CHAPTER 05

51 7 0
                                    

Couple fighting is a common thing in every relationship, as they say. But for Vetticia, it is not. It couldn't be preempted, but fixing it as soon as they could is a better choice; repeating the same thing over and over might end up in a toxic situation.

Although they sometimes act like teenagers, they are making sure they are mature enough to handle each other nicely. They get embarrassed sometimes by the sudden actions, but they embrace them in the end.

She might feel nervous and scared about meeting Arries' loved ones, including blood-related or outside relatives, but she would still try to get along with them with forsaken respect. For her, that's the genuine love and care that every person could ever give to their partners. Always try to communicate with the people they love as they do with them and understand their passion.

Vetticia breathed through her nose. After visiting a friend of Arries, he and she directly went to the Garden Food Park as he promised her, where they usually go when they don't have any idea where to go, don't have a plan, or think they have no more time to spend for themselves, which happens so often recently due to their businesses.

Ngunit kahit minsan ay hindi niya naramdaman magsawa. Marahil kuntento na rin siya sa ganoong siklo ng buhay, dahil ang mahalaga para sa kaniya ay tahimik at masaya ang kapaligiran nila. Pero matapos ang pangyayaring pagpapakilala sa MerCafe, nararamdaman niyang madadagdagan ang kaganapan sa buhay niya.

Mayamaya'y natawa siya noong maalala iyon at makitang kinakausap ni Arries ang tindero ng Grilled Stew na si Mang Andree.

Hindi niya inakala at inasahan na ganoon na lamang siya tanggapin ng kaibigan nito. Mainit at malugod. Para bang binawi niyon ang kaniyang hiya, takot, at sobrang pag-iisip-na halos umabot pa sa masamang palaisip.

Doon niya rin napagtanto na masiyado pa siyang inosente sa mga bagay-bagay. Lalo na noong masaksihan niya kung paano tratuhin ng mga kaibigan ni Arries ang isa't isa. Malayong-malayo iyon sa naging buhay niya noon. Maligalig at malapit sa puso ng kahit sino. Mayroon man siyang katangian na matulungin sa kapwa, ngunit hindi gaya ng mga ito, limitado at bilang lamang sa kaniyang mga daliri ang kakilala't maaaring malapitan.

"Are you sure you are okay with just water?"

Napakurap siya nang makaramdam ng kamay sa kaniyang balikat. Tumingala siya kay Arries na nakatingin ng diretso sa kaniyang mga mata. "Kahit ano na lang."

Kumunot ang noo nito. "I don't take "kahit ano" as an answer. Be specific. Water, apple juice, or iced tea?"

Pinagkrus niya ang mga kamay. "I think water is fine."

Tumango ito. "Is there any more request?"

Umiling siya at ngumiti. "Okay na iyon..." Kaya tumango na lang ulit ito at muling kinausap ang tindero.

Mas okay na rin iyon para sa kaniya. Mas affordable at mas healthy. Kahit pa ito ang nag-insist at parating nagbabayad tuwing lumalabas sila, mas pinipili niya pa rin iyong makakatipid sila dahil ayaw niya ring maramdaman nito na inaabuso ang binata. Lalo't pera ang pinag-uusapan.

Hangga't maaari rin ay nasisiguro niyang may naitatabi ito para sa sarili. Kung sakali man at huwag sana mangyari ay mayroon itong magagamit.Aniya, walang kasiguraduhan ang lahat ng bagay.

Puwedeng sa ngayon ay matagumpay ka, pero susunod ay posibleng ikaw naman ang mapunta sa putikan. At iyong mga lugmok sa kahirapan, puwedeng sila naman ang nagwawagayway ng tagumpay, ninamnam ang bunga ng kanilang pakikipagsapalaran. Pero may pagkakataon din na hindi na talaga iyon nagbabago pa. Kahit anong klaseng paghihirap pa ang pagdaanan ng isang tao.

Yesterday's DreamsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu