"H-ha? Hindi pa ako twenty-two para malaman ko kung sino nakatadhana para sa 'kin." Nasinok ulit siya.

Tumango ito pero mahahalata ang pag aalala ni Ailwi sa kaniya. "I'm sure your elf dad found your mother before her twenty-two's birthday." Napaisip si Jackie Jane. Nakwento nga iyon sa kaniya ng Ina. Ngunit, naguguluhan pa rin siya. Bakit maliwanag ang mata nina Ailwi at Owen?

Though, wala naman nasabi sa kaniya si Owen. Wala nga ba?

"Oo, nasabi nga sa 'kin ni Ina. So, you're my mate?" Nawala bigla 'yong sinok niya.

Mahinang natawa si Ailwi. Kumunot ang noo niya. Inabot ni Ailwi ang dalawang nakasalubong niyang kilay at inayos ito. "Yes, you're mine, Jackie Jane. Only mine."

Nahihiya nagsalita siya. Masyadong straight forward ang binata. "Paano kung mali ka? Kailangan ko muna manigurado."

Hinawakan ni Ailwi ang kaniyang kamay. Para siyang nakuryente sa enerhiya na dumaloy sa kaniyang balat. Inangat niya ang tingin dito. Mas lumawak ang ngiti nito. "Do you feel that?" he asked.

She bit her bottom lip and nodded. "Right— One more thing, your eyes tell me exactly you're my mate."

Muntik na mawalan ng balanse si Jackie Jane sa mga impormasyon pumapasok sa kaniyang utak sa gabing iyon. Bigla niya naalala si Owen. What the hell?

Nang bumukas ang elevator ay nag mamadali si Jackie Jane na lumabas. Narinig niyang tinawag siya ni Ailwi ngunit hindi niya ito nilingon. Sumasakit ang ulo niya. Naguguluhan siya.

Tumakbo siya pabalik sa loob ng silid nila ni Owen. Hinihingal si Jackie Jane na sumandal sa likuran ng pintuan hanggang marinig niya ang katok sa pinto. Sinilip niya kung sino ito sa peephole.

Binuksan niya ang pinto nang makita si Owen. Kumikinang ang kulay orange nitong mata. Agad siya nito niyakap ng mahigpit nang makapasok ito. Naistatwa siya sa gulat.

"I thought I lost you."

Bumitaw siya rito at pinatitigan ito sa mata. Ang bilis ng tibok ng puso niya habang nakatitig dito. "A-anong kulay nakikita mo sa mata ko?" tanong niya. Kinabahan siya. Imposible na may dalawa siyang mates.

"Bright orange."

THE next day. Magkakasama sina Pollo, Grayson at Accalia sa tenth floor sa isang restaurant. Hindi sumama si Jackie Jane sa kanila no'ng niyaya ito ni Accalia.

After ng encounter nina Pollo at Owen kagabi ay hindi na nakapagusap ang dalawa dahil agad tumakbo si Owen para sundan si Jackie Jane. Habang si Pollo naman ay napigilan nina Grayson at Accalia nang makita ng binata ang dalawa.

Nasa isang lamesang pabilog ang tatlo. Parehas tumatakbo sa ibang lugar ang mga pag-iisip nila. Si Accalia ay hindi makatingin kay Grayson habang ang binata naman ay halatang nag aalala sa dalaga.

Si Pollo naman nag papanggap na clueless na parehas na sumusuot ang amoy nina Grayson at Accalia sa isa't isa sa kaniyang ilong. Dahil na kay Jackie Jane ang pag-iisip at sa binatang na-encounter nito kagabi. Unti-unti na nag tatagpi ang lahat kay Pollo.

Habang mahahalatang abala ang tatlo sa pag-iisip ay may lumapit sa kanilang lamesa. Isa-isa silang pinatitigan ng lalaki. May katandaan na ito. Kaedaran ng kanilang ama.

"You guys look someone I know. Perhaps, your fathers?"

"Our fathers?" tanong ni Grayson.

"Yes! Indigo, Gunner and Echo. I think?"

