CHAPTER 04

62 8 0
                                    

Sunday morning. Vetticia beamed with pleasure as she watched the rain falling on the road and grass. After all the heat of the sun, it was so refreshing and calming to see the water dropping from the clouds.

On top of that, today is a rest day. It means she can relax and stay in her bed for all she wants. But since the date that she and Arries planned for last Sunday got postponed due to his tantrums, which lasted for a week, they both decided to move it to today. Because she's sure they will just get into a fight if they go accordingly.

She suddenly laughed in her head when some thoughts aired in it. She's not sure if Arries was just taking revenge on her for those days she made his goal of making her fall for him complicated or if he was just enjoying the situation where she was giving him her full sweetness.

I feel sorry for him for those times he wanted to be babied by me, though I'll make sure this won't happen again.

She breathed a sigh of relief, then immediately closed the curtain and ran to the main door when she noticed a white SUV coming. When she opened the door, the car was already parked in front. She even crossed her arms and leaned on the jamb as she watched Arries getting out of the car.

"Ang aga-aga pa, parang ang sama-sama na agad ng loob mo," bungad ni Vetticia nang makalapit ang binata sa kaniya.

Sumagitsit si Arries. "Hindi masama loob ko, okay? It's Mom. She's forcing me again to work half day later," kuwento nito habang tinatanggal ang sapatapos na suot at saka dire-diretso iyon dinala papasok para batiin si Papa.

Umikot ang kaniyang mga mata. Hindi man lang siya nito binigyan muna ng halik kahit sa pisngi tulad ng parati nitong ginagawa bilang pagbati sa kaniya.

Sinundan niya si Arries. Napasinghal na lamang siya nang makitang magkausap na ang dalawa at nagtatawanan. Sa nakikita niyang iyon, hindi niya mahinuha kung siya pa rin ba ang sadya nito o ang ama niya.

O baka hanggang ngayon ay dinadamdam pa rin nito pagsuway niya sa naging usapan nila noon. Na titigil na siya sa pag-overtime sa trabaho. Dahil aminin niya o hindi, mayroong punto ang kaniyang ama noong gabing iyon.

Mayamaya'y huminga siya nang malalim. Pero sadyang tigasin at may pagkasungit din talaga ang lalaking 'to! Lalo na kapag nakakarinig ng mga bagay na hindi nito gusto o kaya'y tuwing hindi nasusunod ang mga kagustuhan.

Palapit pa lang siya sa kinaroroonan ng kaniyang ama at ni Arries ay isang boses ang sumulpot na nanggagaling sa parteng hadgan na may apat na bahagdan. Nakita niya roon si Fiona na pababa habang nagpupunas ng buhok.

"Ate V, baka gabihin po ako ng uwi mamaya. May film project at film review kasi kaming hinahabol tapos didiretso pa ako ng Cinema House para kunin 'yong result ng pag-apply ko sa kanila." Pagkatapos ay dumiretso ito ng hapag upang isampay ang tuwalya na ginamit sa sandalan ng upuan.

"Diyan ba 'yan nakalagay, Fiona?" puna ni Vetticia.

"Patutuyuin ko lang naman sandali, Ate!" sagot ni Fiona saka dumiretso ng kusina. At dahil open space iyon at tanging minibar counter lang ang nagsisilbing harang niyon ay kita niyang kumuha ito ng baso at tubig.

Pinagkrus ni Vetticia ang kaniyang mga kamay. "Pero ano kamo? Nag-apply ka sa Cinema House? Nasa second year ka pa lang, ah? Anong gagawin mo roon? Saka nagpaalam ka na ba kay Papa at sa Ate Sanya mo?"

"Nag-try lang naman ako roon, Ate V. Part-time lang naman ang kinuha ko roon kaya huwag kang mag-alala. Para may pandagdag gastos lang din ako at hindi parati nakaasa sa inyo. Lalo't alam kong may binabayaran ka rin." Nilagok muna nito ang isang baso na may lamang tubig at sinalinan iyon ng panibago. "Saka connected naman 'yon sa program ko. Kaya paniguradong madali lang 'yon para sa 'kin! Mahirapan man ako, yakang-yaka ko naman 'yon, Ate V! Ako pa ba? Sa 'yo kaya ako nagmana!" Kumindat pa ito sa kaniya.

Yesterday's DreamsWhere stories live. Discover now