Chapter Three

846 43 0
                                    

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

The Solution

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

"Where is he?!" Tanong ko sa sarili matapos tingan ang aking relo.

Hindi ako mapakali dahil malapit nang mag umpisa ang press coverage at interview sa birthday ni tito ngunit ni anino ni Albert ay hindi ko pa rin nakikita.

The birthday celebration was held sa mansion nila sa tagaytay and a lot of respected people were invited to the event. The media was all over place as Rodriguez enterprise are well known through-out the business world, hence this celebration is a big deal!

Hindi lang ako ang naghihintay kay Albert, maging ang social climber at gold digger na babae ay nandun din! First time kong nakita yung girl, and good lord! She already acts as though she is part of the family!

"I need to talk to you! Follow me!" Laking gulat ko ng biglang hinablot ni Albert ang aking kamay out of nowhere at kinaladkad ako papasok sa loob ng mansion!

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

"O ano na? May solution ka na ba?" Usisa ko kay Albert matapos akong dalhin nito sa study room, where we can have privacy.

"Yes!" Simpleng sagot nito ngunit bakas ang pag-aalala sa mukha nito.

"O eh bakit parang byernesanto yung mukha mo? Sino ba sa mga exes mo ang nakumbinsi mo?" Kunot-noong tanong ko sa lalaki.

"That's the thing wala sa kanila ang pumayag kaya I was force to came up with another solution" sagot nito na tila hindi ito sigurado sa naisisip.

"You're an asshole kasi, no wonder why" natatawang biro ko dito at isang matalim na tingin ang ibinigay nito sa akin kaya minabuti kong ibahin ang usapan "so anong other solution ang naisip mo?" Tanong ko ulit kay Albert.

"YOU!" Sagot nito.

"What does that mean?" Magkahalong pagkalito at gulat na tanong ko sa lalaki.

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

"Nope! Absolutely not! You must be out of your mind!" Litanya ko kay Albert tanda ng aking matinding pagtutol!

"Please naman Tope, I am begging you! Akala ko ba we always have each other's back?" Pagmamakaawa nito.

"Don't even dare go there!" Warning ko kay Albert.

"Wala na akong ibang maisip na paraan!" Desperadong pahayag nito.

"You're better off marrying that woman!" Sagot ko naman.

"That's not going to happen Tope at alam mo yan!" Kontra nito.

"Nauntog ka ba or something before today? Pakinggan mo nga ang sarili mo? You're asking me not only to pretend to be your boyfriend but to also convince and deceive everyone, including OUR PARENTS, that you turned gay?!" Pag-uulit ko.

"For how long do you intend to keep this farce? How about your reputation? This is not as simple as coming out to your close friends and family! You will be admitting this sa harapan ng media nation wide!" Katwiran ko sa lalaki.

"Pero sand-" sagot ni Albert ngunit di ko siya pinatapos pa.

"Have you thought about the possible repurcussions of this stupidity? Naiisip mo ba ang mararamdaman ng parents natin if we somehow succeeded convincing them na bakla ka at sa mararamdaman nila after kapag natapos na ang lahat at umamin tayo na palabas lang ang lahat?" Tanong ko dito.

"You don't have to worry about anything. I will take care of it! Kailangan ko lang pumayag ka because I won't do this without your consent and I can't ask just any random guy to play the part because I can't trust them as much as I trust you kaya sige na Tope pumayag ka na!" Pakiusap nito.

Tila nanlalambot akong napaupo sa pinaka malapit na upuan. Tahimik akong nag-isip.

This is my best friend begging for help because he is desperate! How could I refused?! And besides, tama si Albert, we always have each other's back! Nothing has changed then and I am not about to change that now.

"Tope?" Tanong muli ni Albert makalipas ang ilang sandali.

"Fine I will play along but not without a price! Tutal naman madadamay ako sa galit ng mga magulang natin pareho kapag nalaman nila na pumayag ako, I might as well capitalise on this!" Sagot ko.

"You name it!" Mabilis na pag sang-ayon ni Albert.

"Yung isang condo mo sa makati! Ilipat mo sa pangalan ko! I need a bigger place!" Sagot ko naman.

"Done! It will be under your name starting tomorrow! Salamat ng marami Tope!" Nakangiting pahayag ni Albert.

Napapailing akong tumayo mula sa aking kinauupuan. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa kong pumayag sa idea ni Albert.

I just can't let the man down!

Sabay kaming napalingon ng lalaki sa direksyon ng pintuan ng makarinig kami ng mga yabag na papalapit sa study room. Kasabay ng mga yabag ay ang boses ni tito na kausap ang mga taga media.

"I guess that's our cue to leave the room. Tara" sabi ko dito.

"Wait! Perfect timing to!" Sagot nito na mabilis lumapit sa akin.

"Para san-?" Tananong ko subalit hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin dahil sinalubong ako ng malambot na labi ni Albert!

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Friends to Lovers Where stories live. Discover now