Prologue

5K 51 3
                                    

Napamura ako ng hindi ko natamaan ang gitna ng Dart Board at sinalampak ang katawan ko sa sofa. Putang ina! Kanina pa ako namomroblema kung saan ako kukuha ng perang pang pagamot sa kapatid kung babae na may Dengue. Dalawang linggo na akong naghahanap ng trabaho pero hindi naman nila ako kinukuha dahil bata pa raw ako. Seventeen na ako at mag e-eighteen na sa susunod pang buwan.

"Problemado ka nanaman Jackson?" ani Benjo na ngayon ay umiinom ng alak na nakalata. Nagkibit balikat ako at kumuha rin ng maiinom. Tangina! Walang wala ako ngayon, sumakto pa ang sakit ng kapatid ko! Kamalasan naman ng buhay ko!

"Pare, pautang naman. Shit! Awang awa na ako sa kapatid ko" Natigilan naman si Benjo at tinawanan ako ng hilaw.

"Gago! Ang dami mo ng utang saakin! At wala akong maipapautang sa'yo, wala pa akong na-raket" Napapikit ako ng mariin at sinandal ang ulo ko. Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pera, kung pwede ko lang ibenta ang sarili ko ay ginawa ko na.

"Bakit ba ikaw ang naghahanap ng pera? Nasaan nanaman ba ang nanay mo?" nagigting ang panga ko at napahawak ng mahigpit sa hawak kung alak na delata.

"Alam mo namang walang kwenta ang taong 'yon! Alak at sugal lang ang alam sa buhay! Imbes na ipambili ng bigas 'yong napagbebentahan niya ng uling. Putang ina!"

Naalala ko nanaman 'yong araw na nag-aapoy ng lagnat ang kapatid ko at walang ginawa ang magaling kung ina kung hindi ang maglaro ng tong-its sa bahay namin sa isang squatter area. Nag alab ang galit sa buong katawan ko, ibinato ko ang hawak ko sa dingding. Sa sobrang lakas ng pagkakabato ko ay nayupi na ang lata at nagtalsikan ang laman nitong alak.

"Huwag kang mag eskandalo dito Jackson! Tangina mo!" napatapik sa noo niya si Benjo at humingi ng tawad sa naabalang naglalaro ng billiard at baraha.

"Ito 500! Huwag mo ng bayaran 'yan! Umalis ka na at baka mawalan pa ako ng costumer!" seryoso ko 'yong kinuha sa kanya. Hindi na ako nagpasalamat at mabilis ni linisan ang pipitsugin niyang pasugalan.

Kaagad kung binili ang niresetang gamot saakin ng doctor at pinuntahan ang kapatid kung babae sa ospital. Mag dadalawang linggo na siya dito at dalawang linggo narin akong hindi pumapasok dahil walang ibang magbabantay sakanya. Umalab nanaman ang galit ko ng makita ang nanay ko sa tabi ng kapatid kung nakaupo sa higaan niya.

"Kuya Jackson!" ngiti palang niya ay umapaw na ang awa sa dibdib ko. Paano ko maiaahon sa hirap ang kapatid ko ngayong ni katiting na pera ay wala saakin? Napapikit ako ng mariin at yumakap sakanya.

"Mabuti at dumating ka na, tinurukan nila ako kanina ng injection. Takot na takot ako kuya" hinaplos ko naman ang likod niya upang patahanin siya at pinakain ng binili kung sopas kanina sa labas. Hindi ko pinansin ang nanay ko at inabala ang sarili ko sa kapatid ko.

"Ano'ng kailangan mo? Ubos nanaman siguro ang pera mo ano?" hindi na ako nakatiis pa at kinausap siya.

"H-hindi anak, gusto ko lang bisitahin ang kapatid mo" tumawa ako ng kasuklam suklam at binaba ang hawak kung baso ng tubig. Nagpapatawa ba ang babaeng 'to? Matapos niyang pabayaan si Sharlene ay ganito ang sasabihin niya?

"Pwes 'nay umalis ka na, bumalik kana sa bahay. Hindi ka namin kailangan ni Sharlene, dahil noon pa man, hindi ka na nagpakita saamin ni konting pagaaruga. Puro ka sugal, makasarili ka, wala kang kwentang ina"

Lumipas pa ang dalawang linggo, nakalabas na sa ospital si Sharlene pero kailangan ko pang maglinis sa ospital upang mabayaran ang perang nagastos. Madali lang naman ang gagawin kaya kalahati ng pera ay nabayaran ko na, ang kalahati na lang ang babayaran ko at hindi ko alam kung saan ako kukuha non. Bwisit! Kaliwa't kanan na ang problema ko! Buti at napakiusapan ko 'yong may-ari ng ospital na pauwiin na si Sharlene kahit hindi pa kami bayad.

Napasinghap ako at hinalikan ang babaeng dinala ko dito sa bahay ni Benjo, tangina at wala akong perang pang Motel. Hinawi ko ang damit niya at pasimpleng hinimas ang hita niya. Kinapa ko ang bulsa niya at nang may makapa akong pera ay mabilis ko 'yong binulsa.

"Kamusta ang babae kagabi? May nakuha ka?" tanong ni Philip at nagsindi ng sigarilyo. Ngumisi ako at pinakita sakanya ang limang libong pera.

"Tiba tiba ako dito pre! Sobra pa ito sa pangbayad sa ospital" binilang ko ang pera at dinilaan pa ang hinlalaki ko. Puta. Limang libo! Ang laki nito, itatabi ko ang matitira pambili ng makakain namin ni Sharlene.

"'Yan o Jackson, mayaman 'yan. Matulungin at mabait na babae" binulsa ko ang pera ko at pinagekis ang kamay sa dibdib ko at tinitigan ang babaeng tinuro niya na ngayon ay nagbibigay ng pera sa mga pulubi. Mukhang mayaman nga at may kasama pang driver.

"Sino ba 'yan?" tanong ko kay Philip, nginisian naman nya ako at tinapon ang sigarilyo niya.

"Trixie Miguela Hiron, pinsan ni Carlos pare! 'Yong mananayaw. Magpaawa ka lang diyan sigurado bibigyan ka niya ng pera. Oh ano, gusto mo?" mapaglaro ang ngiti niya at tinampal ang braso ko.

Hindi ako sumagot at tumitig sakanya. Malawak ang ngiti sakanyang labi at bigla nalang sumulpot ang isang lalaki. Tangina si Gregorio 'yon ah! Hinalikan niya ito sa pisngi at pumasok na silang dalawa sa sasakyan. Rumagasa ang galit sa katawan ko at naikuyom ang aking kamao. Akala ko ba shota niya si Heidi na ex ko? Bakit iba nanaman ang kasama niyang babae?!

"Saan ko ba mahahagilap ang babaeng 'yon? Kailangan ko pa ng pera! Putangina Philip, shota ba nya si Gregorio?!"

MercilessWhere stories live. Discover now