Chapter 1 - Ms. President, Marie Beau (Marie)

563 34 78
                                    

 “Hoy! Mag-ayos ayos nga kayo diyan! Di na kayo nahiya! Ano kayo? Naninirahan sa squatters area at nakataas na ang mga paa niyo diyan!?"

“Ayusin mo nga damit mo! Parang hindi plinantsa nang isang milenyo!”

“ID mo! Isuot mo nga! Kung hindi mo iyan isasabit sa leeg mo, ako na maglalagay, isasama ko pati puno para madaliang pagpatay.”

Araw-araw na lang na ganito ang eksena dito. Nakakairita, pero sanay na ako. Ang dami na ngang responsibilidad ng presidente, ang dami pa ring mga pasaway. Sa history ng CA (Carmen Academy), ako siguro ang pinakamasungit at pinakamataray na presidente.

First impression nga sa akin ng mga lalake dito? Yung tipo daw ng babaeng mabait, mahina, madaling utusan at madaling makuha. Aba mga kuya! Hindi ako aso! Dati siguro, ganiyan ako, pero ngayon wala nang ganiyan.

Oo, bossy ako, tanong niyo pa sa kanila eh. Kung nagtataka kayo kung paano ako naging presidente kahit ganito ang ugali ko, simple lang, wala ako nakalaban. Yung mga nasa main student council (from president to level representatives) ay desisyon ng PTA. Sabi nga ng PTA sa aking noong napili ako eh "swerte” ako kasi ako ang pinili nila. Kahit na ganun, nakakapagod pa rin, lalo na dahil sa sitwasyon sa bahay. 

Sa student council, maliban sa akin, meron si James Corpuz, bise ko tsaka isa sa best friends ko. Tapos si Sean at Shawn, kambal kong secretary at treasurer. May apat rin na level representatives. Kapag may meetings kami, minsan naisasama rin yung mga club tsaka class presidents. Kahit marami kaming officers, ang dami ko pang aasikasuhin dito. Hay nako po. Help me Lord. 

“Umm. Ate Marie, pinapatawag ka sa office ni Ma’am Principal. Yung daw pinagagawa niya sa iyo kahapon.” Sabi ni Shawn pagkatapos niyang kumatok.

“Ah. . .oo nga pala! Nakalimutan ko iyon. Papunta na ako in 5 minutes pakisabi. Thanks.” Umalis naman siya agad.

"Sis, sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong," offer ni James. "Heto, natapos ko na yung listahan ng events para sa susunod na buwan."

"Thanks," sabi ko na hindi inaalis yung tingin ko mula sa isinusulat ko. "Pa-check naman yung gym kung inayos na ng sports club."

"Okie dokes."

"Ian, puntahan mo si Illeana sa 2-B na eto yung announcement niya para mamayang hapon," utos ko sa second year rep.

"Opo."

Pagkatapos siguro ng ilang minuto, na-check ko na yung budget para sa buwan na ito.

"Sean, pagbalik ng kapatid mo, ibalik mo to sa kaniya. Yung minutes of the meeting last week, ibigay mo sakin by this afternoon para mabigay ko aky ma'am Eve."

"Sige po," sagot niya.

"Wag niyong kalilimutan yung meeting mamayang hapon, 5:30. Walang malelate kung ayaw niyo ng penalty," paalala ko sa mga kasama ko sa SC office bago ako umalis para puntahan si ma'am Eve, yung principal namin.

*knock**knock*

“Ma’am, si Marie po ito.”

“Pasok ka hija.” Sabi ni ma’am.

“Eto po yung agenda para mamayang hapon."

"Salamat.  Do me a favor, Marie."

"Ano po yun?" tanong ko.

“Kasi naman, mayroong magtratransfer dito. Maymga sabi-sabi na anak siya ng may-ari ng isang mayamang kompanya sa England ata yun kaya naman gusto ko na mayroon siyang guide, and it just happens na kaklase mo siya."

“Mm. Sure. Babae po?”

“Ay hindi hija. Pero sana naman, kahit lalake siya, magiging mabait ka sa kaniya. Please lang.”

