Chapter Ten

517 36 0
                                    

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

A joke that went too far!

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Lumipas ang buong isang Linggo ng hindi nagku-krus ang landas namin ni Ara. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang iwasan ito. Iginugol ko ang aking oras sa trabaho dahil sa kagustuhan kong matapos agad ang proyekto.

The sooner I get the project done, the sooner I can get rid of Ara and the sooner I can go back to normalcy.

DING DONG! DING DONG!

Hininaan ko ang apoy ng kalan upang hindi masunog ang aking niluluto bago tinungo ang pinto at tingnan kung sino ang nag doorbell.

"Andito ka ulit?!" Salubong ko kay Albert matapos pagbuksan ito ng pintuan.

"Hello to you too!" Sagot naman nito bago tuloy tuloy na pumasok sa loob ng condo ng walang imbitasyon.

Dire-diretso itong naupo sa may hapag kainan.

"Have you seen the news? May problema tayo" sabi nito.

"Nakakahalata na ko....Tuwing pupunta 'tong ungas na 'to langing bad news ang bitbit! Kung kelan pa naman weekend at walang pasok!" lihim na reklamo ko sa sarili.

"Ano nanaman yun?" Kunot-noong tanong ko sa lalaki bago nagtungo sa may kalan upang patayin ito.

Instead na sumagot si Albert ay kinuha nito ang kanyang telepono upang ipakita sa akin ang sinasabi nitong balita.

Bumungad sa akin ang magkahiwalay na litrato namin ni Ara. Kitang kita sa mga larawan ang pag labas-masok namin ni Ara sa building ng kumpanya pati na rin sa building ng condo. Makaagaw attention din ang nakasulat na artikulo ukol sa mga larawan.

HAS ARABELLA FOUND ANOTHER STORY?

The infamous talk show host and former journalist has been spotted coming out of the same building as Kristopher Acosta; only a few days later after the public declaration made by Albert Rodriguez about their relationship. This was done recently, in light of the accusation made by Albert's former employee in regards to their scandalous 'affair'!

Is this a coincidence? Or is there more to the story than meets the eye? I guess we all just have to wait and see...

Ito ang pahayag ng isang anonymous na mamahayag.

"That isn't the only article that came out. Because of this anonymous journalist, other reporters has taken interest on the subject!" Dag-dag pa nito.

"Great! Just great!" Wala sa loob akong napabuntong hininga.

"Don't these people have a life?!" Naiiling na komento ko naman.

"Apparently not!" Umiikot ang matang sagot ng lalaki.

Muli akong bumalik sa kalan upang tikman ang lasa ng aking niluluto. Medyo matabang ang timpla nito kayo bunuksan kong muli ang kalan at dinagdagan ang sangkap nito.

Panandalian akong naging abala sa pagluluto. Nawala ang pocus ko sa bitbit na balita ng lalaki. Hindi ko rin namalayan ang marahang paglapit nito sa aking likuran.

"Uy beef Asado! My fovourite!" Wika nito bago inilapat ang sariling baba sa aking balikat.

He's too close for comfort!

Naamoy ko ang magkahalong pawis at pabango nito and I didn't find it unpleasant at all! Sa halip ay tila nagustuhan ko ito! Lalaking- lalaki ang amoy ni Albert at sa kung anong dahilan ay nakaramdam ako ng bahagyang pag-iinit ng katawan at pagkailang!

Itinaas ko ang aking kanang balikat upang paalisin ang ulo nito. Bahagya din akong dumistansya sa lalaki.

"Bigat mo!" Palusot ko.

"Patikim!" Anito na binalewala lamang aking ginawa.

Buong akala ko ay kukuha ito ng kutsara upang tikman ang sarsa sa kaldero subalit nagulat ako ng bigla nitong hinawakan ang aking labi at ginamit ang daliri upang pahirin ang naiwang sarsa dito.

Bagkus na ipahid ito sa kanyang damit o sa basahan ay dinilaan nito ang kanyang daliri upang lasahan ang sarsa ng aking niluluto. Di ko maiwasang matulala at pamulahan ng mukha sa ginawa nito.

"Hmmm! Sarap!" Pilyo ang ngiting ibinigay nito sa akin.

"What are you doing?!" Tanong ko dito ng ako ay maka-recover matapos ang ilang sandali.

"Di pa ba obvious? Tinikman ko luto mo!" Nakangiting pahayag nito.

"Wag kang pilosopo! Alam mo kung ano ang tinatanong ko!" Naiiritang sagot ko!

"Relax! I was just teasing you! I knew you'd react! You should see your face! Sobrang pula! Parang kamatis!" Natatawang pahayag nito.

Medyo napikon ako sa ginawa ni Albert kaya naman padabog kong binitawan ang sandok na aking hawak at tsaka muling pinatay ang kalan.

Marahas kong itinulak ang lalaki sa direksyon ng hapag kainan.

Bahagya itong nawalan ng balanse na naging dahilan upang maitukod nito ang dalawang kamay sa lamesa. Inilagay ko ang aking kanang kamay sa dibdib ng nito upang pagilan itong makatayo ng maayos.

"You do realize I'm gay right?" Seryosong tanong ko rito.

Nakataas ang kilay nitong tumango lamang sa akin.

"Hindi ako santo at you have been touchy-feely around me lately! Wag mo kong tuksuhin masyado kasi baka patulan kita dyan!" Babala ko dito at medyo idinikit ng kaunti ang aking katawan sa lalaki.

Ang tangi kong intensiyon ko ay takutin ito upang makaramdam ito ng pagka-asiwa para matigil na ito sa kanyang kapilyuhan subalit hindi ko inaasahan na iba ang magiging reaction nito.

"Oh yeah? What are you going to do about it?" Hamon nito.

Mabilis itong kumilos upang baliktarin ang aming posisyon. Nagawa nitong hawakan ang lamesa upang ako ay ikulong sa kanyang mga bisig.

Nataranta ako dahil halos magdikit na ang aming katawan! Nang-aakit din ang mga titig na ibinigay nito sa akin!

"I think this joke has gone far enough" sinubukan kong kumawala dito subalit na di hamak na mas malakas sa akin si Albert.

"I disagree" katwiran nito.

"Albert ano ba?! Hindi ka na nakakatuwa!" Saway ko dito at pilit kong pinalitan ng inis ang tono ng aking pananalita.

Matagal din kaming nagtitigan bago ito nagsalita.

"Sabi ko na nga ba hanggang salita ka lang eh!" Tukso nito at ngumiti sa akin.

Tila nagpantig ang aking tenga sa tinuran nito.

"Fuck you!" Sigaw ng isip ko.

Bago ko pa namalayan ang mga sumunod na pangyayari ay kusang gumalaw ang aking kanang kamay! Hinablot ko ang kwelyo nito at sinalubong ng halik ang labi ng lalaki!

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Friends to Lovers Where stories live. Discover now