Chapter Four

792 46 0
                                    

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Kisses & Lies

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Hindi ko alam kung papaano mag re-react. Masyado akong nabigla sa mga pangyayari!

Ang alam ko na lamang ay naramdaman ko ang malambot na labi ni Albert sa aking labi.

Kasabay ng pagdampi ng kanyang labi ay ang paglingkis ng kanang kamay nito sa aking bewang at ng kaliwang kamay nito sa aking batok.

Langhap ko din ang mabangong hininga ng lalaki. Hindi ko maiwasang ipikit ang aking mga mata sa kakaibang sensasyong dulot ng mapaglaro at nang-iimbitang halik nito. Wala sa loob akong napahawak sa braso ni Albert and boy! The man's torso is hard! I felt it through his shirt!

Ngayon ko lamang din napagtanto kung bakit maraming nahuhumaling sa mokong!

"Magaling humalik ang pucha!" Sa loob-loob ko.

"What the hell is going on here?!" Iyun ang mga katagang sumira ng kung anumang mahika meron sa halik ni Albert.

Tanging ang sunod-sunod na pag-click ng camera ng mga reporters ang maririnig sa loob ng silid!

Sabay kaming tumingin ni Albert sa direksyon ng pintuan at sinalubong kami nang hindi maipintang mga mukha nila tito at tit!

"Maybe this wasn't such a good idea after all!" Bulong ko sa sarili.

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Hindi makabasag pinggan ang katahimikang namayani sa loob ng study room.

Magkatabi kaming naka-upo ni Albert sa isang sofa habang kaharap sila mama at tita. Si papa naman ay naka-krus ang dalawang kamay sa kanyang dibdib at matiim na nakatingin sa amin. Samantalang si tito ay palakad-lakad sa loob ng silid.

"Kelan pa?" Si papa ang unang nagsalita.

"About two months ago na po tito. It all started as a drunken one night stand but somehow things has taken an unexpected turn." Pagsisinungaling ni Albert sabay hawak sa aking kamay.

"Artista ang loko!" Sa isip-isip ko bago napatingin sa mukha nito at tila nag-uusap ang aming mga mata na sinabihan ako nito na makisakay na lamang.

Ilang minutong katahimikan muli ang lumipas bago nagsalita si tito.

"First off, gusto kong sabihin na wala akong issue kung si Tope ang magustuhan mo Albert. In fact, matutuwa pa ako because he is a good man and god knows probably too good for you! I could only hope that you can learn some sense of responsibility from him!" Panimula ni tito habang nakatingin sa kanayang anak.

Medyo na-guilty ako ng bahagya dahil hindi ko akalain na ganun pala ang pagkakakilala sa akin ni tito. Gusto ko na sanang bumigay at umamin subalit naramdaman ko ang pagpisil ni Albert sa aking kamay.

"BUT I also know the two of you very well. Magkasanggang dikit kayo ever since! If this is all an act, you have both out done yourself!"

"Hindi dad. Two months na kaming mag karelasyon ni Tope and that's the truth!"

"The timing is just too convinient! Hindi kaya iniiwasan mo lang ang kasal?"

"We have been spending every single waking moments together at each other's places that I have never slept with any woman since! If that woman out there is pregnant, then I asure you that I am not the father!" Katwiran nito.

"We didn't even know that you are into men" Wika ni tita.

"I'm not!" Sagot naman ni Albert "hindi ako interesado sa ibang lalaki apart from Tope! He's special to me!" Seryosong pahayag nito.

Halos muntik na akong maniwala sa sinseridad sa boses ni Albert! Bagama't alam kong umaarte lang ito ay hindi ko maiwasang kiligin.

"Good thing you know better!" Lihim kong saway ko sa sarili.

"At ikaw naman Kristoper, bat kanina ka pa tahimik dyan? What do you have to say for yourself!" Sita sa akin ni papa.

Hindi ko magawang salubungin ang tingin ni papa dahil sa guilt na aking nararamdaman. Bukod doon ay alam kong galit ito sa akin dahil ginamit nito ang aking buong pangalan imbes na ang palayaw ko na "Kris".

"Oo nga naman anak. Kung talagang may namamagitan sa inyo ni Albert, bakit hindi ka man lang nag sabi?" Segunda ni mama.

"Now it's my turn to lie, huh?" Nangungusap ang aking mga mata na tumingin kay Albert.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Ma... pa.... kaya po kami di nagsabi ni Albert ay dahil kahit po kami ay nag-aadjust pa din sa development ng relasyon namin" paliwanag ko habang nakatingin sa aking mga magulang.

"We have been friends for as long as we can remember and suddenly we are now intimately involved with one another. Naninimbang kami pareho ni Albert dahil pareho po naming pinahahalagahan ang matagal naming pinagsamahan at ayaw po naming masira ito" sabi ko matapos tumingin sa direksyon nila tito at tita.

"We both agreed to take our time exploring this development and see where it leads but I guess our attraction to each other has gotten the best of us when we got caught in the act. Sana po maunawaan nyo na this is uncharted territories even for the both of us" tumingin ako kay Albert on those last few words.

Pinilit kong umarte na tingnan ito ng buong pagmamahal habang nananalangin na mapaniwala ang aming mga magulang.

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Friends to Lovers Where stories live. Discover now