"Kamusta pakikipagusap mo Kay Danica?"

"It's totally bad Mom, I'll never talk that girl anymore, para siyang si Satan"

"Anak!"

"Son!"

Sabay nilang sigaw sakin.

"Bakit totoo naman ah, nakakainis kala mo kung maganda eh 'yung buhok lang naman niya ako nagandahan" mabilis kong sagot at padabog na nagcross ng arm at sumandal.

"Anak, remember babae siya at may mas soft siya kesa sa mga lalaki"

Napatingin ako kay Mommy with inosenteng tingin saka tumawa. "Soft? Eh parang ngang lalaki kung maglakad"

Nakita ko si Mommy na umirap at nagfocus sa daan, pinabayaan nila akong tumatawa lang dito about that girl.

Pagkababa namin nakita ko na naman siyang buhat-buhat na siya ng Daddy niya na nakasandal lang siya sa balikat ng Daddy niya habang ako napatingin ako kay Dad na busy sa pakikipagusap sa matandang babae.

Hinawakan ko ang ibabang damit ng Mommy ko at hinila ng mahinahon para hindi mapansin ng iba, napanguso ako ng tumingin sakin si Mommy, lumuhod ito para magkapantya ang tingin namin bago ngumiti.

"Why baby?"

"I want" palihik kong tinuro ang babaeng hawak hawak ng kanyang Daddy.

"Okay, come here" kinarga niya ako. "Ang tanda-tand mo nagpapabuhat kapa din" bulong niya sakin.

Lumapit ako kay Mommy at binuhat ako, magaan lang naman ako kaya mabuhay ako ni Mommy. Pero Ilang minuto lang naman akong buhat-buhat ni Mommy dahil binigay niya ako kay Daddy.

Ayoko sakanya.

Naguusap lang naman ginawa nila kaya lumayas na ako sa kandungan ng tatay ko, pumunta ako sa kusina dahil andun lang 'yung exit papunta sa swimming pool.

Habang pinagmamasdan ko ang tubig na may paiba-iba ng kulay kaya tinanggal ko ang sapatos ko saka pinagtampisaw ito.

"Hoy! Bawal 'yan!" Sigaw ng nasa likod ko.

Tumingin ako sakanya at galit na itong nakatingin sakin.

"Edi gawin mo din, puro ka reklamo" pabulong kong sabi.

"Pwede din naman" kangiti niyang sabi saka siya nagtanggal ng sapatos din ata pero patulis ito.

Umupo siya sa tabi ko at hindi na siya nagsalita, tumahimik nalang ako dahil mukhang wala naman siyang balak na makipagusap sakin.

"Saan ka nagaaral?" Tumingin ako sakanya at sobrang lapit ng mukha niya kaya tinulak ko ang noo niya. "Aray ko naman!" Sigaw niya habang hawak ang noo nito.

"Lapit ng mukha mo eh, sa Hermosa elementary, bakit?!" Seryoso kong sigaw sakanya.

Tumayo ako para umalis doon pero habang naglalakad ako naiwan ko pala sapatos ko kaya bumalik ako, pagkatalikod ko nakita ko siyang habang padin sa noo niya habang umiiyak.

Unexpected Loving You (Oneirataxia Series #5)Where stories live. Discover now