Chapter Thirty - Four

465 28 0
                                    

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Counterattack

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Dinagsa ng mga reporters ang hotel na aming tinitigilan. Parang mga uwak na naglipana ang mga ito sa paligid para kunan kami ng komento o pahayag sa nag viral na video.

Sunod-sunod din ang mga imbitasyong natatanggap namin ni Albert para sa mga personal interview at katulad ng dati ay tinanggihan namin ang lahat ng ito.

We chose to remain silent for the time being because if we're going to win this fight, then we have to play our cards right.

Maging ang main office sa trabaho ay hindi rin pinatawad ng mga ito kaya naman lubos itong hindi ikinasiya ng kumpanya. Mabuti na lamang at napakiusapan ko ang management na bigyan ako ng pagakakataon upang ayusin ang gusot na ito.

They agreed and gave me two weeks to sort everything out otherwise they will have to let me go. At dahil sa mga reporter na nakaantabay sa bawat galaw ko ay medyo nahirapan kaming isagawa ang aking plano.

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

I finally managed to get away from all the unwanted attention eight days later, and now I find myself standing on Riley's doorstep. In order for my plan to work, I needed to catch Riley off guard and the best way to that is to confront him in the comfort of his own place where his guard is down.

"Kalma lang Kris..... kaya mo yan" bulong ko sa sarili bago katukin ang pinto nito.

"To what do I owe this pleasure?" Sarkastikong tanong sa akin ni Riley pagbukas nito ng pinto ng kwarto ng hotel na kanyang tinitigilan.

Wala ng ang sweetness or ang friendliness na dati-dati'y kalakip ng bosses nito.

"Wag kang mag-alala kasi di ako magtatagal..... I just needed to understand some things" Mas malamig pa sa yelo ang bungad ko sa lalaki.

Dumungaw ang lalaki sa labas ng pinto at sinipat nitong mabuti ang kaliwa't kanang direksyon ng hallway bago ako nito pinapasok. Sinigurado nito na ako lamang mag-isa at walang asungot na nakabuntot sa akin.

Dire-diretso naman akong pumasok sa loob at tumayo sa gilid ng isang maliit na lamesa sa sulok ng kwarto.

"Anong kailangan mo Kris? Don't tell me na namiss mo ko at ang halik ko?" Nakangising tanong nito matapos isara ang pinto.

"In your dreams! Gago!" Sagot ng isip ko ngunit mas pinili kong huwag itong patulan.

"Isang tanong isang sagot lang Riley..... bakit?" Deretsahang tanong ko dito.

"Bakit?" Pag mamaang-maangan nito.

"Bakit mo nagawa sa'kin yun? And don't play dumb with me because you know exactly what I'm talking about!" Sagot ko dito.

"Did you honestly expect me to answer that? Hindi ako tanga..... malay ko ba kung nirerecord mo ang pag-uusap natin" nang-aasar na sabi nito sa akin bago kampanteng umupo sa kama.

"Guilty nga ang walang hiya!" Gigil na bulong ko sa sarili.

Kinuha ko ang aking cellphone at pinakitang pinatay ko ito bago inihagis sa lalaki. Kinuha ko din ang aking wallet at susi upang itapon katabi ng aking cell phone.

Inisa-isa ko din ang bulsa ng aking suot na short upang ipakitang wala itong anumang laman. Inangat ko din ng bahagya ang aking suot na puting t-shirt at mabilis na umikot para ipakita na walang anumang kable o recording device na nakadikit sa aking katawan.

Maging ang sapatos ko ay hinubad ko na rin at sinipa papunta sa direksyon nito.

"Masaya ka na?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko dito.

Panandaliang nanahimik si Riley upang suriin ang mga bagay na ipinagbabato ko sa kanya. Ng makontento ito ay tsaka lamang ito muling nagsalita.

"Ano pang point na malaman mo ang dahilan? Everything is out of your control already" tanong nito.

"And that's exactly the reason why kaya gusto kong malaman!!!" Sagot ko dito.

Tiningnan lamang ako nito kaya minabuti kong magpatuloy.

"I'm about to loose my job, the career I worked so hard for over the years..... my parents were both mad at me to the point that they want to disown me..... and I don't even know if I have a future with Albert after all of this..... so yes I wanna know why would you do this to me? Anong nagawa ko sa'yo?" Mapait na tanong ko dito.

Huminga ito ng malalim bago nagsalita.

"It's nothing personal really" sagot nito.

"Then bakit?" Ulit ko.

"Money.... ano pa ba?" Sarkastikong pahayag nito.

"Pera?" Naguguluhang tanong ko dito.

"Yes.... pera.... kasi alam mo yung pinsan kong si Ara eh kulang sa pansin yan.... gusto niya na siya lang lagi ang centre of attention and she is extremely desperate to stay relevant in the industry" umpisa nito.

Tahimik lamang akong nakikinig sa monologue nito.

"Kaya naman when she offered to pay me to help her uncover the truth behind your so called relationship with Albert, I accepted" paliwanag nito.

"Why?" Usisa ko.

"I needed a capital para magsimula ng negosyo after I quit my shitty job" kibit balikat na sagot nito.

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig.

"Good luck sa'yo! Hindi ko alam na ganyan pala kababa ang pagkatao mo! To think na patay na patay ako sa'yo dati" Galit na pahayag ko dito bago nagsimulang damputin ang aking mga gamit.

I got what I wanted kaya walang lingon-lingon akong lumabas ng kwarto ng lalaki.

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

"Done?" Nakangiting salubong sa akin ni Albert sa dulo ng hallway pagkagaling ko sa kwarto ni Riley.

Nakangiti ko din namang iniabot dito ang aking sunglasses na nakasukbit sa aking t-shirt.

"Thank god sa online shops!" nakatawang sagot ko.

Lingid sa kaalaman ni Riley ay lihim kong nai-record ang lahat ng aming pinag-usapan gamit ang isang recording device na nakubli sa aking salamin.

"You've done your part and now it's my turn!" Kumpyansang pahayag nito.....

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Friends to Lovers Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin