Chapter 3: Who are you?

827K 23.3K 8.6K
                                    



Skie's point of view

Nag taxi ako papunta sa University. I hate to do this but I don't have my car. Thanks to Angel. That stupid b*tch.

"Skie!" Sigaw ni Luke. "Dito pare!" Lumapit ako sakanila.

"Ang aga aga nakasimangot ka. Hindi pa ba kayo magkaayos ni Anya?" Tanong ni Enzo.

"We're good. It's just my parents. Tinatrato na naman nila akong bata." Sagot ko.

"Skie, magulang mo sila. Nag aalala lang yon kaya sumunod ka na lang." Singit ni Caleb.

Palagi na lang silang kampi sa magulang ko. Hindi ko alam kung anong pinakain sa kanila ni Mom at Dad. Silang tatlo pa naman yong inaasahan ko. They're my fvcking best friends pero kapag usapan na about sa parents ko, parang mas kaibigan pa nila yong magulang ko kaysa sakin.

"Oo nga pala, I'm going to surprise Anya again. I'll sing to her later sa class." Sambit ko.

"Sure, kami ng bahala." Sagot ni Luke. "The Lover boy is in the house again!"

"Oh yeah!" Sigaw nilang tatlo.

They're crazy and that's why I they are my best friends.

"Whatever guys."

Dumiretso muna ako sa locker ko para magpalit ng sando. Pinagpawisan ako kanina ng magkalakad ako palabas ng village namin, wala kasing taxi sa loob so I have to get it outside. Palagi akong may extra sando sa locker dahil palagi akong pinagpapawisan sa basketball. Nilagay ko yong gamit ko sa locker pagkatapos hinubad ko ang polo ko. Wala pang masyadong tao dito dahil wala pang ibang nag lo-locker dito kaya hinubad ko na ang sando ko. Pinunansan ko ng towel ang katawan ko. Sinara ko ang locker ko ng may marinig ako sa gilid ko. Tinignan ko kung sino siya.

And look who's here?

"Wah!" Sigaw niya ng makita niya ako. "Bakit naka hubad ka?" Natataranta niyang tanong. Tinignan ko lang siya at nakatingin lang siya sa katawan ko.

"May problema ba don?" Maangas kong tanong. "It seems your enjoying the view." Inalis niya agad yong tingin niya sa katawan ko at parang namumula pa ang mga pisngi niya.

"May abs nga wala namang appeal." Bulong niya pero dahil tahimik sa lugar na to, narinig ko pa din yon.

"Walang appeal?" I teasingly said to her. Lumapit ako sakanya kahit na wala pa ding akong suot na damit. Inilapit ko sakanyang mabuti ang katawan ko. "Now tell me, wala pa din bang appeal?"

Tinignan ko siya at blanko lang ang mukha niya. The heck? Hindi ba siya naaakit sa katawan ko? I have a fvcking six pack abs. Or she is just acting like its nothing to her but deep inside she want to fvcking touch it? Thats how girls do when they see my body.

"Pwede ba? Lumayo ka sakin." Seryoso niyang sabi. "Next time wag kang basta basta mag huhubad sa harap ng ibang babae kasi for sure, hindi yan magugustuhan ng girlfriend mo."

Natigilan ako sa sinabi niya. Yeah she was right. Ano ba kasing nasa isip ko at ginawa ko yon?

Binuksan niya ang locker sa tabi ko at nilagay niya ang gamit niya don. Damn. Magkatabi pa pala kami ng locker. Isnt that fvcking nice?

Sinara niya ang locker niya at tahimik siyang umalis. Pinagmasdan ko na lang siya mula sa likod. I cant deny, she's pretty.

What? No. She's not. Yeah, no.

Just wait how I'll break you, Angel.

Pinuntahan ko na lang si Enzo at dala dala na niya ang bulaklak na pinabili ko para kay Anya. Pumunta na kami sa room at nakaupo na sa gitna si Anya habang nakapiting siya. Nagsitilian ang classmates namin pero pinatahimik agad sila ni Caleb. Binigay sakin ni Luke ang gitara at nagsimula na akongkumanta.

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon