CHAPTER 19

23 5 0
                                    

No matter how many times Vetticia checked her phone, nothing was coming. She even sent Arries multiple messages before she started her duty and when lunchtime came.

Ngayong tapos na siya sa kaniyang panananghalian, bago niya naisipan bumalik sa duty, ay sinubukan niya ulit itong bigyan ng mensahe. Ngunit lumipas man ang ilang minuto, natapos na rin siya sa pagligpit ng pinagkainan, ay wala pa rin siyang natatanggap kahit na mensahe pabalik na nag-iimporma na abala ito sa trabaho.

Subalit imbis na sirain ang kaniyang ulo sa pag-aalala ay binigyan niya ng mensahe ang matalik na kaibigan ni Arries upang magtanong sakaling may alam ito, na agad din namang nabigyan ng tugon.


Verinz:

Kasama namin siya kaninang umaga pero bumalik ng opisina dahil pinapatawag nina Tita at Tito. Mukhang importanteng-importante kasi nagmamadali siya kanina.


Ibubulsa na sana niya ang kaniyang telepono nang makatanggap muli siya ng panibago. Pinindot niya iyon at binasa.


Verinz:

Mayroon bang problema o may kailangan ka? Kung hindi mo siya ma-contact, willing akong maging kaibigan para sa 'yo. Kami ni Jordan, Aine, at Corley. Sabihan mo lang kami kapag kailangan mo ng tulong.


Pinalobo niya ang kaniyang magkabilang pisngi saka dahan-dahan na bumuga ng hangin. Kung magkukuwento siya ay baka kung saan pa mapunta ang hindi maintindihan na sitwasyon.


Vetticia:

Salamat sa pagtatanong, pero wala namang problema. Nag-aalala lang ako kasi hindi siya sumasagot simula kagabi pa. Kaya sakaling may alam ka, inform mo na lang ako.


Buntong hininga lamang niya na binulsa ang telepono matapos makatanggap ng reply. Ngayon hindi niya masabi kung nagtatampo ba si Arries o marahil mayroon lamang biglaang gawain na dapat unahin. Pero alin man sa dalawa, sigurado siyang magsasabi ito ng diretso sa kaniya. At ngayon na wala itong paramdam, umaasa siyang may rason ito.

Mayamaya'y tumayo na rin siya noong makitang dinampot ng kaniyang mga kasamahan ang kanilang mga gamit. Nagtatawanan pa ang mga ito. Habang siya ay kung saan-saan napupunta ang kaniyang isipan.

"Vetty-girl," tawag ng isa sa Tres Marias noong magsimula sila sa paglalakad pabalik ng Constancio Beauty. Kaya napalingon siya at nakita niyang nakatitig ang tatlo sa kaniya. Ngunit nasisiguro niyang boses iyon ni Viviana. Dahil bukod sa kaniya ay ito lamang ang kasama nilang babae at parang bata pa ang tono ng pananalita. "Kanina ka pa namin napapansin na tahimik at parang hindi mapakali. Okay ka lang ba?"

Pinagdampi niya ang kaniyang mga labi at lumunok. Saka siya dahan-dahan na tumango. "Okay naman ako. Pagod lang din talaga siguro." Pagkatapos umangat ang magkabilang sulok ng labi niya.

Lies. Well, for her, she doesn't have the obligation to answer them honestly. Besides that, they are not part of the problem. If she has one person whom she should tell her mind, that would be Arries.

Narinig niya ang pagtikhim ni Oliver sa kaniyang gilid. Kaya nalipat agad ang paningin niya roon. "Dahil sa sobrang kasipagan mo 'yan. Lalo na kahapon."

Yesterday's DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon