Forever 1 (The Meeting)

10.6K 114 13
                                    

Jane's POV





"Jane, Sure ka bang uuwi ka sa Pilipinas?"sabi sa akin ni Ria at hinawakan pa ang kamay ko na parang pinipigilan ako.



"Grandma needs me."sabi ko sa kanila tapos sunod-sunod na ang Violent Reaction..

"Hala! Jane pwede naman sina George at Michelle na lang ang utusan di ba?"sabi ni Bianca. Tama siya pwedeng si George at Michelle pero hindi pwede.

"Bianca hindi naman kung ano yung iuutos ni Grandma eh, Bagong Client namin yun."sabi ko at nag-cross arms. Napatango naman silang lahat except sa maingay na si Katsumi.



"Wah !!! Jane We will miss you kapag bumalik ka dito wag kang magpaka Black Lily ha."sabi ni Katsumi at binatukan siya ni Bianca. Natawa na lang ako dito sa singkit na ito.



"OA mo Kats uuwi lang si Jane saka babalik naman yan dito eh."sabi ni Bianca sa akin at nginitian ako.



"Hahaha Don't worry Jane susunod kami sa iyo papaalam muna kami sa parents namin."sabi ni Seth.


Natawa din ako sila ang Barkada ko si Ria Clemente, Bianca Cassado ang BFF's ko samantalang sina Katsumi Kabe, Lester Giri, Seth Gothico at JC Padilla na puro may Junior sa huli dahil yung mga Tatay daw nila eh Senior at sila daw ang Junior pero kapag tinawag mo silang Junyor maghanda ka na dahil magkakaroon ng World War 3!



"Pag-balik mo may Banda na kami !!!"pagmamayabang ni Kats sa akin at nag-cross arms sabay irap! Para siyang bading.. Sakyan natin ang trip!



"Akala ko ba susunod kayo? Kapag sumunod kayo saka niyo sabihin sa akin na magkakabanda kayo saka APAT pa lang kayo mag-hire kaya kayo ng magawa niyo na yung sinasabi niyong P5 apat tapos P5 LOL."sabi ko habang matawatawa.. Oo Parking5 daw pero tignan mo apat lang sila.



"Basta susunod kami Jane."sabi ni JC sabay akbay sa akin.



"Oo alam ko nandoon Girlfriend mo eh."buko ko sa kanya tapos may mga side comments na sila tulad ng;


"BOOM."

"Buko ka na Padilla."

"Nandoon pala si Gab Haha kaya pala hindi nagpaparamdam."

"Akala namin iniwanan na siya."

"Panget daw kasi siya eh."

"Luh? Ano Connect?"


At yung pinakabaliw diyaan si Katsumi at Lester hulaan niyo kung saan banda ang sinabi nila xD



"Sige na, Mauna na ko ma-lalate ako sa flight ko eh SUMUNOD kayo kung di pasasabugin ko itong Amerika."biro ko sa kanila.



"Kuripot !!! Di man lang nag-padespidida."sabi ni Kats pero umalis na ko agad loko talaga siya.


Oh Nga pala Im Jane Fernandez, 22 years old nag-iisang Apo ako ng Fernandez Corporation at inutusan na ko ni Grandma na umuwi sa Pilipinas, Pabalikbalik ako sa Pilipinas papuntang States dahil inuutusan ako ni Grandma Hahaha kung mag-utos kasi si Grandma akala mo pinabibili lang ako sa Tindahan ng Paminta.


Pagdating ko nang Airport agad kong inabot ang Passport at Visa ko sa may Counter at pumasok sa loob ng Waiting Area..



"Flight to Philippines K-A-T-H-N-I-E-L 143 is now boarding."



Agad akong pumunta sa Eroplano at sumakay, First Class ang sinakyan ko nag-iisang APO eh, Nang may umupo sa tabi kong lalaki kaya napatingin ako sa kanya.



"Mikay? Is that you?"sabi sa akin nitong lalaki tumingin ako sa likod ko pero wala namang tao so ako yung kinakausap niya, Tinaasan ko siya ng kilay. Nice iba na pala ang Damoves ng lalaki ngayon..



"Excuse me?"sabi ko at nag-smirk.



"Di mo ba ko natatandaan ako ito si Dominic yung Classmate mo nung 1st year College tayo."sabi niya at humalakhak ako sa kakatawa.



