Kabanata 11: Liham

2 2 0
                                    

"END MARTIAL LAW!!"

"END MARTIAL LAW!!"

"END MARTIAL LAW!!"

Rinig kong sigaw ng mga mag aaral sa labas ng ospital habang nag mamartsa at iwinawagayway ang bandila ng Pilipinas. Nililinisan ko ngayon ang sugat ng isa sa mga pasyente rito. Napatingin ako kay Doc Martin na ngayon ay nagsasalita. "Itong mga kabataan na ito, hindi nila alam ang kanilang ginagawa. Inilalagay lang nila ang mga sarili nila sa kapahamakan." sambit niya habang nakatingin sa bintana at umiiling.

Matapos kong linisan ang sugat ng pasyente, nilagay ko na sa lagayan ang mga kagamitan at lumabas na sa silid. Nakita ko naman si Enzo na mukhang hinihintay ako lumabas dahil nung nakita niya ako ay agad siyang tumakbo papunta sakin. "Carmela, yung tungkol sana kagabi—" Hindi ko naman siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Carmela pwede ba kitang makausap kahit saglit lang?" napapikit ako sa inis at huminto sa paglalakad.

"Ano ba ang kailangan mo?" tinignan ko siya ng masama. Matapos ang lahat ng sinabi niya kagabi, paano niya nagagawa na lumapit sakin ngayon?

"Gusto sana kitang makausap." sambit niya.

"Kung tungkol sa kagabi, wag na malinaw sakin lahat ng mga sinabi mo. Wag na wag kana ulit lalapit sakin." sagot ko at nagpatuloy na muli sa paglalakad.

Hindi ko na siya pinansin pa. Nag focus ako sa dami ng mga dapat kong gawin dito sa ospital. Hanggat maari ayaw ko siyang makasalubong. Sa lawak ng ospital na ito siguro naman kaya naming wag magkita.


"Carmela! May paparating na ambulance kailangan ko ng mag aassist!" sigaw ni Dr. Sy. Isa siya sa mga doctor dito na nagsasagawa ng treatment para sa mga pasyenteng dinadala dito ng ambulance. Siya rin ang nagsasagawa ng operation kung kinakailangan.

"Yes po doc!" sagot ko at tumakbo na palabas. Sumunod naman sakin si Mia at iba pa na tumutulak ngayon ng paglilipatang higaan ng pasyente. Paglabas namin ay nagpark na ang sasakyan. Binuksan ni Dr. Sy ang pintuan ng ambulance at nagulat ako ng makita si Sebastian na para bang takot na takot habang nakaupo sa gilid ng pasyente. "Sebastian?" tawag ko sa kaniya.

Tila ba hindi niya ako narinig at nanatili lang siyang nakatingin sa walang malay na pasyente na sa tingin ko ay estudyante pa.



Hinila nila Dr. Sy ang hinihigaan ng pasyente at inilipat iyon sa panibagong kama bago itakbo sa loob ng emergency room. Sinabihan ko si Mia na siya na muna ang mag asikao at mag tawag ng kasamahan naming nurse para may makatulong siya.

"Sebastian." tawag ko muli sa kaniya. Dahan-dahan siyang napatingin sa akin at para bang guminhawa ang pakiramdam niya ng makita ako. Bumaba siya ng sasakyan at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Yakap na may halong takot at hindi ko alam kung bakit.

Narinig ko ang mahina niyang pag hikbi kaya naman tinapik ko ang kaniyang likod. "Anong nangyari?" mahina kong sambit habang nakayakap siya sakin. Dahan-dahan siyang umalis sa pagkakayakap at nag punas ng luha. "Hmm?" sambit ko. Tumingin siya sakin, yung tingin na may halong takot at pangamba. "Pwede mo sabihin sakin kung ano yung nangyari.." dagdag ko pa. Pinunasan ko ang luha niya at ngumiti.


Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Kanina habang naglalakad ako papunta rito sa ospital, may nakita akong sundalo na binaril ang estudyanteng yon at tinamaan sa dibdib." panimula niya. "Nakita kong bumagsak siya.. Ang daming dugo.. Nang lapitan ko siya, bigla akong napatigil. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gustuhin ko man siyang tulungan, natatakot ako magkamali ulit katulad ng nangyari dati." sambit niya.

Days In Memory Where stories live. Discover now