Chapter Seven

620 34 1
                                    

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Villainess!

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Mabilis na lumipas ang mga araw nang hindi ko namamalayan. Sobra akong naging abala sa paglilipat ng aking mga gamit sa condo sa Makati habang si Albert naman ay abala sa pagharap at pag-aasikaso sa issue niya kay Celine.

Halos ilang araw din kaming naging laman nang ulo ng mga balita. Kabi-kabila ang mga imbitasyon na aking natatanggap galing sa iba't-ibang reporters para sa isang one on one interview, subalit lahat nang ito ay aking binalewala lamang.

Naging tampulan din ako ng tukso at kantyawan sa trabaho. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang preference ko dahil sa history ng pagtanggi ko sa ilang babaeng nagkaroon nang crush sa akin sa kumpanya.

Ang isa pa sa malaking bagay na aking ikinagulat ay ang positibong pag tanggap ng mga tao sa rebelasyon ng gabing iyon. Todo ang supportang natanggap namin, lalo na kay Albert.

Marami ang natuwa, kinilig, nanghinayang at naiinggit because Albert is a ladies man at kilalang matinik sa babae. Marami ang napapa-isip sa aming 'love story' at kung papaano ko napa-ibig ang isang straight guy na kagaya nito.

DING DONG! DING DONG!

Napilitan akong itigil ang aking ginagawa upang tingnan kung sino ang nag doorbell sa may pintuan.

"Tope it's me, open up!" Sambit ni Albert bago ko pa man mapindot ang camera ng doorbell.

"Anu na naman kaya ang kailangan ng mokong?" Lihim kong tanong sa sarili.

Dali-dali itong pumasok at dumere-deretso sa sala matapos kong pagbuksan.

"We need to talk-" Bungad ng lalaki habang ako ay papalapit rito.

"Stop right there!" Putol ko sa sasabihin ni Albert.

"Huh?!" Kunot-noong tanong nito.

"No, no and no!" Sagot ko naman.

"Wala pa akong sinasabi!" Katwiran nito.

"Alam ko na yang ganyang mga banat mo! May problema ka ulit at hihingi ka ulit ng favour and the answer is NO!" sagot ko.

"Wait-" tangkang paliwanag nito ngunit hindi ko ulit ito binigyan ng pagkakataon.

"We haven't told our parents the truth about our little charade tapos may problema ka ulit!" Paalala ko dito.

"Pwede ba hayaan mo muna ako magpaliwanag" paki-usap ni Albert.

"Urgghhhh!"

Wala sa loob akong napabuntong hininga at umupo sa pinakamalapit na upuan. Despite my better judgement, I listened!

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

"What's your point?" Tanong ko kay Albert matapos ipaliwanag nito ang panibagong kinakaharap.

"AlcaTech Industries is one of the most stable company in the country! Doing business ventures with them is too much of a good opportunity to pass" sagot nito.

"Again what's your point?" Tanong ko ulit. "Huwag ka magpaligoy-ligoy at diretsohin mo ko" dag-dag ko pa.

"I need you to play along a little longer with our little charade. AlcaTech is a proud supporter of the LGBTQ+ community at isa sa dahilan kung bakit napili nila ang kumpanya namin to do business with is because of the news of our relationship" paliwanag nito.

"Oh come on-" tutol ko ngunit hindi ko natapos pa ang aking sasabihin dahil muling nagsalita si Albert.

"Tope please! Dad has entrusted this business venture to me! Sa kauna-unahang pagkakataon eh binigyan niya ako ng full authority sa decision making ng kumpanya without questions. You of all people should know how much this means to me!" Pagmamakaawa nito.

And he was right!

Dahil sa closeness namin ni Albert ay alam ko kung gaano ka-importante dito ang opinyon ng sariling ama. They never see 'eye to eye' with one another kaya naman ginagawa ni Albert ang lahat ng paraan upang makuha ang recognition nito.

Sa mata ng publiko ay isang huwarang ama at asawa ang tatay ni Albert. Pero gaya ng isang normal na pamilya, may mga bagay-bagay din na hindi alam ang karamihan sa likod ng magandang imahe na ipinapikita nito.

Don't get me wrong, tito is a good and faithful husband pero may pagka strikto ito pagdating kay Albert. Batas militar kasi ang ginawang pagpapalaki dito ng lolo ni Albert kaya naman gunun din ang ginawang pagpapalaki nito sa anak.

Luckily, tito is not homophobic kaya naman napanatili namin ni Albert ang aming pagiging mabuting pagkakaibigan. Ayon kay tito, as long as mabuti kang tao at walang ginawang masama sa kapwa ay walang dahilan upang hindi ka nito i-respeto at pakitaan ng mabuti.

"I would hate for Aiden Alcantara to back out before he signs the contract with us. Pwede bang hintayin na lang muna natin ma-finalize ang lahat bago tayo umamin na palabas lang ang lahat?" Pagsusumamo nito.

"I need to think about it" tanging sagot ko dito.

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

"Good morning Kris!" Bati sa akin ni Anggie pagpasok ko sa opisina kinabukasan.

"Good morning" nakangiti ko ring bati dito.

"Bago mo painitin yang upuan mo, kailangan mong pumunta sa head office. Ipinatawag ka ng GM natin" sabi nito bago pa man ako makaupo.

"Bakit daw?" Nagtatakang tanong ko.

"Di ko alam eh. Hindi naman sinabi" sagot nito.

"Ahh okay.... sige salamat" sabi ko dito bago umalis.

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Inabot din ng forty-five minutes ang byahe patungo sa head office dahil sa tindi ng traffic.

"Kris! Perfect timing! Upo ka" nakangiting salubong sa akin ng aming General Manager na si Mr. Sandobal.

"Pinapatawag nyo daw po ako sir?" Tanong ko dito matapos maka-upo.

"Yes I did! At hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa... I called you here to appoint you to handle a project for the company!" Excited na pahayag nito.

"H-ho???!!! S-solo pr-project sir???!!!" Gulat na gulat ako sa sinabi nito.

"Yes. Our company has closed a deal with an extremely high profile client so I am sure maiintindihan mo ang importansya ng project na ito" sagot nito.

"Yes!!! Ito na yung career break na hinihintay ko!!!" Lihim akong nagdiwang.

"Normally, I would have given this project sa iba pero nag-insist ang cliente na ikaw mismo ang mag design, mag lead at mamahala ng proyekto" paliwanag ni Mr. Sandobal "She was adamant that no one is better suited to do this project but you!" Dag-dag pa nito.

"She?!" Tanong ko ulit.

"That would me" sagot ng isang babae mula sa aking likuran.

"Nice to meet you Kristopher, I am Arabella Ortega" nakingiting pagpapakilala nito kasabay nang pag-abot nito ng kamay sa akin.

"SHIT!!!" bulong ko sa sarili habang wala sa loob na kinamayan ito.

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Friends to Lovers Where stories live. Discover now