"Nagpapatawa ka ba? Ako naging Kaklase mo nung 1st year College?! Seryoso ka? Hahahaha Nice iba na talaga ang Damoves ng lalaki ngayon."sabi ko sa kanya na matawatawa, Nag-Home schooling kaya ako sa Pilipinas ng 1st year College at nag-aral sa States ng 2nd year College.



"Nagka-amnesia ka ba?"sabi niya kaya lalo akong natawa.



"Excuse me okay, Kung sino man iyang sinasabi mo pwes di ko siya kilala at HINDI din kita kilala."sabi ko sabay tayo tapos kinuha ko yung bag ko at lumipat ng ibang seat.



"Excuse me Miss bakit po kayo lumipat?"tanong ng Stewardess na halatang Filipino.



"May Stalker kasi dun eh kaya ako lumipat naalibadbaran ako."sabi ko tapos sinaksak ko yung earphones ko sa upuan at nag-soundtrip.


Grabe kapal ng mukha ha kaklase ko daw siya nung College, I tell you a Story.


Lumaki ako sa States sabi ni Grandma nung umuwi daw kami dito sa Pilipinas with my Parents and my Sister nung 4th year Highschool ako eh naaksidente kami so i had a scar in my head pero tumubo na ang hair ko kaya hindi na kita, Namatay ang Parents ko at ang kapatid ko kaya Only Grandchild na lang ako ni Grandma dahil sa pag-aalala niya eh nag-homeschooling muna ako nung 1st year College at pinadala niya ako sa States for my 2nd year College at doon ka na-meet ang mga friends ko ngayon.. Lovelife? Wala ako nun sorry at hindi ako pumapatol sa PANGET tulad nung lalaki dun.



After A LONG Flight eh nakatapak na din ako sa Pilipinas.. Jetlag? Wala na sanay na ko eh pabalikbalik ba naman.



"Miss Jane."salubong sa akin ni George ang Butler namin, Hindi siya matanda na parang Lolo okay mga matanda lang siya sa akin ng 5 years ganoon.



"So Saan ko ngayon i-memeet si Grandma?"tanong ko.



"Sa Mansion po Miss Jane."sabi ni Michelle ang HeadMaid namin at kinuha ang maleta ko, MU ata sila ni George eh ang tanda na eh may nalalaman pang MU.



"Wala si Grandma sa Office?"tanong ko tapos sumakay na ko ng Kotse.



"Kaka-uwi niya lang po."sabi sa akin ni Michelle ng maka-sakay ako sa loob.



"Kamusta na si Grandma?"tanong ko.



"She's Alive and Kicking Cous."sabi ni Luisa.



"Luisa !!!"sigaw ko, Well Pinsan ko si Luisa sa kapatid ni Grandma bali magpinsan kami dahil sa Lolo at Lola namin.



"Tss.. Makasigaw?! Nga pala kamusta sina Ria at Bianca?"tanong niya.



"Ayun matatakaw pa din."biro ko tapos nag-appear kami ngayon ko lang siya napansin na siya pala ang naka-upo sa Shotgun seat.



"Sino kasama ni Grandma sa Mansion?"tanong ko kay Luisa.



"Si Nachos, Cola at Jabi."sabi ni Luisa, That's my Dogs yes alaga ko sila at sadyang Cute silang tatlo.



Kapapasok pa lang namin ng Gate ng Mansion, Well medyo malayo ang bahay sa Gate Mansion nga eh. After 30 minutes, YES 30 minutes kapag naka-Car at isang Oras na lakaran kapag mula Gate hanggang dito sa Door ng Mansion.


Pagbaba namin ni Luisa ng Car eh nagbow sa amin ang mga Maids.



"Nga pala yung pasalubong ko."sabi ni Luisa.



"Oh please Luisa kadadating ko lang pasalubong agad? pero sige kunin mo dun sa maleta may name mo na yun."sabi ko sa kanya tapos dumeretso na ako sa Library ni Grandma.


Outfit check!


Look check!


Umayos muna ko ng tindig bago kumatok.


"Come in."sabi ni Grandma at binuksan ko ang Pinto.



"Oh Jane, How's the flight?"tanong sa akin ni Grandma at nilapag niya ang kanyang librong binabasa.



"As Usual, Grandma."sabi ko, tapos umupo ako sa may couch.



"Nga pala pinauwi kita dito dahil may ipagagawa ako sa iyo."sabi niya.



"Sure kung kaya ko po."sabi ko.



