CHAPTER 21

21 5 0
                                    

I should be the one who's mad at him for not giving me updates... But by looking at their situation, she feels like she's at fault for not telling him about those quotes that she didn't know from whom they came or what their purpose was.

Well, she didn't see anything wrong with those. Unless... If someone was being a creep behind them. But is there one? She shook her head. As far as she knows, there are none.

Despite being confused with all the sudden action of Arries, she kept her tongue-tied until Papa Leo got back to the table with Fiona holding a pitcher of water.

"Bakit naman ang tahimik niyong dalawa?" pagtatanong ni Papa Leo habang pabalik sa silya nito. "Kanina pa kayo walang imik sa isa't isa."

"Oo nga..." pagsang-ayon ni Fiona at saka naupo rin sa sariling silya. "Kanina ko pa nga pansin 'yon. Mayroon bang problema, Ate V?"

Umiwas ng tingin si Vetticia para tumikhim tila bumebuwelo ng sasabihin. Saka siya tahimik na huminga nang malalim at nagbalik ng tingin sa kanila. "Napagod lang ako sa trabaho kanina."

Sabay na lamang na tumango sina Papa Leo at Fiona. Subalit halata pa rin sa mukha ng mga ito ang hindi naniniwala. Pagkatapos mayamaya'y lumingon ng tingin kay Arries.

"Ikaw ba, Arries. Sigurado ka rin bang maayos ka lang?" Halatang pag-aalala sa tono ni Papa Leo.

Tumango si Arries at tipid na ngumiti. "Ayos lang din po, Papa. Napagod lang din sa trabaho..." Saka ito bahagyang nag-iwas ng tingin at dahan-dahan na tumikhim. Dahil alam nito sa sarili na hindi trabaho ang inasikaso nito. Kundi ang mga quotation na natanggap ni Vetticia at letter na pinadala sa opisina nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin nito alam kung kanino galing.

"Siguradong-sigurado na kayong dalawa sa mga sagot niyo?" muling pagtatanong ni Papa Leo habang sinasalit ang tingin sa dalawa. Habang si Fiona ay nakamasid lang tila ba ito ang nagsisilbing taga-obserba kung nagsasabi ng totoo ang dalawa. "Tandaan niyo. Hindi maganda ang nagtatanim ng nararamdaman. Lalo na ang magkaroon ng sama ng loob sa isa't isa habang nagsasalo sa grasya at baka magtampo."

Nangunot ang noo ni Vetticia. "Paano naman malalaman ng pagkain na nasa harap natin ang nararamdaman ng isang tao? Si Papa talaga, kung ano-ano na lang ini-imbento!"

"Imbento raw..." Napatakip ng bibig si Fiona upang pigilan ang pagtawa. "Totoo kaya 'yon, Ate V! Alam mo, dahil sa sagot mo na 'yan, masiyado kayong halata! Hindi na lang kasi unamin! May itsura bang ganiyan na okay at ayos lang? Halos napipilitan ka nga lang maupo sa upuan mo!"

Kinuha ni Vetticia ang malaking mangkok ng kanina at iniabot iyon kay Fiona. "Unahin mo na lang ang kumain kaysa mang-usisa ka pa. Para maaga rin tayo makapagpahinga."

"Ang KJ talaga ni Ate V!" nakangusong reklamo ni Fiona saka parang nagsusumbong na tumingin kay Papa Leo habang nagsasandok ito ng sariling kanin. "Ganiyan siguro talaga kapag papunta na sa thirties, ano?"

"Makasabi ka naman! Darating ka rin naman diyan!" Nanlalaki pa ang mga mata ni Vetticia habang nakatingin kay Fiona. Mayamaya ay kinuha niya ang malaking mangkok ng kanina nang matapos ito para salinan muna ng isang sandok si Papa Leo bago lagyan ng dalawang sandok ang kaniyang plato. "Saka ilang taon pa bago ako umabot doon. Ito talaga, may masabi lang!"

Mahinang natawa si Papa Leo at marahang tinapik ang kamay ni Fiona. "Huwag mo ng asarin, kumain na lang tayo." Pagkatapos ay lumingon ito kay Arries, na katabi lang ni Vetticia. "Hindi ka ba magkakanin?"

Umiling at ngumiti si Arries. "I'm fine with these," tukoy nito sa isang maliit na mangkok ng sabaw at platito ng binili niyang beef stews bago siya pumaroon.

Yesterday's DreamsWhere stories live. Discover now