Chapter Thirteen

473 33 0
                                    

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Off the record!

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

"Gusto ko na outdoor tiles ang flooring ng Alfresco and I want the sorrounding mostly concreted with only a meter of land left from the fence para taniman ng halaman." paliwanag ni Ara isang hapon, while we we're having our meeting.

"In terms of landscaping, I think a contemporary mimimalist garden will be best suited but that's up to you to decide, we can always change it" suggestion ko sa babae.

"I'll go with whatever you think is best" nakangiting sagot nito.

"That's great. Now that we have covered everything, I can incorporate all the changes sa final plan including yung gusto mong ipabago sa colour selection and electricals." Pahayag ko bago nagsimulang magligpit ng aking gamit.

"You sure work fast! I'm beginning to think na minamadali mo ang project to get rid of me!" Nakangiting biro nito.

"Jokes are half meant. Be careful Kris, malakas ang pakiramdam ng bruha!" Paalala ko sa sarili.

"Hindi naman. I guess you can say na inspired lang ako. Because of you, I was given this golden opportunity at work. Gusto ko lang patunayan sa'yo that you made the right choice" Depensa ko naman.

"You're doing a great job so far"

"Salamat"

"Anyways, now that we're done, order na tayo ng food. Gutom na ko!" Anito matapos kawayan ang waiter para hingin ang menu.

"Actually mer-" hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin dahil siningitan ako nito.

"Please I insist. I'm sure hindi ka pa din kumakain" sabi ng babae na hinawakan pa ang aking kamay.

Wala akong nagawa kungdi ang sumang-ayon kasabay nang pilit na ngiting ibinigay ko dito.

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

"Forgive my curiosity, but I am wondering how does it feel to date one of the most elegible bachelor in the country?" Kaswal na tanong ni Ara habang naghihintay kaming dumating ang pagkain.

"Sinasabi ko nga ba! Lumabas din tunay na intention mo! Tsk! Tsk! Kalma ka lang Tope! Just deflect the question as best you could!" Sa isip-isip ko.

"If I didn't know any better iisipin ko na ini-interview mo ko, Ms. Ortega!" Pabirong sagot ko dito.

"It's all off the record naman. Na-curious lang talaga ko. So please humour me?" Paki-usap nito na tila nag papa-cute pa!

"Kahit ilang beses ka pa mag beautiful eyes dyan, walang effect sakin yan!" Bulong ko sa sarili.

"If you don't mind I would like to keep my personal life separated from my professional life." Katwiran ko.

"Marakamdam ka sana!" Panalangin ko.

"That's fair enough... sorry... na-curious lang talaga dahil sa mga article na nababasa ko recently about sa inyo" hirit pa nito.

"I assure you Ms. Ortega na kung ano man ang nababasa mo ay walang katotohanan yun at gawa-gawa lamang to seek attention!" Paliwanag ko na sinamahan ko pa ng isang matamis na ngiti.

"Sure.... if you say so" Bagama't ngumiti din ang babae ay ramdam ko pa din ang sarcasm sa tinig nito.

She's on the hunt and it just happens that me and Albert are her prey!

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Hindi na nag insist pa si Ara na pag-usapan ang tungkol sa amin ni Albert. I made sure to draw a clear line kaya naman nag-iba ng taktika ang babae.

Naging halata ang biglaang pag-atras nito sa topic at mas pinili nito na makipag kaibigan, obviously upang kunin ang aking tiwala. Kitang-kita ang pagpupumilit nitong magpakita ng interest sa lahat ng aking sinasabi na tila ninanamnam ang bawat kataga at salita na lumalabas sa aking bibig.

She almost seem too genuine to people who might be listening to our conversation, which makes her even more dangerous.

"I cannot let my guard down" bulong ko sa sarili.

Panandaliang natigil ang aming pag-uusap ng mapuna ni Ara ang balita sa tv ng restaurant.

"Hindi ba yan yung building kung saan nakatira si Albert?" Turo nito.

"How the hell did she know that?" Kunot-noong tanong ko sa sarili.

Biglang nawala ang attention ko sa babae ng mapalingon sa itinuturo nito. At hindi nga ito nagkamali, and building kung saan nakatira si Albert ay headline ng balita dahil sa sunog sa ilang bahagi ng gusali!

Kitang-kita ko ang mga bombero na abalang-abala sa patupok sa apoy habang ang mga residente naman ay nagkakagulo sa paglikas mula sa nasusunog na gusali!

"Albert!" Sigaw ng utak ko!

Bigla kong naalala ang nabanggit nito sa akin the night before, that he will be working from home!

Today of all days!

"E-excuse me! I-I got t-to go" bigla akong napatayo.

Dali-dali kong dinampot at niligpit ang aking mga gamit at nagpaaalam sa babae.

"Kung gusto mo pwede kitang ipag-drive" alok ni Ara.

Bakas ang concern sa mukha nito. Whether it's real or not, I really don't care right at the moment.

"I will be fine. Salamat" tanggi ko "If you'll excuse me." Paalam ko dito.

Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito dahil parang may sariling isip ang aking mga paa na tinahak ang pintuan palabas ng restaurant!

Binalot ang aking katawan ng matinding takot at pag-aalala para sa kaligtasan ni Albert! Nanlalamig ang aking buong katawan habang sobrang bilis ng pagtibok ng aking puso.

Hindi ko mapigilan ang sarili for thinking the worse case scenario. Nanginginig ang aking kamay na binuksan ang pintuan ng aking sasakyan.

Umupo ako sa driver seat at pabalibag kong isinara ang pinto. Halos hindi ako magkanda-tuto sa pag papa-start ng sasakyan!

"Fuck!" Anas ko.

Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Panicking is not going to do me any good! I took a few deep breathes before starting the engine again, at di naman ako nabigo.

Nag-mamadali akong lumabas ng parking lot habang ini-speed dial ang numero ng cellphone ni Albert subalit direcho lamang ako sa voice mail! Muli ko itong sinubukan at muli din akong nabigo!

"Dammit Albert! Why aren't you picking up!" Desperadong pahayag ko matapos ibato ang cellphone sa passenger seat!

"Please Lord, sana po walang nangyaring masama kay Albert. Iligtas niyo po siya sa kapahamakan!" Taimtim kong panalangin habang tinatatahak ang kahabaan ng trapiko patungo sa kinaroroonan ng lalaki.....

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Friends to Lovers Where stories live. Discover now