"Alam mo naman na ikaw ang nag-iisa kong Apo, Hindi ko maaasahan si Luisa at ang Kuya niya dahil may Kompanya pa ang Lolo Raymond mo."sabi sa akin ni Grandma, Si Lolo Raymond ang kapatid ni Grandma.



"Alam ko po iyon Grandma, So ano po yung ipagagawa niyo?"tanong ko.



"I want you to meet a client, CEO ng Dela Rosa Incorporation i am sure you heard a lot about it right?"tanong sa akin ni Grandma.



"Yeah their all over the news."sabi ko, Hmm Dela Rosa the famous incorporation.



"Sure Saan ba kami magkikita?"tanong ko.



"JB Resto doon yung sinabi sa akin ni Michelle."sabi ni Grandma.



"Never heard about that Resto."sabi ko, Di ba pwedeng sa Spiral, Aruzzo, YakiMiki or somewhere ngayon ko lang narinig yung JB Resto na yun? Baka pipitsugin yun.



"Ah a new open resto, Don't worry Classic ang Resto na yun one of Del Mundo owned them."sabi sa akin ni Grandma.



"I never heard of Del Mundo too."sabi ko, Honestly yung sinasabi ni Grandma ngayon di ko kilala.



"Oh they are one of Padilla and Dela Rosa Investors."sabi ni Grandma.



"Ohh."so madami talagang kilala si Grandma, Sino ba makikilala ko nakatambak ako sa States for 4 years at Twice in a years ako bumabalik sa pilipinas.



"Go Meet him?"sabi ni Grandma.



"What time?"tanong ko.



"Lunch."sabi ni Grandma.



"Okay mag-geget up muna ko."sabi ko sabay alis sa Room na iyon, Grabe dapat presentable ako kay Grandma ayaw kaya sa Dumi nun, Every seconds kailangan malinis may allergy ata sa bacteria xD


Pumasok muna ko sa Room ko and took a hot bath, After nun pumunta ko sa Walk in Closet ko and I wear a light pants and silk top tapos pinatungan ko nang Brown Jacket at nag-headband lang ako, sinuot ko lang ang peace necklace na regalo sa akin ni Ria at ang bangles na binili namin ni Bianca and kinuha ko ang Pink Stilletos ko at kinuha ang isang Clutch Bag.


Lumabas na ko sa Walk in Closet ko at nakita ko sa side table ang Shades and i wear it.. Make up? Normal sa mukha ko ang Make up kasi MAGANDA ako, Nag-mamake up lang ako kapag may Special Occasion at kapag may lakad na IMPORTANTE pero kapag ganito lang di ko na kailangan mag-make up MAGANDA nga kasi ako, saka hindi naman oily ang face ko at wala akong pimples KAHIT ISA sabi nga kanina Hate ni Grandma ang Bacteria.


Pagbaba ko ng Grand StairCase namin eh nakita ko si Luisa at hinahalungkat pa din ang maleta ko.



"Talagang hinanap mo yung regalo mo eh no? Bulag ka talaga ayun oh."sabi ko na nasa Lamesa.



"Thanks Cous."sabi niya tapos iniwanan ang Maleta ko, Talaga etong si Luisa Oo.



"Ate paki-dala nga sa kwarto ko yung mga damit ko tapos maglagay ka ng box titignan ko kung ano yung pwedeng ibigay sa Charity saka paki-kutongan si Luisa."sabi ko sa maid na napadaan.


And you read it right, Binibigay ko sa Charities yung damit na di ko kailangan sosyal sila pangmayaman ang tatak ng damit nila.



"George paki handa ang Bugatti Veyron ko."utos ko kay George. Nang maramdaman ko na may tumatawag, kaya kinuha ko ang aking Stuart Hughes na Diamond Rose Edition ng IPhone.



"Hello?"



"JANE! NA SAAN KA NA? NANDYAN KA NA BA SA PINAS?? PASALUBONG NAMIN NA CHICHARON NI MANG JUAN AH!"sigaw ni Katsumi sa Phone.



"Leche ka Kats pwede?! Chicharon ni Mang Juan? Cheap mo napatawag ka at PHONE ni RIA ang gamit mo?"tanong ko.



"I-LOUD SPEAKER MO KASI LAB"rinig kong sigaw naman ni Ria sa Phone, Lab?