Nanlaki ang mata ni Accalia. Nagawa pa nito pumalakpak ng isang beses. Sabay-sabay na lumingon sa dalaga ang tatlong lalaki. "You're uncle Apollo's older brother!"

Lumawak ang ngisi ng lalaki. "Nice catch! By the way, I'm your uncle Aiden."

Tumayo si Grayson at nakipag-shake hands dito. Si Accalia naman ay yumakap. Isa-isa silang nagpakilala. Nang si Pollo na ay ngumiti si Aiden. Matapos makipag-shake hands ni Pollo ay niyakap siya ni Aiden.

"Good to meet you, guys," bulong ni Aiden kay Pollo. Mahahalata sa boses nito ang pagkabasag ngunit nang bumitaw ito ay hindi nawala ang ngisi nito kahit na malungkot ang mga mata nito.

"Ano ginagawa niyo rito, uncle Aiden?" Accalia asked.

"Katulad nangyari sa inyo."

Naguguluhan nag tanong ulit si Accalia. "Ano po ang ibig mong sabihin, uncle?"

Saglit na luminga muna si Aiden sa paligid bago umupo sa bakanteng bangko. Sumunod ang tatlo at umupo rin.

"Don't drink the wine na binibigay nila sa inyo. Kahit ito." Kinuha ni Aiden ang wine nasa lamesa. Naguguluhan naman sina Grayson, Accalia at Pollo. Bumuntong hininga si Aiden.

"We're stuck here. If you keep drinking that wine. You'll be forever prison in this hellhole."

"P-po?!"

"Uncle, kung alam mo lahat ng ito. Bakit nandito ka pa rin?" singit na tanong ni Pollo. Halatang hindi ito naniniwala.

"I tried to get out but I couldn't find the exit."

"Po? May malaking sliding door sa entrance kagabi," ani Accalia. Tumango si Aiden. "I know. Tandang-tanda ko kahit it's been a decade na."

"What?!" Muntik na mapatayo si Accalia sa gulat. Maayos na umupo ulit ang dalaga pagkatapos ay pinatitigan ang buong paligid. Bigla siya kinabahan at baka may nakikinig sa kanila. "Are we safe to talk about this?" mahinang saad ni Accalia.

"Uncle, can we meet up later?" ani Pollo. "Yeah, my sister isn't here. I need to check if she's okay," singit naman ni Grayson. Tumango si Aiden. Sinabi nila kung saan sila magkikita pagkatapos ay lumisan na si Aiden.

Nagkatinginan naman ang tatlo nang makaalis ang kanilang uncle. Tumango sila sa isa't isa bago tumayo at lumabas ng restaurant. Sa paglalakad ng tatlo ay may lumapit na naman sa kanila na lalaki.

Tumaas ang kilay ni Pollo na makita ang isang elf. Bigla na lang nainis ang binata sa lalaki. Saglit naman na dumako ang tingin ni Ailwi kala Grayson at Accalia. Mapapansin na kamukha ni Grayson si Jackie Jane.

"Kasama mo si Jackie Jane kagabi pati na 'yong isang warlock shifter," baling ni Ailwi kay Pollo.

"Excuse me, warlock shifter?" naguguluhan na tanong ni Accalia.

Tumango si Ailwi. Do'n naman natauhan si Pollo. Tuluyan tumugma ang lahat ng puzzles nasa isipan niya. Mabilis na tumakbo si Pollo paalis sa kanila. Nagulat naman sina Accalia at Grayson.

Bumaling si Grayson kay Ailwi. "How do you know my sister?"

"Because Jackie Jane is my mate."

"A-ano?!" sigaw na tanong ni Accalia pagkatapos ay binalik niya ang tingin kung saan tumakbo si Pollo. Hindi nag dalawang isip ang dalaga at sinundan si Pollo. Sa gulat ni Grayson ay hinabol niya si Accalia kung saan sumunod din si Ailwi sa magkakaibigan.

Umaasa na sila ang magiging susi para mahanap ulit ang kaniyang mate.


a/n: hello! tamang bigkas sa pangalan ni ailwi is eyl-wi po! hehe

IngkuboWhere stories live. Discover now