Si Zach ang nagtutulak ng push cart habang ako naman ang nagbabasa at nagsasabi kay manang Koring ng mga dapat bilhin, na pinalista ni manang Koring kay Kary kanina bago kami umalis.

Papunta kami sa fruit section nang madaanan namin ang mga sweets and chocolate, at nakita ko doon ang chocolate na simula bata ako ay ninanais ko nang matikman ang Toblerone at Hershey’s.

Napahinto ako sa paglalakad at napatitig doon, nakangiti kung kinuha ang isang box ng Toblerone. Sunod ko namang kinuha ang Hearsey’s, at nakangiting pinaglipat-lipat ang tingin doon.

“You want to buy that?” rinig kung tanong ni Zach.

Nakangiti akong tumango at tumingin sa kanya, ngunit ang ngiti ko ay parang bulang mabilis na napawi, nang paglingon ko sa kanya ay hindi ko alam na malapit pala ang mukha namin sa isa’t isa. the fact, na medyo nakayuko pa siya, kaya naman nang mapalingon ako sa kanya ay hindi ko inaasahang nahalikan ko ang halos kalahati ng kanyang labi at ang kalahati rin ng pisngi niya.

Nanlaki ang mata ko sa gulat at agad na napaatras, nabitawan ko rin ang hawak kung chocolates, na dahilan ng pagtingin sa’kin ng ilang mamimili na malapit sa amin.

“P-pasensya na po.” Aligaga ko iyong agad na dinampot at ibinalik kung saan ko ito kinuha kanina, pati ang paglalagay ko ay wala na sa ayos!

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at mariin pumikit. Ramdam ko na natigilan rin siya sa pagkabigla dahil sa nangyari. Gosh! Ali, nakakahiya ka! Lupa lamunin niyo na po ako.

“Ali. Zach.” Tawag sa amin ni manang Koring nang mapansin yata na hindi kami nakasunod sa kanya.

“Nandyan na po…” iniwan ko si Zach doon ng hindi siya tinitingnan.

Para akong wala sa sarili na naglalakad palapit kay manang Koring. Nang makalapit ay nilingon ko si Zach na nakatayo parin doon at nakatingin sa kawalan, bago pa man siya mapatingin sa’kin ay umiwas na ako ng tingin sa kanya.

“Hijo…!” tawag ni manang Koring, na doon palang yata nagpabalik sa kanya sa sarili. Wala sa sarili na lumapit siya sa amin, hindi ko siya nilingon o tiningnan, or let’s just say, na hindi ko siya kayang tingnan manlang dahil sa kahihiyan.

Nang makalapit siya ay nilagay agad ni manang Koring ang prutas na kinuha niya sa push cart. “S-sa meat section na po ang last.” Sabi ko nang makita na wala nang bibilhin at ang meat nalang ang kulang. Kinawakan ko ang handle ng cart para sana tulungan siyang magtulak nito, dahil kita ko na marami na ang laman at baka mahirap ng itulak, ngunit agad ko ring inalis ang kamay ko sa pagkakahawak ng hindi handle ang nakawakan ko, kundi ang kamay niya. “S-sorry…”

Pumunta kami sa meat section at habang pinapaliwanag sa amin ni manang Koring kung paano ang tamang pagpili ng sariwang karne, ay nahihiya ako sa matanda at gusto ko ring kutusan ang sarili ko, dahil wala manlang pumapasok sa utak ko.

Ang tanging nasa isip ko lang ay kung paano ako haharap at pakikitunguhan si Zach. Gosh! Nakakahiya talaga. Pano na ‘to…?

Lihim ko siyang sinilip habang nakapila kami sa counter para magbayad na, normal naman ang kilos niya parang walang anumang nangyari kanina. Tanging ako lang talaga ang nakakaramdam ng pagkailangat kahihiyan. Bakit naman siya maiilang parang wala nga lang naman ‘yun sa kanya ‘tsaka malamang ay marami na siya nahalikan na babae o ‘di kaya ang mga babae pa ang humahalik sa kanya, kaya ito ay wala na sa kanya.

Tama! Aakto nalang akong parang walang nangyari (na hindi ko siya nahalikan) at magpapanggap rin akong wala lang ‘yon sa’kin. Tama. Gano’n nga.

May tumawag ng pangalan ni Zach paglingon ko papalapit na sa’min ang dalawang babae, nang makalapit ay binati siya ng ‘Hi’ kapagkuway. Kita muna. Hindi ko na kailangan mag-alala pa sa nangyari kanina, dahil mabilis niya lang itong makakalimutan. Sana nga…

My Personal YayaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora