Kabanata 13: Pagtingin

1 0 0
                                    

"Gusto mo mag kape?" tanong ko sa kaniya ng nakangiti. Tumango naman siya at sumabay sakin sa paglalakad. Dito lang kami bumili ng kape sa instant coffee machine dahil nakashift pa rin ako. Nagpaalam lang ako na mag lunch break para masamahan si Sebastian.



"Oh ito na yung kape mo." sambit ko sa kaniya at inabot ang kaniyang kape. Nakaupo siya sa upuan na nasa ilalim ng puno kaya hindi mainit. Naupo naman ako sa tabi niya. "Kamusta?" tanong ko bago humigop ng kape.


"Maayos naman.." mahina niyang sambit at ininom ang hawak na kape. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kalangitan. "Alam mo ba na ang mga problemang dumarating ay dapat nilalampasan at hindi tinatambayan?" napatingin siya sakin. "Kung ano man ang problema mo at may nakikita kang solution, kunin mo na. Wag mo nang tambayan ang problema mo." payo ko.

Tumingin naman siya sakin at ngumiti. "Bakit?" tanong ko. Umiling siya at hinaplos ako sa ulo kaya napayuko ako.


"Mabait kana, matalino ka pa. Thank you." seryosong sambit niya. Tinignan ko siya ay napangiti. Huminga siya ng malalim at tumingin sa malayo. "Siguro nga kailangan kong babaan ang pride ko at lumapit sa kaniya." sambit niya at napabuntong hininga.

"Mas mainam na humingi ng tulong kesa pasanin mo mag isa ang mabigat na bagahe." sambit ko pa.


Humarap siya sa akin at muling nagsalita. "Paano kung yung nag iisang tao na may kakayanan lang na tumulong ay yung taong may malaking kasalanan sayo? Magkakaroon ka pa rin ba ng lakas loob na lumapit sa kaniya?" tanong niya.


Alam ko kung sino ang tinutukoy niya dahil narinig ko ang mga salitang sinabi ni Doc Martin. Ramdam ko na labag sa loob niya ang sinasabi ni Doc Martin pero kung wala namang ibang choice, sa tingin ko wala namang masama na manghingi siya ng tulong sa tatay niya.


Hinawakan ko siya sa kamay. "Kung ang taong ito naman ang makakapag-pagaan ng dala mong bagahe, bakit hindi?" sambit ko. "Kung tulungan ka man ng taong may malaking kasalanan sayo, isa lang ang ibig sabihin non. Gusto niyang bumawi." dagdag ko pa at ngumiti.

Napapikit siya at yumuko. Huminga siya ng malalim bago muling ibinalik ang tingin sa sakin at ngumiti. "Okay sige.. Gagawin ko ang sinabi mo." sambit niya kaya lalo akong napangiti.



"Ate Carmela." napatingin kami ni Sebastian kay Mia na ngayon ay naglalakad papunta sa amin. Kumaway siya kay Sebastian habang malawak ang pagkakangiti. Kinawayan naman siya pabalik ni Sebastian habang natatawa. "Ate Carmela, pinapatawag ka ni Miss Anna." sambit niya.

Tumayo ako at napatingin kay Sebastian na ngayon ay malungkot ang itsura kaya natawa ako. "Tapos na ang break ko. Magkita na lang tayo mamaya." nakangiting sambit ko.

Tumango naman siya sakin kaya naglakad na ako paalis kasabay si Mia. Nilingon ko siya at nakita ko na nakatayo siyang tumingin sakin at kumaway ng nakangiti.



"Ate Carmela?" mahinang tawag sakin ni Mia habang inaayos ang dextrose ng pasyente. "Hmm"? sagot ko.

"May namamagitan ba sa inyo ni Sebastian?" mahinang tanong niya kaya napaubo ako. "H-Ha? Wala no.. Bakit mo naman naisip yan?" sagot ko.

"Bakit wala? Bagay na bagay pa naman kayo lalo na nung nakita ko kayong nakangiti sa isa't isa kanina." sagot niya na may panghihinayang. Napayuko ako sa hiya dahil sa sinabi ni Mia. Nakita niya pala kami kanina.


Days In Memory Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon