Umorder sila Aira ng wine at isang hard liquor. At pinilit, talaga nila ako na uminom kahit sabi ko ay ayaw ko, hindi nila ako tinigilan at ang lokong si Robin ay nakisali rin para mapainom ako.

“Ano ka ba Ali minsan lang naman ‘to, pagbigyan mo na kami,” medyo may tama na na sabi ni Aira, eh, pano siya ang halos umubos ng isang bote ng wine. “Pati ikaw Ruby nananahimik ka d’yan, akala mo hindi kita mapapansin.” Turo niya kay Ruby sabay abot dito ng wine glass, pati ako ay binigyan niya.

“Aira lasing ka na…” mahinahong sabi ni Ruby.

“Shh,” umiling si Aira. “Inumin niyo na ‘yan.”

Wala kaming nagawa ni Ruby, kundi gawin ang request niya. Nagkatinginan kami ni Ruby bago sabay na ininum ang wine, napabuntong hininga pa ako bago ko inumin ang alak.

Natatawa na sa kanya si Leo at ang loko ay kinuha pa ang cellphone sa bulsa niya at kinuhanan ng video si Aira, sinaway ko siya, kumindat lang siya sa’kin at pinagpatuloy ang pagvivideo. “Pangbablack mail ko ‘to sa kanya.” Natatawa pa nitong saad.

Kalaunan ay nagustuhan ko rin ang lasa ng alak at hindi ko na namamalayan na nakakarami na pala ako ng inom.

Si Lea ay tahimik lang na umiinom habang busy sa kanyang cellphone. Ako man ay hindi rin maipagkakaila na iniisip ang sinabi ni Zach kanina sa’kin. Kaya hindi ko rin namamalayan ang galaw ko na patingin-tingin pala ako sa aking cellphone para tingnan ang oras.

“Nakapagpaalam ka naman diba?” tanong ni Robin nang makita niya ulit akong tumingin sa aking cellphone.

Nakanguso akong tumango sa kanya, tumango naman siya, tapos kinuha ang wine glass at uminom doon. Umorder pa si Aira ng isa pang bottle, at nagpatuloy ang inuman. Hindi na namin namalayan ang oras, pagtingin ko ulit sa screen ng cellophane ko ay mag-aalas diez na ng gabi.

Hala! Nagpanik ako. Hindi ko alam pero bigla nalang akong kinabahan.

“Tama na ‘yan, lasing na kayo.” Sabi ni Robin ng iisa pang order si Aira.

Bigla akong tumayo ngunit napaupo rin agad ng bigla akong makaramdam ng hilo. Napatingin naman sa’kin si Robin at inalalayan ako sa pag-upo. Tumayo na sila at inalaayan ni Leo si Aira na ayaw pa papigil at gusto pa daw nyang uminom, kaya si Leo ay kinarga na ito na akala mo ay nagbuhat lang ng isang sako. Buti nalang ay may nakapulupot na jacket sa bewang nito para hindi masilipan.

Si Lea naman ay nakahawak sa kanyang nuo habang naglalakad paalis at minsan pang muntik matalisod kaya inalalayan na siya ni Robin. “Dito ka lang, hatid ko lang ‘tong mga kaibigan mo sa kotse ni Leo.” Sabi niya bago sila umalis.

Si Ruby ay nakayukyuk na sa lamesa at tulog na. Hinilot ko ang sentido ko ng makaramdam ulit ng hilo. Pagkaraan ng ilang minuto ay bumalik ulit si Robin at si Ruby naman ang inalalayan niya at dahil tulog na ito ay binuhat niya na, pagkatapos ay bumalik siya ulit at ako naman ang inalalayan niya sa paglalakad.

“Kaya mo ba? O gusto mo buhatin rin kita.” Nag-aalala niyang sabi.

“Kaya ko, nahihilo lang ako, pero kaya ko pang maglakad.” Sabi ko habang naglalakad na kami palabas, ang isa kong kamay ay nakahawak sa kanyang braso.

“Oy ‘tol alis na kami. Ako na ang bahala sa mga ‘to.” Sabi ni Leo. “Iniwan ko na ang bayad doon sa counter ang sobra doon ilagay mo nalang sa kinain na’tin.” Dagdag pa ni Leo na mapupungay na rin ang mga mata.

“Ge, ‘tol ingat…” hinampas ni Robin ang ibabaw ng kotse.

“Leo, si Ruby ha…” pahabol ko pa bago niya isara ang pintu ng driver seat. Nagsalute siya sa’kin bago niya paandarin ang sasakyan niya paaalis.

My Personal YayaWhere stories live. Discover now