Lascivious Casanova 76

Start from the beginning
                                    

"Is it here? Are we already here?"

Ilang oras ang nakalipas, nalingunan ko si Millie na nakasilip sa bintana at nagniningning ang mga mata habang dinudungaw ang ibaba. Napagaya ako sa kanya. Madilim pa dahil sunrise wedding ang tema ng kasal. Madilim ngunit sa bawat hampas ng alon ay umiilaw ang dagat. May kung ano roon sa tubig dagat na lumilikha ng liwanag.

"Oh my god! Parang gusto kong tumalon at maligo ngayon! Mas maliwanag pa ito kaysa sa Maldives!"

Narinig kong tipid na tumawa ang nag-ooperate sa chopper. Natawa ito sa nakakagulat na reaksyon ni Millie.

"They glow in the dark night for three months year after year. You can take a tour there while riding a transparent canoes and kayaks."

Hindi ko nakitang tumayo ang driver dahil hindi naman ito lumabas. Subalit base sa katawan nito'y malaki itong tao. Umaalingasaw ang pagiging seryoso nito at mukhang magsasalita lang kung mayroon kabuluhan ang sasabihin niya. He looks like he doesn't waste time in nonsense talk.

"What are those glowing?" Si Millie ulit. Hindi nito matanggal ang mata sa dagat.

"Algaes and jelly fishes. Those kind of jelly fishes don't sting. You can catch them and release them again after observing them."

"Can we swim with them?"

"No. We don't allow it."

May pagtatapos sa sagot ng lalaki kaya siguro hindi na nagdagdag ng tanong si Millie. Napatitig ako rito. Mayroon siyang suot na headset. May ginalaw siya sa controls at mayroon kinausap upang sabihin na pababa na kami. Lahat ng kilos niya'y sigurado at kalkulado.

"We are about to land, Mason-"

"Copy! Copy! Silas! Copy!"

Nagtawanan ang lahat ng kasama namin. Napangiti ako. Ang sumagot kasi'y tila pinaglalaruan ang hawak na radyo.

"Get lost and die, Enzo!" Si Jax ang nagsalita.

Napasulyap ako sa kanya. Mula nang mag-take off ay tahimik siya ngunit ngayo'y nakisali siya sa tawanan. Kumunot ang noo ko at nawala ang ngiti. Sa labas ako tumingin. Gamit ang seryosong mata'y pinanuod ko ang matataas na puno sa ibaba. Kilala ko ang mga pangalan na iyon. Kung ganoon, ito nga talaga ang isla na tinutukoy nila. Ang nagko-kontrol sa chopper ay kasama sa may-ari. Hindi siya kasama sa meeting noon kaya't hindi ko kilala.

Pagkaraa'y may nilagpasan kaming bundok. Pagkatapos doon ay lumitaw ang hugis pusong buntot ng isla. Madilim pa ang langit ngunit dahil hugis puso ang paikot na ilaw, maliwanag at mula itaas ay tanaw namin ang mga nakaabang doon na tao. May malawak na lugar doon at mukhang inihanda upang pag-landingan namin. Maganda ang lugar kahit madilim lalo na siguro kung maliwanag at umaga.

Pagkababa ng sasakyan, nangunang tumalon si Jax. Sa likura'y naunang bumaba si Xena. Nagpahuli ako. Isang paa pa lang ang naibababa ko'y napunta na sa akin ang mata ng ilang lalaki roon. Ang lalaking nakasuot ng hooded jacket at abong bonnet ay lantarang nanlaki ang mata. Nakilala ako ni Enzo. Nagulat siya bago hinabol ng tingin si Jax na papasok na sa malaking bahay ng groom. Nang tuluyan kong maibaba ang aking dalawang paa'y nakita ko sa gilid ng aking mata ang ginawang pagbulungan nina Mason at Kade. Binalewala ko sila at dumiretso na ako sa mga tauhan ng Dimi On na nauna rito.

"Kumpleto ba ang mga tables and chairs? Ang crystal candelabras na ilalagay sa table walang nabasag? Wala bang naging problema habang tinatransport ang mga gamit?"

Nauna ang ibang gamit rito kasama ang ibang tauhan namin na mga lalaking tagabuhat. Malaking yate ang sumundo sa kanila papunta rito para magkasya ang lahat ng gagamitin.

"Opo, Ma'am. Sinigurado na rin po namin na walang sira at malinis. Nakaayos na po ang mga lamesa. Pinasimulan ko na rin pong palagyan ng sashes ang mga upuan."

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now