Pagkaharap ko ay halos ma-out of balance ako nang maapakan ko ang tela ng dulo ng damit ko. “Careful, young lady.” Sabi ng nakasalo sa’kin.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at umawang ang labi ko ng makita ko ang Daddy ni Cheska iyon. Umayos agad ako ng tayo. “Naku, pasensiya na po, Mr. Hernandez.” Nahihiyang sabi ko.

“It’s okay. Just be careful next time.” Nginitian niya ako at ti-nap ang balikat ko bago siya naglakad paalis at iwan ako doon. Ako naman ay wala sa sariling naglakad sa opposite direction na nilakaran niya habang nakatingin pa rin ako sa kanya.

“Huh…?” ‘Yan ang reaksyon ko nang habang naglalakad ako at natatanaw ko na ang dulo ng nilalakaran ko at palabas na iyon ng venue.  Huminto ako sa paglalakad at napasapo ako sa sarili kung noo. Nakanguso kong nilingon ang pinanggalingan ko at inis na inirapan ‘yon.

Kung babalik ulit ako, baka kung saan pa ako papunta ulit. Nakakainis naman! Bumuntong hininga ako ‘tsaka ko nilingon ang daan palabas at ilang segundong tiningnan ‘yon at ilang segundong ko rin pinagpasyahan na lumabas nalang ako roon at maghintay nalang na matapos ang event.

Dahan-dahan akong naglakad papalabas, tinitingnan ang paligid kung may mga media reporter ba, na nag-aabang. At nang, walang makita ay dali-dali akong naglakad pababa sa ilang baitang ng hagdan.

Naglakad-lakad ako at nang makakita ng mauupuan sa tabi lang ng halaman ay agad akong lumapit doon at naupo. Pinakatitigan ko ang paa ko at napalabi ako ng makitang namumula na iyon. Inabot ko ang paa ko at tinanggal ang suot kung heels pagkatapos ay marahan kung minasahe ang paa ko— salitan.

Hindi ko na muna sinuot ang heels sa paa ko, ipinatong ko lang muna ito dito. “Ang lamig…” Sabi ko habang naka-exis ang dalawa kung kamay at marahan na humahaplos sa magkabila kung braso. Pinagkikiskis ko rin ang dalawa kung palad at hihinipan ito kalaunan.

Nasa gano’n akong kalagayan nang may marinig akong yabag ng paa na naglalakad papalapit sa gawi ko, hindi ko ito pinansin. Bahagya akong nakakuyo habang hinihinipan ang palad kung nakatapat sa bibig ko at bahagyang nakalobo. Napahinto ako sa paghinip sa palad ko, nang huminto sa harap ko ang dalawang pares ng sapatos, na naririnig ko lang kanina na papalapit sa gawi ko.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa taong nakatayo sa harap ko at umawang ang labi ko at bahagyang nanlaki ang mata ko nang makita ko na si Zach iyon.

“Zach…?” Nagugulat kung sabi at agad na napatayo, ngunit nakalimutan kung nakapatong lang pala ang paa ko sa heels ko, kaya ito ay natumba pagkatayo ko. Buti nalang ay nakaapak agad ako sa lupa at hindi natumba. Mabilis rin akong naalalayan ni Zach.

Hindi niya ako pinansin, bagkus ay napatingin ako sa pagtatanggal niya ng kanyang coat, at nagulat ako ng ito’y ipatong niya sa balikat ko. Napatingin ako sa mukha niyang seryuso habang inaayos ang coat niyang pinatong niya sa balikat ko. Ang sout nalang niya ngayon ay ang white polo long-sleeves na doble niya sa loob.

“Where have you been?” Halos pasigaw na tanong niya sa’kin pagkatapos niyang maiayos ang coat niya sa balikat ko. Naipikit ko naman ang isang mata ko. “I was looking at you everywhere.” Sabi niya, umigting pa ang kanyang panga.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. “Ah… kasi…”

“Kasi, what?” ulit niya sa sinabi ko.

“Kasi… naligaw ako hindi ko natandaan ang daan pabalik doon sa venue, pasensiya na… ‘yung nilakaran ko naman palabas na ng venue ako dinala, ayaw ko naman na bumalik baka kung saan naman ako nito mapunta.” Nakayuko paliwanag ko sa kanya, ang mga daliri ko ay pinaglalaruan ko na parang bata habang ako’y nagsasalita sa kanya.

Napaangat ako ng tingin at nagulat ng bigla niya nalang akong niyakap ng mahigpit. “You made me worried sick, fuck!” Sabi niya at mas lalo pang hinigpitan ang yakap niya sa’kin. Ang kanyang mukha ay ibinaon niya sa pagitan ng leeg at balikat ko.

My Personal YayaKde žijí příběhy. Začni objevovat