Lihim akong ngumiti at nagkunwari na hindi ko nakikita ang nangyayari. Cute.

“What? It just your yaya, Zachary.” Marahang natawa si ma’am Celine. “Right, Alisha?” nakangiti itong tumingin sa’kin.

Galing sa pinapanood ay tumingin ako kay ma’am Celine at nginitian ito. “Yes, ma’am.” Tumingin ako kay Zach na nakatingin rin pala sa’kin. Nginitian ko siya ngunit suplado lang siyang nag-iwas ng tingin sa’kin, matapos niya akong titigan at hindi nakaligtas sa’kin ang bahagyang pag-igting ng kanyang panga.

“Tsk.”

Kinuha niya sa kanyang mommy ang plate ng blue berry cheesecake at siya na ang umubos, sa natitirang kinakain ng kanyang mommy. Gano’n din sa kalahating basong juice na natira sa baso ng kanyang mommy. Pagkatapos ay tiningnan niya ako ng masama bago siya tumayo at nagsimulang maglakad paakyat sa second floor ng bahay.

Parehong umawang ang labi namin ng kanyang mommy, dahil sa ginawa niya, habang sinusundan namin siya ng tingin paakyat sa hagdan. Alam naming pareho na hindi mahilig sa matatamis si Zach. Nang mawala sa paningin namin si Zach, ay nagkatinginan kami ni ma’am Celine at sa hindi namin maipaliwanag ay sabay kaming natawang dalawa.

“What just happened?” maang na tanong ni ma’am Celine sa’kin pagkatapos ay tumingin pa ulit sa taas, na para bang nakikita niya doon ang kwarto ng kanyang anak.

“Hindi ko rin po alam ma’am Celine.” Sabi ko. “Minsan po talaga ay ganyan ‘yan si Zach pag-inatake ng mood swing niya.” Ngumiwi ako.

Tumango si ma’am Celine at magaan akong nginitian, ngumiti rin ako sa kanya.

“Siya nga pala, bakit hindi ka nalang kumain kahapon ng gabi? Bakit mo pa ako kailangang hihintayin?” tanong ko kay Zach nang maalala ang sinabi sa akin ni Kary kaninang umaga. Tiningnan ko siya, hindi siya nakatingin sa’kin. “Sinabi ‘yun sa’kin ni Kary kanina.” Dagdag ko.

Kaming dalawa nalang ni Zach ang gising sa mga oras na ‘to, dito kami sa may living room nakaupo sa may lapag habang gumagawa ng assignment sa school. I mean, siya nalang pala dahil kanina pa ako tapos. Matutulog na nga sana ako, eh, kaso ang isang ‘to pinigilan ako at sabi niya samahan ko pa daw siya dito hanggang sa matapos siya.

Wala akong nagawa, kaya ito kami ngayon tinatapos ang assignment niya. Tinulungan ko na nga siya sa group activity nila, eh, para matapos na agad. Ako ang nag-tatype habang siya naman ang nagsasabi ng ilalagay ko. Kahit na sinabi ko na siya nalang ang magtype sa laptop, dahil mabilis ang kamay niya magtipa sa keyboard at kabisado niya na rin kahit hindi na siya tumingin sa keyboard at sa screen nalang.

Pero hindi siya pumayag, ang sinabi at dinahilan niya ay para masanay daw akong gumamit nito. Marunong naman akong gumamit nito kahit papaano, pero kailangan ay mayroong mouse dahil hindi ako nasay ng wala ito. Nahihirapan ako sa pag-srcoll. Pati na rin sa pagtatype ay mabagal ako dahil tinitingnan ko pa paminsan-minsan ang keyboard.

Kaya ayun kahit anong bagal ko sa pagtitipa sa laptop at laging nahuhuli sa pagtipa ng mga binabanggit niya, ay matiyaga niya akong inaantay ng walang reklamo. Sige, subukan niya lang talagang magreklamo.

Humikab ulit ako nang hindi ko na mabilang kung ilan. Gusto ko na talagang matulog, kanina pa nga ako panay ang hikab dito, eh, at pinapakita ko talaga iyon sa kanya baka sakaling maawa siya at patulugin na niya ako. Kaso, wa epek, eh. Manhid.

“Last na paragraph nalang ‘to.” Sabi niya at inilipat ang papel sa kabilang pahina. “The ongoing planning, monitoring, analysis and assessment of all necessities an organization needs to meet its goals and objectives.” Basa niya dito.

Hay, sakit na nang kamay ko. Kino-close-open ko ito ng ilang beses habang inaantay ang sagot niya sa tanong kung hindi niya pinansin.

Hindi ko ti-nype ang sinabi niya. “Paano pala kung hindi ako umuwi nun? Teka lang… kumain ka pa ba nun ng pumasok na ako sa kwarto?” tinitigan ko siya.

My Personal YayaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt