Sino ba iyon? Ba't niya alam ang pangalan ko eh hindi ko naman siya kilala. Bakit nakahubad siya at bakit sinasaktan niya ang babae kanina?

Ang ikinagugulo ng isipan ko ay kung bakit parang nasasarapan iyong babae? Iyong ungol ng babae kanina, hindi ko alam kung nasasaktan nga ba o ano.

Parang gusto ko siyang tulungan pero may pumipigil sa mga paa ko na huwag.

Baka nagka-camping lang sila? Special activity lang?

Very unusual lang kasi. Hindi gaanong dinadaan ang gubat ng ibang tao.

Hay, naku. Ewan. Bahala na nga. Hindi na lang ako dadaan sa parte na iyon.

Maaga akong gumising kinabukasan para maghanda sa mga gagawin. Maaga akong naligo at tiniis ang sobrang lamig ng tubig. Alas kwatro pa lang kasi ng umaga.

Pagkatapos kong magbihis ay nagsaing muna ako ng bigas para lulutuin. Nang maluto na ang kanin ay sunod akong nagluto ng hotdog, itlog at sinigang. Tapos ay pinakain ko na ang mga manok at alaga naming kambing.

Pagkatapos ay nagdidilig ako ng mga halaman. I sighed and take in the overwhelming scent of the early morning. I always love early mornings, it always gives hope for a promising wonderful day.

I hummed a song as I watered the plants.

"Hindi kami dito uuwi mamaya kaya siguraduhin mong i-lock ang gate at ang lahat ng pintuan, Sady." sabi ni nanay habang sumusubo ng kanin.

"Saan po kayo pupunta?" tanong ko.

"Inimbitahan kami ng kaibigan ni nanay sa isang resort ng libre at buong magdamag kami roon." sabi ni Ate Irene.

Pagkarinig ng resort ay parang na excite ako. Hindi pa ako nakapunta ng mga gano'n.

"Talaga? Puwede po bang sumama?"

"Hindi puwede. Ikaw ang magba bantay ng bahay." tugon ni nanay, walang ka-ekspresyon sa mukha.

"Pero—"

"Hindi puwedeng sumama ang mga sampid," si Ate Irene. Sarkasriko niya akong nginitian.

Yumuko lang ako sa kanila at umalis nalang. Okay lang. Para na rin siguro makaka extra pa ako mamayang hapon sa raket ko.

"Nay, alis na po ako!" sigaw ko galing sa labas.

Nagpunta na ako sa palengke para magtinda ng isda ng isang oras bago ang klase ko. Kailangan ko ng extra na kita para madagdagan pa ang ipon ko.

"Okay lang ba ang sikwenta hija?" ani ni Mang Amado, ang mangingisda na amo ko sa pagtitinda ng isda niya.

Hindi na ako nagta-trabaho kay Aling Selba dahil hindi na niya ako binabayaran kahit tinitinda ko ang mga isda niya.

"Okay lang po! Basta tuwing sabado at linggo Manong ha, ako ang bahala dito sa isda mo?"

"Aba'y walang anuman hija. Sige pumasok ka na sa klase mo, baka ma-late ka. Hindi ka na kasi dapat pumunta pa rito."

"Hehe, sayang iyong isang oras, at least may extra ako dito."

Bahagya siyang napatawa.

"Napakasipag mo talagang bata."

To Love You (Dreams Series #3)Where stories live. Discover now