"OH AYAN AYOS NA, HI BEBE JANE MUSTA NA? OPEN MO SKYPE MO NG MALINAW BYE."sabi ni Ria, Nice ang yaman nila tumawag lang para sabihin na i-Open ko ang Skype ko? At in-open ko nga ang Skype ko sa phone.



"Oh nangamusta kayo?"mataray kong tanong siyempre pagod ako tapos may gagawin pa ko kaya nagmamadali nga ako eh, Ambagal ni George kunin ang Bugatti ko.



"Gusto lang namin ng pasalubong."sabi ni Kats at binatukan siya ni Ria.



"Baliw mo Labs, Bebe Jane uuwi kami diyaan baka next week pa."sabi ni Ria sa akin.



"Okay kahit next month pa eh nga pala kayo ah, KAYO na ba?"tanong ko may Labs Labs pang nalalaman.



"Wala noh saka ang panget kaya ni Kats, Di ba Kats?"tanong ni Ria kay Kats eto naman si Kats inaayos yung buhok niya gamit yung screen kaya napa-pokerface ako sa ginawa niya.



"Ha? Oo... ANO?! Di ako panget !!!"sabi ni Kats ambaliw niya.



"Okay Labs di ka na panget."sabi ni Ria.



"Yung totoo? Pinag-open niyo ko ng Skype para makita ko ang lambingan niyo?!"sabi ko aba sayang ang oras ko.



"Hindi ah eto kasing Labs na ito eh."sabi ni Ria, Teka nga LABS? Kanina pa yan ah.



"Kung hindi kayo eh ano yung Labs?"tanong ko grabe ah lihiman Ria?



"Labs as in LABO hahahahaha."sabi ni Ria na matawatawa. Oo nga! Nakakatawa sa sobrang comedy hindi ako natawa.



"Miss Jane your Car is ready."sabi ng isang Maid.



"Bye na may pupuntahan ako eh."sabi ko tapos lumabas na ko, pinagbuksan ako ng pinto ni George at ako na ang nag-Drive

ABA minsan ko lang gamitin ang Bugatti ko kaya kailangan damahin.

[A/n: Jane's Bugatti Veyron on the side -------------> Mahilig sa Cars si Jane kaya expect madami din siyang Car katulad ni Gino ^_^]



Buti hindi traffic at nakapunta ako sa JB Resto at pinark ko yung Car ko. Pagpasok ko, Classy nga.



"Excuse me, Where is the Reserve Table for Ms. Fernandez and Mr. Dela Rosa er.."sabi ko dun sa babae na reception ata aba tinatarayan ako, Ampanget mo tinawag niya yung isang waiter tapos ni-lead ako dun sa table nakayuko yung lalaki ngayon.



"Ayoko sa lahat eh pinag-aantay ng Client alam mo ba iyon Ms. Fernan-"napatigil siya nung inangat niya ulo niya, Problema niya? Nagandahan siya?



"Oh Bakit natigilan ka?"sabi ko, Hmm may itsura siya.



"Mikay?"gulat niyang tanong.



"Excuse me? Anong sabi mo??"matawatawa kong tanong, Obviously iyan lang ba ang sinasabing Damoves ngayon ng mga lalaki?? Di na lang Diretsuhin na Miss What's Your name? or Can i have your number? Hindi yung "Mikay?" Grabe sino ba yan? trending ba yan dito sa pinas ngayon? Weird.



"I am sorry i thought your my friend."sabi niya.



"It's okay, Im Jane Fernandez so i am the client? Whoah."sabi ko, Well Deal again investing?



"Gino Dela Rosa, CEO of Dela Rosa Company."sabi niya.



"So your one of the famous Dela Rosa as i heard from my Grandma."sabi ko.



"Let's Start the deal."sabi niya, tapos nag-usap kami tungkol sa business, nag-pirmahan tapos nag-usap tungkol sa rules tapos mag-iinvest kami sa kanila, WOW ha kami pala mag-iinvest tapos ang kapal ng mukha niyang sabihan akong LATE?!


Di pa na-seserve yung food eh natapos kaming mag-usap tungkol sa business, Mabilis eh halatang bihasa siya.



"Jane Fernandez ang real name mo?"Out of the blue moon niyang tanong.

__________________________________

Meet Jane Fernandez, Ano role niya sa Story at bakit kamukha niya si Mikay? Magkikita na ba si Gino at Mikay?

~Cynthia

Forever In My Heart (Book 2 of YAIMH) [FIN]Where stories live. Discover now