Kabanata 7: Happy Place

4 2 0
                                    

Kakababa ko lang ng bus galing Laguna. Labag man sa loob kong umalis ng ganon kabilis, mas okay na rin ito kesa magtalo pa kami ni papa ng mas malala. Hanggat maaari pinipigilan ko namang sagutin siya pero sadyang hindi ko lang matanggap na pinangungunahan niya ang mga desisyon ko.


Mula noong malaman ko ang tinatago niyang sekreto sa amin, tinatak ko na rin sa isip ko na wala na siyang karapatan diktahan ako sa kung ano man ang desisyon ko sa buhay. Opinyon na lang ni mama ang mahalaga sakin ngayon.

 

Naglalakad ako ng nakayuko dahil nga sa problema. Everytime na nagkikita kami ni papa palagi lang kami nagtatalo kaya matagal din akong hindi umuwi sa amin. "Mukhang malalim ang iniisip mo ah." napatingin ako sa nagsalita at nagulat ng makita ko si Sebastian.

 

"Sebastian?" tumingin ako sa paligid para icheck kung may kasama siya pero wala. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya.


"Kukuha sana ako ng ticket kasi may pupuntahan ako." masayang sambit niya. Tuwing magkikita kami palagi ko siyang nakikitang nakangiti. "Gusto mong sumama?" tanong niya.

"Saan ka ba pupunta?"


"Basta. Tara?"

Wala naman akong gagawin dahil balak ko sana sa Laguna magstay ng two days pero dahil sa nangyari, napauwi ako ng mas maaga.


Tinignan ko si Sebastian. Nakangiti siyang naghihintay ng sagot ko kaya naman ngumiti ako pabalik. "Tara." sambit ko. Bakas sa mukha niya ang saya. Naglakad kami papunta sa bilihan ng ticket at sumakay sa bus.

 

Naupo ako malapit sa binta. Dito kasi ang gustong gusto kong pwesto. "So saan nga tayo pupunta?" tanong ko.


"Sa happy place." sambit niya naman kaya kumunot ang noo ko.


"Happy place? Saan naman yon?" natawa siya sa tanong ko. Hindi niya na ako sinagot kaya naman ibinaling ko na lang ang tingin sa bintana habang napapangiti.


Nakaramdam ako ng antok habang nasa biyahe. Sinandal ko ang ulo ko sa bintana ng bus at pumikit. Nasaktuhan pa na may music sa loob ng bus kaya mas lalo akong inantok hanggang sa nakatulog na ako.



——————————

SEBASTIAN POV



"So saan nga tayo pupunta?" tanong ni Carmela sakin.


"Sa happy place." sagot ko ng nakangiti dahilan para kumunot ang ulo niya.


"Happy place? Saan naman yon?" sa pagkakatanong niya ay para bang tinatanong niya rin ako kung may nag eexist bang ganong lugar kaya natawa ako at hindi na siya sinagot pa. Gusto kong masurprise siya sa pupuntahan namin.



Bigla siyang natahimik at di na nagsalita pa kaya tinignan ko siya. Napangiti ako ng makita siyang natutulog habang nakasandal sa bintana ng bus.

Days In Memory Место, где живут истории. Откройте их для себя