Kabanata 14: Pagkikita

4 0 0
                                    

SEBASTIAN POV


Nasisilaw ako sa sikat ng araw kaya ako nagising. Tinignan ko ang oras. 7:42 am na pala kaya bumangon na ako at nag-unat. Habang nakatingin ako sa bintana ng kwarto ko, hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing pumapasok sa isip ko ang nangyari kagabi. Matagal na panahon na rin mula noong makaramdam ako ng ganitong kasiyahan sa puso ko.

Kaya naman hindi ko na ito hahayaang mawala pa.





Pagbaba ko mula sa kwarto, hindi na ako kumain. Ako lang ang mag-isa rito sa bahay namin kaya hindi na ako bumibili pa ng maraming pagkain. Madalas din naman na sa labas na ako kumakain.

Ito ang dati naming bahay ng mom ko noong nabubuhay pa siya. Hindi naman mansyon katulad ng sa tatay ko pero kahit papaano, masaya at kumportable kaming naninirahan dito. Ngayong wala na si mom, ako na lang ang mag-isa. Matagal din mula noong tumira ako dito dahil mula noong mamatay ang nanay ko, nagtungo ako agad sa ibang bansa.





Pagkatapos ko maligo, humarap muna ako sa salamin at nag ayos. Ngayon kami magkikita ng tatay ko para makausap siya tungkol sa ospital. Huminga ako ng malalim at inayos ang kwelyo ng polo ko bago tuluyang umalis.











"Napaaga yata ang dating mo?" napatingin ako sa lalaking nagsalita. Nakasuot siya ng coat na itim, polo na puti, at necktie na pula. Formal na formal ang suot niya. Tumayo naman ako at yumuko sa kaniya para magbigay galang. Narito kami ngayon sa napili niyang restaurant, hindi kalayuan sa ospital.


"Hindi naman po. Kararating ko lang din." sambit ko bago umupo ulit. Tinawag niya ang waiter at umorder ng lunch namin. "Ako na ang umorder para sayo." sambit niya pero hindi ako sumagot.

Huminga ako ng malalim. Gusto kong maging direct to the point at hindi ko na patatagalin pa ang pag-uusap namin. "Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa." panimula ko. "Kailangan ko po ng tulong niyo para maisalba ang ospital na pinatayo ng mommy ko." habol ko.

Kinuha niya ang isang basong tubig at ininom yon. Sakto namang dumating ang waiter dala ang mga order namin. "Kumain kana muna." sambit niya. "Balita ko nakapagtapos ka sa med school, tama?"

Napatingin ako sa kaniya at tumango. "Maganda ang daan na tinatahak mo. Ipagpatuloy mo lang yan. Mag asssume na ako na sa ospital ka ng mommy mo nag tatrabaho." salita niya pa pero hindi ako umiimik. Nagpatuloy lang ako sa pagkain.

"Kamusta ka naman? May girlfriend ka na ba?" tanong niya ulit kaya naman napatigil ako sa pagkain at tumingin sa kaniya. "Wala po akong panahon sagutin ang mga tanong niyo. Ang gusto ko lang pong malaman, matutulungan niyo po ba ako o hindi?" walang emosyong sambit ko.

Natawa naman siya at sumandal sa upuan. "Tutulungan kita pero sa isang kondisyon.." nakangiting sambit niya. Kumunot ang noo ko dahil masama ang kutob ko sa susunod niyang sasabihin.




——————————

Nakatayo ako ngayon habang naghihintay ng bus. Hindi ko mapigilan ang mapa-isip dahil sa sinabi ng tatay ko. Pinagmamasdan ko lang ang mga sasakyan na dumaraan. Halos isang oras na rin akong nakatayo rito at ilang bus na rin ang huminto na hindi ko sinakyan.


Mukhang alam ko na ngayon kung bakit sila naghiwalay ni mommy at kung bakit ayaw niya na makilala ko ang tatay ko. Hinding hindi ko gagawin ang kondisyon na yon. Nasisiguro ko na meron pang ibang paraan para maligtas ko ang ospital na pinaghirapang ipatayo ni mommy.


"Huy!" nagulat ako dahil sa nagsalita. Napatingin ako sa kaniya habang naka-hawak sa dibdib ko dahil sa gulat. Tumatawa siya ngayon dahil sa nangyari. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan siyang tumatawa. "Ang cute mo naman magulat." natatawang sambit niya kaya natawa na lang din ako.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Days In Memory Where stories live. Discover now