Chapter Fifteen

623 44 0
                                    

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Misunderstanding

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Maaga akong nagising kinabukasan upang magluto ng almusal at nang pambaon sa trabaho para sa pananghalian.

I prepared fresh pandesal for breakfast with scrambled eggs and hotdogs. Nagising si Albert sa ingay at kalampag ng aking pagkilos sa kusina.

"Good morning" nakangiting bati nito bago umupo sa lamesa.

"Morning" sagot ko naman "kain na. Kape gusto mo?" Alok ko rito.

"Hindi na, salamat" tanggi nito habang pupungas-pungas pa "Aga mo naman gumising" komento nito.

"I needed to be in the office by nine kaya ala-sais pa lang eh gumigising na'ko para makapagluto ng pambaon" sagot ko naman.

"Why go through all the hassle? Bakit hindi ka na lang bumili o kumain sa labas?" Tanong nito bago nag-umpisang magpalaman ng tinapay.

"Ungas na'to palibahasa maraming pambili! Tsk. Tsk!" Sa isip-isip ko.

"Ano ka ba? Ang laki din kaya ng natitipid kapag nagbabaon" katwiran ko "kumakain lang ako sa labas kapag may client or business meeting" dag-dag ko pa.

"Fair enough"

Panandalian kaming natahimik. Na-busy ako sa pagluluto habang tahimik naman na kumakain si Albert.

"Anong niluluto mo?" Tanong nito matapos maamoy ng lalaki ang aroma ng aking niluluto.

"Ginataang kalabasa na nilagyan ko ng hipon at baboy" sagot ko naman.

"Wow naman! Damihan mo na para naman makapagbaon na rin ako" Nakangiting biro nito.

"What happen to buying take out or eating out?" Ganting sagot ko naman.

"Well nothing beats home cooked meals! Besides sigurado ako na mas masarap pa yung luto mo kesa sa anumang pagkain na mabibili ko sa labas"

Hindi ko alam kung bakit, per may kung anong saya ang bumalot sa aking puso sa sinabi nito. Mabuti na lamang ay nakatalikod ako rito kaya hindi nito nakita ang bahagyang pamumula ng aking mukha!

"Utot! Ang sabihin mo, masarap talaga basta libre!" Biro ko na ikinatawa nito.

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

"Una na 'kong maliligo." Paalam ni Albert matapos hugasan ang kinainan nito.

Tango lamang ang isinagot ko sa lalaki habang nagluluto. Pumunta ito sa bag na kanyang dala upang kumuha ng twalya at underwear bago pumasok sa banyo.

Habang naliligo si Albert ay minabuti kong ligpitin ang pinaghigaan nito. Hininaan ko ang apoy ng kalan upang hindi masunog ang pagkain.

Nalanghap ko ang amoy ng lalaki na kumapit sa ginamit nitong kumot. Wala sa loob kong inilapit ang tela sa aking ilong upang namnamin ang maskuladong amoy nito.

"What the hell is wrong with me?!" Tanong ko sa sarili ng biglang matauhan at ma-realize ang aking ginawa.

Mabilis kong tinoklop ang kumot at ipinatong sa unan at tsaka inalagay ito sa sulok ng sofa.

Friends to Lovers Where stories live. Discover now