CHAPTER 59 - NIGHT BEFORE THE BOMB

En başından başla
                                    

Pang lima : Hindi siya only child, may kapatid siya. Kapatid sa labas. Feeling niya tatlo pa nga e. Isang member ng executive, isang psychopath at isang kulang sa pansin at aruga.

Kambal pa niya yata 'yung kulang sa pansin at aruga.

Ang malas niya sa part na'yon, hindi manlang siya sinuwerte kahit sa kapatid nalang sana.

Bakit ang malas ni Ashari sa mga kamag-anak niya?

Pang-anim : Hindi siya poor! Sadyang epal lang ang kaniyang great father at ipinagkait sa kaniya ang mga kayamanan. Imagine, ang tatay niya Presidente ng MPO tapos ang nanay niya Silvia, may mga kapatid pa siyang papantay ang kayamanan sa mga Marchese.


Kahit taga sapo lang si Ashari ng mga pinaglumaan ng mga 'yon, sureball yayaman at yayaman pa din siya.



HA! E kung hindi kasi ipinagkait sa akin ng magaling kong ama ang estado kong tunay sa buhay edi sana wala ako sa Marchese, hindi sana ako nahayok sa 500 million. Baka isa pa sana ako sa mga pinakamayaman.

Kaso walang Galileo.


Erase! Erase!

Hindi na tayo mukhang pera ngayon, kahit isalaksak pa ng ama ko ang pera niya sa baga niya.




"So he is your father?" Finally, naitanong din ni Easton ang mga katagang kagabi pa naka bitin sa utak niya.


Bumuntong hininga si Ashari at tumango. Parang napilitan nalang siya at hindi niya talaga matanggap e.



"Hindi ko alam. Ang galing niyang magtago ng identity."




"Do you want to go back home? You might need a talk with him." Suhestyon ni Easton sa pinaka caring na paraan.



Tumingin si Ashari sa Underboss na para bang sinasabi na 'Seryoso ka ba?' look.



"Seryoso ka ba?" ayan, sinabi na niya.


Easton nodded. Mga tatlo.


Umirap si Ashari. "Anong bahay ba sinasabi mong uwian ko? Sa pagkaka-alam ko kasi dito ako nakatira, Easton."


Ang lolo Easton naman, hindi napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi.

"Right." pagsang-ayon niya sa sinabi ng dalaga. "This is your home...our home."



Walanjo, kilig pempem si Ashari don. Pero pigil muna. Saka na siya kikiligin hanggang uterus kapag sureball na ang mga ganap sa kanilang dalawa ni Easton.



Sa ngayon, hindi muna sila sa romance. Matutong magpigil at mag-intay sa tamang panahon.


May Galileo sila na dapat unahin.



"Ashari?"


Sa malamig na gabi, parehas silang nakatingin sa maliwanag na buwan dito sa veranda ng mansyon.



"Hmm?"




"Do you...do you know why Peter hid his true identity to you?"



Walang pagdadalawang isip na umiling si Ashari. "Hindi ko alam, pakiramdam ko nga ibang tao 'yung kaharap ko kagabi. Parang hindi siya 'yung tatay na nakilala ko." sa true lang. "Hindi naman kasi englishero si tatay, kasing tigas nga ng palakol 'yung tagalog non tapos kagabi fluent at de english accent pa siya." Na-inis si Ashari ng maalala 'yon. "Siguro takot siya na malaman ko lahat ng baho niya kaya itinago niya sa akin lahat."


BABYSITTING THE MAFIA'S KIDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin