Chapter Five

607 41 3
                                    

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

It's Showtime!

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Mahaba ang naging pag-uusap namin ng aming mga magulang and everyone came into a decision na aminin na lang ang lahat sa media. It's too late for crowd control dahil sigurado kami na kalat na ang balita at halos lahat ng tao sa birthday party ay alam na ang nangyari.

Mahirap din na kontrolin ang pag kalat ng mga litrato namin ni Albert na naghahalikan sa loob ng study room. Sigurado kami na may may mga "anonymous" post na sa social media tungkol dito.

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

We are all expecting na dudumugin kami ng mga reporters ng mga katanungan tungkol sa amin subalit wala ni isa sa mga ito ang lumapit sa amin.

Lahat ay abalang-abala sa pagtatanong at pagkuha ng litrato sa social climber na empleyado ni Albert na si Celine.

"Mabilis umaksyon ang puta!" Bulong ko sa sarili.

"Ahemmm!" Pukaw ni tito sa aming dalawa.

Tumango ito sa direksyon ng babae at sinenyasan kami nito na do something about it before everything gets out of control, as if it hasn't already!

Muling hinawakan ni Albert ang aking kamay at hinila patungo sa direksyon ng babae habang ang aming magulang ay minabuting manatili sa kanilang kinatatayuan upang hayaan kami ni Albert na ayusin ang gusot na aming pinasok.

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

"And this is the evidence of my pregnancy and the DNA test result I took to confirm that Albert Rodriguez is the father of my child!" Sabi ng babae habang iwinawagayway ang dokumento sa harapan ng media.

"Kaya kung anu man ang nakita ninyo sa loob ng study room, sigurado ako na palabas lang ang lahat ng iyun dahil gustong takasan ni Albert ang responsibilidad niya sa anak namin!" Dag dag pa nito.

"That's a very bold accusation to make!" Sagot naman ni Albert mula sa likuran nito.

Mabilis namang bumaling sa amin ang media. Sunod-sunod ang naging pagtunog ng camera ng mga ito sa magkahawak na kamay namin ng lalaki!

Nakikinita-kinita ko na ang headline sa balita mamaya: 'Ang jowa at kerida! Pinagharap!'

"Here we go!" Bulong ko sa sarili.

"Good evening everyone" nakingiting bati ni Albert sa mga reporters "I'm sure na marami kayong katanungan and I would like to take this opportunity to explain my side of the issue"

"Albert ano ang masasabi mo sa akusasyon ni Miss Montenegro?" Mabilis na tanong ng isang babae.

"First off, given my reputation with women, hindi ko kayo masisisi if you are all symphatising with Miss Montenegro. Half of you probably believed her already especially if she is waving those documents on your faces" sarkastikong pahayag nito bago huminto sandali for dramatic effect bago muling nag patuloy.

"That is why I brought someone whom I'd like you all to formaly meet" sabi nito tsaka tumingin sa akin.

"I'd like to introduce you all to my boyfriend, Kristopher Acosta" mabilis ang naging pagkuha ng litrato ng mga mamamahayag sa aking mukha.

"I have every intention of clarifying this issue tonight because I am at risk of loosing him and I CAN'T LET THAT HAPPEN!" Diin pa nito sabay tingin sa akin.

"Bwisit 'tong ungas na to! Magaling mambola! Kaya ang daming babaeng nabibiktema eh!" Naiiling na komento ko sa sarili.

Pinipigilan kong huwag matawa dahil sa galing nito sa pag-arte!

Maugong ang naging bulong-bulungan ng mga reporter at walang patid kaming inulan ng tanong ng mga ito.

"Wait! Are you saying that you turned gay?! Or bi perhaps?!" Tanong ng isang lalaki.

"Is it possible to turn gay for one particular person? I mean, the idea of being with other men is still extremely uncomfortable for me but with Tope, it's different. I really like it!" Sagot nito sabay tumawa.

"If being with him makes me gay then so be it! But I assure you that I am GAY ONLY FOR HIM and no one else!" Dag-dag pa nito.

"Anong masasabi mo sa pregnancy evidence at DNA evidence ni Miss Montenegro?" Tanong naman nang isa pa.

Wala na ang attention ng mga ito kay Celine. Lahat ay nakapokus na sa mga susunod na pahayag Albert!

"I say it's all fabricated. I have never slept with any women for a while now! Kung may dapat mabuntis dito eh si Tope yun but we all know that's not possible despite MY best efforts" anito sabay akbay at kindat sa akin.

Malakas ang naging pagtawa ng mga reporters at ang iba ay halatang kinilig pa sa sinabi nito.

"Sana ol nae-effortan" komento ng isang babae na ikinapula ng aking mukha.

"Loko tong ungas na to! Bakit ako ang bottom?!" Bulong ko sa sarili sabay siko sa lalaki.

Lalong naging malakas ang paghalakhak ni Albert kaya isang matalim na tingin ang ibinigay ko dito! Hindi naman ito nakaligtas sa mga mata ng reporters.

"Wow napaka-convenient naman na bigla kang naging bading ngayon? It's obviously a ploy para takasan mo ang pananagutan mo sa kin!" Singit ni Celine ng naging sanhi upang muling ma-focus ang attention ng mga ito sa babae.

Lihim na napatingin at humingi ng saklolo sa akin si Albert. I suppose hindi nakakatulong ang aking pananahimik to make our story convincing!

"Ploy talaga?" Sagot ko upang muling ibalik ang attention sa amin ng mga reporter.

"Albert has gone above and beyond his comfort zone to publicly admit his relationship with me tapos sasabihin mo ploy lang? Why would he risked everything, his reputation included, for such farce?" Tanong ko sa babae.

"Kung may pananagutan sa'yo si Albert then I would gladly give him up dahil hindi kayang i-tolerate ng konsensya ko na lumaking walang kinikilalang ama ang anak na dinadala mo" sabi ko.

"However, he swore to me na walang nangyari sa inyo! Lumuhod, umiyak at nagmakaawa siya para lamang paniwalaan ko!" Dag-dag ko pa.

Taas kilay na napatingin sa'kin si Albert dahil saaking mga sinabi. Halatang pigil na pigil ang pilyong ngiti nito!

"It's my turn, you jerk! Ipapangalandakan ko sa buong bansa na patay na patay ka sa'kin! It's only fair! Hmmppp!" Sa isip-isip ko bago muling nagpatuloy!

"And after tonight, I believed him! Alam mo kung bakit?" Tanong ko sa babae.

Wala naman itong naging imik bagkus ay nakipaglabanan ng titig sa akin!

"Kasi for a pregnant woman, you have been drinking a fair amount of Alcohol tonight and don't seem too concerned with the welfare of your child! I have been observing you the moment you walked in that door and you are way too focused on making connection and building your network with other business men!" Pahayag ko.

"Hindi totoo yan!" Galit na tanggi nito.

"So ibig bang sabihin kapag ni-review natin ang video footage ng media, pati na rin ng CCTV camera ng bahay nila Albert ay hindi namin makikita na umiinom ka or nakikipag harutan sa iba?" Tanong ko dito.

Namutla ito at hindi makasagot.

"That's what I thought! And since we are on the subject of evidence and credibility, we would like to demand a second opinion from different doctors about your so called evidence to validate it's authenticity!"

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Friends to Lovers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon