Kabanata 12: Pagsubok

1 0 0
                                    

Kinabukasan, hindi na muna ako pumasok. Hindi ako nakapagsabi dahil mas kailangan kong unahin ang bagay na ito dahil sa natanggap kong liham kagabi.


Naglalakad ako papunta sa studio ni Xian. Kabababa ko lang ngayon sa bus. Napansin ko na habang tumatagal ay mas lalong dumarami ang mga estudyanteng nag poprotesta. Kahit saang banda sa Maynila ka nga ata magpunta ay makakakita ka ng nag rarally.


Napatigil ako sa isang malaking shop na nagbebenta ng tv nang makita ang nilalaman ng balita. "Armed forces of the Philippines, nakahanda kung sakaling maglabas ng mga armas ang mga nagpoprotestang may layuning ipatigil ang Martial Law." Tinignan ko ang paligid. Wala akong ibang makita kung hindi ang mga estudyanteng itinataas ang kanilang kamay at sumisigaw ng "ITIGIL ANG MARTIAL LAW!" Nakita ko rin ang isa sa mga nakasulat sa hawak nilang banner ay ang 'RELEASE ARRESTED STUDENTS NOW!!'

Ibig sabihin may mga hinuli na silang students dahil sa pag poprotesta? Pero bakit?


Muli akong naglakad papunta sa studio ni Xian. Habang tumatagal mas nagiging delikado ang lagay nila Loraine. Hindi pa man nagsisimula ang Martial Law, marami ng mga estudyante ang pinahuli ng mga sundalo at ang iba naman ay walang kasiguraduhan kung nasaan na.

"Xi—" hindi ko na natapos pang banggitin ang pangalan ni Xian dahil nakita ko si Sebastian na natutulog sa couch. Mukhang pinahiram siya ng damit ni Xian dahil iba na ang suot niya ngayon. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at tinitigan siya ng malapitan. Almost perfect talaga ang itsura niya halos wala kang maipipintas. Matangos pa ang ilong. Noong nagpaulan ata ng kagandahang lalaki ang Panginoon, sinalo lahat ni Sebastian.

 

Hahawakan ko sana siya pero bigla siyang dumilat dahilan para mapaupo ako sa sahig dahil sa gulat. "Aish! Ginulat mo ako." naiinis na sambit ko at hinampas siya ng mahina sa balikat. Natawa naman siya at bumangon mula sa pagkakahiga.

"Ikaw ah.. Tinititigan mo ako habang natutulog." pang aasar niya. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"A-anong tinititigan ka dyan? Tatanggalin ko lang yung dumi sa mukha mo." sambit ko at nag kunwaring may kinuha sa pisngi niya. "Ito oh!" tapos nag kunwari akong may tinapon.


Mas lalo naman siyang natawa kaya tumayo ako at umastang hinahanap si Xian. "Nasaan pala si Xian?" tanong ko.

"Sa pagkakatanda ko nagpaalam siya sakin na bibili ng almusal. Hindi pa rin ba siya nakakabalik?" tanong sakin pabalik ni Sebastian.


Kumunot ang noo ko at umiling. "Kararating ko lang dito. Hindi ko siya nakita." sambit ko.

Nagkatinginan kami ni Sebastian at mukhang parehas kami ng iniisip. Lalabas na sana kami ng pintuan para hanapin si Xian dahil baka dinukot na ito pero bigla itong bumukas. "Xian!" sigaw ko at tumakbo palapit sa kaniya.

"Saan ka galing?" tanong naman ni Sebastian habang chinicheck kung ayos lang ba si Xian.

"Diba sabi ko bibili ako ng almusal natin? Teka nga, ano bang meron?" tanong niya. "Carmela? Bakit ka nandito? Diba may shift ka ngayon? Hindi mo naman sinabi na pupunta ka edi sana binilihan din kita."

"Akala namin napano ka na." sambit ko. Parang kapatid na rin ang turing ko kay Xian kaya ganito na lang ang pag-aalala ko sa kaniya.


Days In Memory Where stories live. Discover now