Chapter Fourteen

482 38 0
                                    

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Roommate!

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Pabalandra kong ipinarada ang aking sasakyan sa kalye at humahangos na bumaba upang tunguhin ang kumpol-kumpol na taong nagkakagulo sa labas ng gusali.

Kabi-kabila ang press sa iba't-ibang estasyon na nag-uulat sa kasalukuyang nagaganap. May ilang ambulansya din na nakahanda upang dalhin ang sinumang grabeng nasaktan o nasugatan sa ospital habang ang mga pulis ay abalang-abala sa pag-awat at pagpapaalis sa mga tao na gusto lamang maki-usyoso.

"Seriously! May sira ata sa utak ang tao dito!" Inis na bulong ko sa sarili ng mapuna ko ang grupo ng kalalakihan at kababaihan na may hawak ng cellphone at walang tigil sa pagkuha ng selfie.

"Hindi nakakatulong!" Dad-dag ko pa!

Una akong inisa-isa ang loob ng ambulansya at tiningnan ang bawat taong nasa loob nito. Hindi ko alam kung matutuwa ba o labis na mag-aalala sa tuwing hindi ko makikita ang mukha ng lalaki!

Mabilis na pinasasadahan ng aking mga mata ang bawat mukha na aking nakakasalubong! Sa bawat segundo at minutong lumilipas na hindi ko nakikita ang lalaki ay parang unti-unting natatapyas ang tapang at pag-asa kong makita pa ito! Halos gusto ko ng pang hinaan ng loob until I heard a familiar voice sa hindi kalayuan.

Hindi ako maaring magkamali! That voice is too familiar and similar to belong to someone else! Sinundan ko kung saan nanggagaling ang tinig at nakita ko ang nakatalikod na wangis nang katawan ng lalaki!

Parang huminto ang aking mundo kasabay ng pagkabunot ng tinik sa aking dibdib! Hindi ko napigilang mapaluha dahil sa saya at pasasalamat na aking nararamdaman dahil ligtas at walang nangyaring masama dito.

Tamang-tama naman ang timing na umikot ang lalaki upang humarap sa aking direksyon. Nagtama ang aming paningin! Wala sa sarili akong tumakbo papunta dito at niyakap ito ng mahigpit!

"Whoa!" Gulat na sabi nito na napahawak sa'king balikat "yes mum I'm okay... don't worry... nagulat lang ako kay Tope... yes he is here so please relax... pakisabi na lang din kay dad na wag na mag-aalala... sige na... I will speak to you later... bye... love you!" Anito at ibinaba ang telepono.

Kumalas ako sa pagkakayakap dito at sinuri ito mula ulo hanggang paa upang masigurado na walang galos, sugat o sunog sa anumang bahagi ng katawan nito.

"Bwisit ka! Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko?!" Mangiyak-ngiyak kong pahayag dito matapos suntukin ito sa braso.

"Aray!" Reklamo nito.

"Alam mo ba kung gaano ako nag-alala?! Ungas!" Wika ko pa sabay tulak sa lalaki habang patuloy sa pag-agos ang aking luha.

Bigla namang natahimik si Albert. Matagal nitong tinitigan ang aking mukha.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Tanong ko dito habang pinapahid ang aking luha.

"I'm sorry for making you worry!" Muling nagtama ang aming mga mata.

"Na low-bat kasi phone ko, I was charging it with my power bank as I went out to buy take away when the fire started so I wasn't in any danger." Mahinahong paliwanag nito matapos itaas ang supot na dala-dala nito pati na rin ang kanyang cellphone at powerbank upang ipakita sa akin.

"Tang-ina! Akala ko kung ano nangyari sayo!" Sabi ko dito habang patuloy pa din sa pag-iyak.

Nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin.

"Sorry na" anito habang sinusubukan akong pakalmahin!

Wala akong paki alam sa mga taong nakatingin sa amin o sa mga reporter na harap-harapang kumukuha ng litrato namin ni Albert. Basta ang mahalaga sa akin ay ligtas ito.

These people can do whatever the hell they want but I don't care because the only person that matters to me right now is Albert!

Period!

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

"You can sleep on the couch just like before." Sabi kay Albert matapos ibaba ang carrier bag nito sa katabi ng sofa.

Bagamat hindi nadamay ang condo ni Albert sa bahagi ng nasunog na gusali ay ipinag-utos pa rin ng mga awtoridad na pansamantalang lisanin muna ang gusali hanggang sa maayos ang naging pinsala ng sunog.

Iminungkahi ko kay Albert na sa condo ko na muna ito tumira habang naghihintay matapos ang pagsasa-ayos ng tirahan nito.

"Salamat" wika nito.

"Why don't you go shower and get change while I'll call work para sabihin na may family emergency ako kaya hindi na ako makakabalik sa office today"

"Di mo na kailangang gawin yun... I will be fine here on my own." Kontra nito.

"Okay lang wala na rin naman ako sa hulog mag trabaho today. It's better to start fresh tomorrow!" Sagot ko naman.

"Salamat ulit" anito na tumitig sa akin.

Hindi ko alam kung kailan nag simula, but his stares is starting to bother me. He's making me feel concious for some strange reason, which had never happened before sa tinagal-tagal na aming pinagsamahan!

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Friends to Lovers Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt