Kabanata 6: Alitan

3 2 0
                                    

Maaga akong pumasok ngayon dahil balak ko sanang mag file ng leave sa trabaho. Matagal tagal na rin mula nung umuwi ako sa amin. Namimiss ko na sila mama at Jasper.

Chinicheck ko ang vital signs ng pasyente nang biglang lumapit sakin si Mia. "Ang aga mo ata ngayon Ate Carmela?" tanong ni Mia. Madalas kasi na siya ang nauunang pumasok sakin. Early bird nga kung tawagin. Himala lang na mas nauna ako sa kaniya ngayon.

Nginitian ko siya. "Aba.. Mukhang maganda ang mood natin ngayon ah?" biro niya pa kaya natawa na ako. "Okay na po maam, pwede na kayo matulog ulit." mahinang sambit ko sa pasyente at inayos ang kumot nito.

"Hindi naman.. Mag leleave kasi ako ng 2 days para sana makabisita ako sa amin. Matagal tagal na rin kasi mula nung umuwi ako. Baka hindi na ako kilala ng kapatid ko." biro ko pa kaya natawa siya. Dinala ko ang mga gamit palabas ng kwarto ng pasyente at sakto namang nasa labas si Enzo na para bang may hinihintay kaya narinig niya ang sinabi ko tungkol sa pag uwi sa amin.

"Gusto mo samahan kita?" Siya si Enzo. Nurse rin siya at halos sabay lang kaming nakapasok dito sa ospital. Matagal na siyang nagpaparamdam na may gusto siya sakin pero hindi ko na lang pinapansin dahil alam ko naman na kung sino-sinong babae ang gusto niyang idate.

Tinignan ko lang siya at hindi nagsalita. Ibinigay ko kay Mia ang mga gamit at naglakad lang ako ng diretso. "Carmela, pwede naman kita samahan kung gusto mo." sambit niya na para bang nanglalambing.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Enzo, hindi ko kailangan ng makakasama. Tsaka ano na lang ang iisipin ng pamilya ko kapag nakita ka nila diba?" sambit ko at nagpatuloy muli sa paglalakad.


"Edi sabihin mong boyfriend mo ako." napatigil ako muli at tinignan na lang siya ng masama na may halong pag-iling. Kung ano-ano na lang ang sumasagi sa isip ng taong 'to. Naglakad na ako muli at hindi siya pinansin. "Carmela!" tawag niya. "Pa-hard to get ka pa sakin din naman ang bagsak mo!" dagdag niya pa. Alam kong narinig yon ng iba pang nurse dito sa ospital pero hindi ko na lang siya pinansin.




Ilang sandali pa habang nagsusulat ako ay nilapitan ako ni Mia. "Narinig ko yung mga sigaw ni Enzo kanina. Kahit kailan talaga yung lalaki na yon walang hiya." sambit niya na may halong inis.

"Alam mo ate Carmela, wag mo na lang pansinin yan. Masyadong mataas ang tingin sa sarili." nginitian ko lang siya at tumango. "Oo nga pala, nagfile kana ba ng leave?" tanong niya.

"Oo, tinanggap naman ni Doc Martin. Maaga niya rin ako pinapauwi ngayon." sambit ko.

"Himala.. Hindi siya nag sungit sayo?" tanong niya na may pagka-mangha.

Natawa ako at tumango. "Nakakagulat no?" sambit ko.

"Ano kaya ang nakain niya at biglang bumait." natatawang tanong ni Mia. Bigla ko namang naalala si Sebastian.

"Uhmm.. May gusto ka ba kay Xian?"

"Ha? Nako hindi ah! Wala akong gusto kay Xian."  

"Kung ganon.."


Napabuntong hininga ako. "Ano kaya yung gusto niyang sabihin kahapon?" tanong ko sa sarili.


"Ha? Anong gusto sabihin? Sino Ate Carmela?" sunod-sunod na tanong ni Mia. Agad naman akong napa-iling.


"Ah, wala wala.. May naalala lang ako." sambit ko. Tumango-tango naman siya at nagpaalam na aalis muna dahil may gagawin pa siya. Tumango naman ako at kumaway.

Days In Memory Where stories live. Discover now