Chapter Twenty - Seven

485 28 0
                                    

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Family Sunday

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

"So kamusta naman kayo ni Albert?" Tanong ni tita habang nakatayo kaming kumakain malapit sa ihawan.

Kami na lamang ang hinihintay ng makarating kami sa bahay ng mga magulang ng lalaki. Nadatnan namin na masayang nagkukwentuhan ang aming mga magulang sa likod bahay ng mansion habang nagba-barbeque.

"Okay lang naman po tita. Magkasundo naman kami" sagot ko dito.

"That's good to hear! Basta kapag may ginawang kalokohan yan si Albert huwag kang magdalawang isip magsumbong sa akin o sa tito mo ha" paalala nito.

"Naku mare, hayaan mo lang sila..... nasa tamang gulang na yang dalawang yan..... tsaka mabait naman si Albert" sagot naman ni mama.

"Kahit na mare..... sa kanilang dalawa, alam naman natin na mas mature si Kris kaya-" katwiran ni tita subalit di na natapos nito ang sasabihin dahil biglang dumating si Albert na may dala-dalang inumin.

"Mum relax..... I'm a change man dahil kay Tope" singit nito sa usapan kasabay ng pag-abot nito sa akin ng royal na nasa baso. "I got your drink..... alam ko mas prefer mo yan kesa sa coke" ngumiti ito sa akin.

"Salamat" sagot ko naman.

Muling tumalikod ang lalaki upang kumuha ng pagkain subalit ito ay aking pinigilan.

"Albert eto na yung sa'yo" sabi ko dito habang iniaabot dito ang plato ng pagkain "natanggalan ko na ng green peas yung fried rice" dagdag ko pa.

Maarte kasi ito at ayaw ng green peas.

"Salamat..... you didn't have too" sabi nito sa akin na nakangiti habang nakatitig sa aking mga mata.

"It's fine..... not a big deal!" ani ko na sinalubong ng ngiti ang titig nito.

Matagal na napako ang tingin namin sa isa't-isa yung tipong para kaming nagkaroon ng moment dahil huminto ang takbo ng oras sa aming paligid at kaming dalawa lamang ang tanging tao sa mundo!

The funny thing was, it was neither scripted nor forced. Natural na natural ang koneksyon na naramdaman namin. Samut-saring emosyon ang mababasa sa mga mata nito.

Lingid sa aming kaalaman ay lantaran pala kaming pinapanood at pinagmamasdan ng aming mga magulang. Lihim na napangiti at at nagkatinginan ang mga ito.

"Ahem!" Pukaw attention sa amin ni papa ilang sandali pa ang nakararaan.

Bigla naman kaming natauhan ni Albert. Mabilis akong pinamulahan ng mukha ng makita ang reaksyon sa mukha nito. Balewala namang inumpisahang kainin ni Albert ang pagkaing iniabot ko dito.

"Ang sarap talaga ng recipe ng barbeque nyo tita" puri nito at halatang-halata ang pagtatangka nitong baguhin ang usapan.

"Young love..... sino bang mag-aakala na mauuwi sa ganito ang samahan ninyong dalawa?" Nakangiting banat naman ni papa na tila binalewala nito ang pagtatangka ni Albert.

"Papa!" Sabi ko dito.

"Makaramdam ka naman!" Nais ko sanang idugtong subalit mas pinili kong manahimik at tingnan na lamang ito while hoping that he get the message.

"Huwag mo na ngang tuksuhin si Kristopher..... pulang-pula na oh" kunwari'y saway naman ni mama kay papa.

"Ma!!!!" Baling ko dito.

"My god! Can't this conversation gets anymore awkward?" Sigaw ng isip ko.

"It's okay tita..... isa po yan sa charm ni Tope kaya po ako nahulog sa kanya.... he can be cute sometimes" gatong naman ni Albert.

"Albert!!!" Saway ko dito sabay bahagyang siniko ito sa tagiliran.

"Not helping!" My inner self wanted to die of embarrassment!

"Dapat siguro hindi na mare at pare ang tawagan natin sa isa't-isa" pahayag ni tito.

"Oo nga naman..... parang dapat masanay na tayong balae ang tawagan" segunda naman ni tita.

"Huwag nating pangunahan ang mga bata..... kailangan muna nilang makasal" si mama naman.

"Dun din naman ang punta ng mga yan..... parehong hindi na bumabata ang dalawa" sagot ni papa kay mama.

"Tama..... saan kayang bansa magandang gawin ang kasal? Marami na ring lugar ngayon ang open sa gay marriage diba?" Tanong ni tito.

"Naku dapat pala napag-paplanuhan na yan" excited na mungkahi ni tita.

"At siyempre pagkatapos ng kasal eh mga apo naman" dugtong ni mama.

"I would suggest getting a surrogate keysa mag ampon.... at least kapag surrogate sariling laman at dugo nyo pa rin pareho" baling sa amin ni papa.

"I agree" sang-ayon naman ni tito.

Hindi ako makapaniwala that they are planning our future for us already! At mas lalong hindi ako makapaniwala sa sobrang pagka open-minded ng mga magulang namin ni Albert considering they grew up in a much conservative generation.

They both have quickly adjusted to the idea of me and Albert becoming an item. Akala ko ay matatagalan pa at kung ano-anong drama pa ang mangyayari but I was wrong!

Hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt dahil sa lubusang pagtanggap sa amin ng mga ito. Hindi lahat ng tao sa mundo, lalo na sa Pilipinas, ay biniyayaang magkaroon ng mga magulang na kagaya namin. Kaya alam ko na kapag nalaman ng mga ito ang katotohanan ay lubusang madudurog ang mga puso nito.

Napatingin ako kay Albert ng maramdaman ko ang pag-akbay nito sa akin. Abot hanggang tenga ang ngiti ng lalaki habang nakikinig at pinagmamasdan ang aming mga magulang.

"Paano nya nagagawalang ngumiti ng ganyan? Hindi ba ito nababahala?" Tanong ko sa sarili.

Lumingon ito sa akin ng maramdam nito ang aking mga titig. Tila nabasa nito ang aking iniisip dahil lihim itong bumulong sa akin.

"Everything will work out just fine..... Trust me okay?" seryosong ang mukha nito.

"Paano mo nasisigurado?" Balik tanong ko dito.

"Because I know...... and you may not realise it now, but you will in time because I will be here to help you...." makahulugang pahayag nito.

"Anong ibig sabihin nitong ungas nito?" Naguguluhang tanong ko sa sarili.

"By the way, I am curious iho.... kaninong last name ang kukunin ninyo?" Biglaang tanong ni tito sa amin.

"Oo nga..... kanino nga ba?" Baling sa amin ni papa.

I was speechless....

¤¤~¤¤♧♧♣️♧♧¤¤~¤¤

Friends to Lovers Where stories live. Discover now