“I’ll try ma’am. Basta ba may disiplina siya, ayos na ako dun.” Hayy. AYOKO! Pero si naman ako makakahindi. Hahahaha. Huhuhuhu. Saklap ng buhay ko. “Pero kung pasaway rin iyan ma’am, hindi ako magiging mabait dahil lang sa mayaman ang lokong ito.” Kung makapagutos ako. Haha. Ako na ang Principal. Tokwa! Haha. Nevermind. Sanay na si ma’am sa akin.

“One more favor Marie," sabi ni ma'am ulit. kaya tiningnan ko siya. "Papasok siya starting this afternoon, kaya naman I want you to show him around the school para maging familiar siya. I already asked you teachers to excuse you from class."

"Pwede pong isama si James?" tanong ko agad. Baka kasi di ko mapigilan ang bibig o ugali ko kapag ako lang ang kasama niya.

"Kung pupwede sana, hindi," sagot niya kaya naman puppy eyes ako agad.

"Pretty please ma'am Eve?"

"Haynako. Kung mapapa-oo mo si James, I don't see any problem."

"Yassss. I'm sure oo yung sagot nun ma'am, kaya no worries. Meron papo ba kayong ipagagawa?"

"For now, wala. You may go back to class."

"Thank you po," sagot ko. Sakto, patapos na rin ang break namin.

"Marie?" sabi ni ma'am bago ako tuluyang makalabas.

"Po?"

"I've lnown you since you were a kid, kaya naman naiintindihan ko ang sitwasyon mo, pero please try to get along more with your schoolmates."

"Maayos naman po ang relasyon ko sa kanila eh," sabi ko.

"Sa mga babae, no doubt. You get along with them really well. Pero sa mga lalake?" Umiling si ma'am. "Fear is different from respect, Marie. Di ko alam kung anong magbabago sa pagdating ni Mr. Dela Cour, pero I hope it turns out good."

Nginitian ko na lang siya. Ewan ko rin kung anong mangyayari, pero sana lang hindi pasaway tong lalakeng ito. "Please excuse me."

"Jaaaaamesss!" tawag ko sa kaniya noong nakita ko siya.

"Anong meron sister?" tanong niya.

"Samahan mo ako mamayang hapon, please?"

"Para?"

"I-tour daw natin yung transeferee."

"Natin o isinama mo na naman ako sa kabaliwan mo kase ayaw mong mapag-isa?" tanong niya. "Ayoko. Tinatamad ako."

"Sige na? James? Mahal mo naman ako di ba? Hahaha."

"Mahal na mahal kita girl, pero mas mahal ko sarili ko. Tsaka dapat nasa klase ako sa Math class, kundi, di ko maiintindihan yung pinagsasabi ni sir."

"Tuturuan kita?" suggest ko.

"Yoko nga. Nakakatakot kang mag-turo. Laging galit," sabi niya sa aking.

"Di kaya!"

"Sinubukan mo na bang turuan sarili mo?"

"Ha?"

"Psh, Ang talino mo, pero slow ka te. Basta, ayoko." Sagot niya.

"Well, suit yourself." Sabi ko na nagkukunwaring nanghihinayang. Kahit na hindi ko pa siya nakikita. "Gwapo pa man din."

"Ano yun? Paki-ulit?" Ngumiti ako kasi alam kong kumagat na siya sa pain ko. Hihi. Ang bilis talagang maniwala ng baklang to.

"Kung si Sean at Shawn na lang kaya ang tawagin ko? Hmm."

"Nako! Oo na. Sasama na ako. Pagtitiisan na lang kita na guro ko." YES!!!

"Walang bawian ha?" sabi ko.

"Opo ma'am. Di ko babawiin. Tsaka gusto kong makita yang gwapo na sinasabi mo! Kahit na lagi kang naiinis sa mga lalake, may mata ka pa rin sa mga gwapo't magagandang peslak." Patawa niyang sabi at nakitawa naman ako kasi di niya alam na di ko pa siya nakikita. For all I know, panget yun. Hahahaha. Pero unlikely. Laking mayaman eh, kaya most likely gwapo yun, if not, average looks lang.

"Okay good." sabi ko. "Kung hindi ka sasama, hihilain kita."

Perfect Combination [Under HEAVY construction. lol]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon