Kabanata 10: Sugal

3 2 0
                                    

Patapos na kami kumain ni Sebastian. Naging masaya naman dahil nag kwentuhan kami tungkol sa mga bata sa charity. Nagkwento siya kung ano ang mga kaganapan doon noong hindi pa siya nakakaalis papunta sa ibang bansa. Kitang kita ko naman sa mga mata niya ang saya kaya hindi ko pagilan ang mapangiti.

Matapos ang pag-uusap namin, nagsabi ako kay Sebastian na pupunta muna ako sa comfort room bago kami umalis. Ngumiti ako sa kaniya at naglakad na.

Pag balik ko ay nakita ko si Enzo kasama ang isa sa mga kasamahan namin sa ospital na naglalakad papunta sa kinaroroonan ko. Nagkataon naman na nag uusap sila kaya hindi nila ako nakita. Paupo na sana ako ng bigla kong marinig ang pangalan ko.

"Hindi mo pa rin ba nakukuha si Carmela?" rinig kong tanong ng kasama niya. "Ang hina mo naman pare. Matagal mo ng pinopormahan si Carmela tapos hanggang ngayon wala pa rin?" natatawang sambit pa nito.

"Ano ka ba pare, matagal ko ng tinigilan yan si Carmela dahil nalaman ko na mukha siyang pera at nakikipag date sa mga mayayaman para lang magkapera." rinig kong sagot ni Enzo. Hindi ako makapaniwala dahil sa mga pinagsasabi niya.

Matagal na siyang tumigil? E nung nakaraan lang nangungulit pa siya sakin. Ang kapal ng mukha ng lokong to na magsabi ng hindi magaganda tungkol sakin.

"Talaga? Ganong klaseng babae pala si Carmela? Akala ko pa naman matino siya." sagot ng kasama niya.

"Akala ko rin pare. Nasa loob pala ang kulo ng malanding yon." natatawang sambit ni Enzo. Rinig na rinig ko ang tawanan nilang dalawa dahil nasa likod lang namin ang table nila. Umupo ako na parang walang nangyari at humarap kay Sebastian ng nakangiti.

Napansin ko ang expression ng mukha niya ay galit at masamang nakatingin sa pwesto nila Enzo. Tumayo siya at kinuha ang baso ng red wine na dala ng waiter papunta sa table nila Enzo. Napatayo ako ng makitang binuhos niya yon sa ulo ni Enzo habang nakalagay sa bulsa ang isa niya pang kamay.

"Ano ba!" sigaw ni Enzo habang binubuhos ni Sebastian ang wine sa ulo niya. "Baliw ka ba?!" sigaw niyang muli. Napahawak naman ako sa bibig ko dahil sa gulat at napansin na pinagtitinginan na kami ngayon ng mga tao.

Ipinatong ni Sebastian ang baso sa table nila at nagsalita. "Hindi tama na magsasabi ka ng masasamang salita tungkol sa isang babae na hindi mo makuha." seryosong sambit niya.

"Anong sabi mo?!" pagalit na tanong ni Enzo pero hindi siya sinagot ni Sebastian. Nilabas niya ang wallet niya at kumuha ng pera doon. "Oh ito bayad sa suot mo." nilagay niya sa lamesa ang pera at tinapik si Enzo sa balikat.

Tinalikuran na sila ni Sebastian. Nakaharap na ngumiti siya sakin at hinawakan ang kamay ko. "Halika na." nakangiting sambit niya.

Nakita ko ang pagkagulat sa expression ng mukha ni Enzo. "Carmela sandali!" tawag sakin ni Enzo pero hindi ko na siya pinansin. Lumabas kami ni Sebastian sa restaurant.

Hindi na ako nakapagsalita dahil sa hiya. Alam kong narinig ni Sebastian ang lahat ng mga sinabi ni Enzo kanina. Alam ko naman sa sarili ko na hindi totoo ang mga sinabing yon ni Enzo pero naapektuhan pa rin ako. "Saan mo gustong pumunta?" tanong ni Sebastian sakin kaya tinignan ko siya at napatingin din sa kamay ko na hawak niya pa rin. Napansin niya yon kaya agad siyang napabitaw. "Sorry.." natatawang sambit niya na kay halong hiya.

"Kung iniisip mo yung sinabi ng mga lalaking yon sayo, wag ka magpaapekto. Alam ko naman na hindi totoo yung mga sinabi nila tungkol sayo. Palagi mong tatandaan na kahit ano pa ang sabihin ng mga tao tungkol sayo, mas kilala mo pa rin kung ano at sino ka kaya wag kang magpaapekto." nakangiting sambit sa akin ni Sebastian. Naaappreciate ko naman na pinapagaan niya ang loob ko ngayon kaya nginitian ko siya pabalik.

"Salamat Sebastian." sambit ko sa kaniya.

Naglakad lakad na lang kami hanggang sa mapadaan kami sa isang convenient store. "Gusto mo ng ice cream?" nakangiting tanong ko kay Sebastian.

"Sino bang ayaw ng ice cream?" natatawang tanong niya kaya naman natawa rin ako at niyaya ko siya sa loob.

"Anong flavor ang gusto mo?" tanong ko.

Tumingin naman siya at namili hanggang sa kinuha niya ang cookies and cream flavor ng ice cream. "Mahilig ka sa cookies and cream?" tanong ko.

Tumango naman siya at tuwang tuwa na para bang bata na binilihan ng magulang niya ng gusto niyang ice cream. Tumawa naman ako at kumuha ng sakin. Matapos namin magbayad ay naupo kami sa labas at doon kumain. "Ang sarap talaga ng ice cream no?" sambit niya. Tumango naman ako at ngumiti.

"Alam mo ba na comfort food ko 'to noong bata pa ako?" sambit ko at natawa nang maalala ko ang mga pangyayari noon na kung saan tuwing pinapagalitan ako nila mama at papa ay tumatakas ako sa bahay para lang bumili ng ice cream. "Naalala ko pa nga na tumatakas pa ako para lang bumili nito tapos pag uwi ko sa bahay, magtatago ako sa malaking cabinet at doon ko kakainin habang umiiyak." natawa naman siya sa kwento ko.

Habang nag kukwento ako at tumatawa ay napansin kong nakangiti si Sebastian habang tinititigan ako kaya napatigil ako sa pagsasalita. "Bakit?" tanong ko sa kaniya. "Boring ba yung mga kwento ko?" malungkot na tanong ko sa kaniya dahil baka nabobored na siyang kausap ako.

Umiling siya habang nakangiti. "Kahit pa buong araw kang mag kwento ng mag kwento, hindi ako tatamarin pakinggan ka." sambit niya.

"Sus.. Mukhang nabobored ka na nga sa mga kwento ko e." sambit ko at napayuko.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya tinignan ko siya ng nakasimangot. Nagulat ako ng hawakan niya ang mga kamay ko at nagsalita. "Carmela, alam kong darating ang araw na aalis ka para gawin ang mga bagay na gusto mo at handa akong sumugal." sambit niya sakin. Hindi ako makapagsalita. "Handa akong sumugal kaya sana hayaan mo akong iparamdam sayo ang nararamdaman nitong puso ko hanggang sa huling araw ng buwan." dagdag pa niya.


"Babawiin ko na yung sinabi ko kahapon." sambit niya ulit.

"Na?" tanong ko.

"Babawiin ko yung tanong ko sayo kahapon kung pwede ba kitang ligawan." seryosong sambit niya sakin. Hindi ko alam kung bakit parang may kirot sa puso ko dahil sa sinabi niya ngayon sakin. Napayuko ako. "Liligawan kita. Hindi ko na hihintayin pa ang sagot mo kung pumapayag ka o hindi." muli akong napatingin sa kaniya dahil sinabi niya.

Nginitian niya ako at hinaplos ang ulo ko. Walang kahit na anong salita ang lumabas sa bibig ko. Nanatili akong nakatitig sa mga mata niya na para bang nagsasalita kung gaano siya kasaya sa mga oras na ito.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong maging masaya rin ngayon. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing kasama ko siya. Para rin kong nakuryente kanina ng hawakan niya ang kamay ko at inalis ko sa kahihiyan. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaranas na maging masaya at dahil yon kay Sebastian.

Habang buhay akong magpapasalamat sa Panginoon dahil dumating siya sa buhay ko.. Ayaw kong madaliin ang mga bagay-bagay pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na mahulog sa kaniya. Natatakot ako maging masaya ng sobra dahil baka may kapalit ito at masaktan lang ako sa huli pero ngayon habang nakatingin ako kay Sebastian at nakikita ang mga ngiti niya, nasasabi ko sa sarili ko na willing akong sumugal sa pag-ibig.


Susugal din ako kahit walang kasiguraduhan kung mananalo ba ako o matatalo..



————————————————————

Kung ikaw si Carmela, handa ka rin bang sumugal sa para sa pag-ibig?

#DaysInMemory

Happy reading and spread the love!

Days In Memory Där berättelser lever. Upptäck nu