SALVACION

19 6 0
                                    

Outside the Vista Venture, a shining red car was parked at the corner. Inside it, two ladies were waiting: the one who looked to be in her mid-forties was sitting in the driver's seat and wearing a red bodycon dress while the other one who seemed in her twenties was in the passenger seat and wearing her part-time job uniform.

The young woman in her job uniform was looking around and observing the surroundings. At the same time, the lady in a red bodycon dress was busy checking her phone until the young woman saw the two-wheel vehicle, the owner of the guy rider whom she commanded to deliver the package, about to approach them.

"Mukhang nabigay niya na yata ang package, Madam Tita," wika ng dalaga, dahilan para mapa-angat ng tingin ang ginang kasabay ng pag-ayos ng salamin. Saka naman binuksan ng dalaga ang pinto ng sasakyan para babain ang rider at sakto naman itong huminto sa kanilang pinagpaparadahan.

"Madam Jane! Pasensya na po kung natagalan ako sa pagbalik. Ang kulit kasi no'ng lalaking kasama ng babaeng sinasabi ninyo," paliwanag ng rider at mabilis na bumaba ng motorsiklo. Pagkatapos kinuha nito ang clipboard kung nasaan ang resibo para ipakita iyon sa dalagang si Jane.

"Sinong lalaki ang tinutukoy mo? Maaari mo bang sabihin kung ano ang itsura niya?" pangunguna ng boses ni Madam Tita na palapit bago pa makapagsalita si Jane.

Sabay na napatingin doon ang dalawa at nakita ng Jane ang tinatawag nitong Madam Tita.

Sa halip na sumagot ang rider ay nagtatanong itong tumingin kay Jane.

Mahinang natawa si Jane. "Huwag ka mag-alala, Kuya Fern. Siya si Madam Tita na sinasabi ko sa 'yo. Siya ang nagpautos na dalhin ang package doon sa mga Alfonso."

Natataranta naman na humarap at yumuko si Fern pagkarinig nito sa sinabi ng dalaga. "M-Magandang gabi ho, Madam Tita! Pasensya na kung hindi ko alam na kayo pala iyan! Napakaganda niyo ho!"

"Ayos lang. Hindi mo kailangan yumuko sa akin." Ngumiti si Madam Tita. Pagkatapos kinuha niya ang handbag na nakaipit sa kilikili para kuhanin doon ang dilaw na sobre na naglalaman ng libo-libong pera saka inabot iyon kay Fern. "Ito ang pakunsuwelo ko sa pabor na ginawa mo. Dinagdagan ko na rin iyan sakaling kailanganin mo. Dadagdagan ko pa 'yan kapag humantong iyon sa resulta na hinahanap ko. Basta itikom mo ang iyong bibig."

"Opo!" Hindi maipaliwanag ang ngiti sa mga labi na yumuko si Fern sa dalaga at kay Madam Tita. "Maraming salamat po, Madam Jane at Madam Tita! Kailangan na kailangan ko ho kasi talaga ng permanenteng pagkakakitaan. Napatalsik kasi ako sa huli kong pinasukan gawa ng nag-absent ako para alagaan ang mga anak ko. Mag-isa na lang kasi akong nagtataguyod sa kanila.

"Tapos malapit na rin mahatak ang motor ko, e, ayon ang tanging pandadagdag ko sakaling kulang kami sa sahod. Kaya napakalaking tulong nito sa akin at sa pamilya ko. Maraming salamat po talaga!"

"Basta sundin mo lang ang napag-usapan natin, matutupad ang gusto mo at hindi ka madadamay sa posibleng gulo," ani ng dalagang si Jane na nakangiti.

"Kaya ko rin ibigay ang iba pang kailangan mo," dagdag ni Madam Tita. "Pero maaari mo ba munang ilarawan sa amin kung sino ang lalaking tinutukoy na nakita mo kanina?"

Tumango at ngumiti si Fern. "Para siyang binatang artistahin. Pero mukhang masungit dahil sa mata niyang maliliit at makakapal na kilay. Matangos ang ilong at manipis ang mga labi. Maiksi at medyo magulo ang buhok niya. Maskulado ang pangangatawan at sakto lang ang katangkaran."

"Ano ang kasuotan niya?" tanong ni Jane.

"Nakaputing mahabang manggas at itim na pantalon siya na parang kagagaling sa trabaho."

Yesterday's DreamsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora