CHAPTER 57 - SMOKE

Magsimula sa umpisa
                                    

Tusukin ko kaya mata niya?

Titingin tingin siya diyan, napatingin din tuloy sa akin iyong magaling kong ama.

Nagtama ang mata naming dalawa, Hinihiling ko na sana kamukha lang talaga siya ng tatay ko.

Baka may long lost twin brother pala si Tatay ganern.

Hinihiling ng utak ko na sana hindi niya ako kilala para masiguro ko na hindi siya ang tatay ko.

Pero paano kung siya?

Ang Presidente na siyang may kasalanan sa nagkakandaletse letseng ganap sa buhay ko at sa buhay ni Gali.

Hindi pwede...

Nagsimula akong balutin ng takot sa katawan ng makita ko din ang takot sa ekspresyon nung Presidente.

Unti-unti siyang lumapit papunta sa akin. Ang mata niya parang hindi din makapaniwala na nandito ako.

Parang sinasabi ng mga tingin niya na bakit nandito ang isang tao na walang karapatang umapak sa lugar na'to.

Marahas niyang hinawakan ang braso ko.

Paglapat ng malalamig niyang palad sa balat ko, doon ako sinampal ng reyalidad na siya nga ang magaling kong tatay.

"Anong ginagawa mo dito?" Nanginginig ang boses niya, siguro sa takot kasi nabisto ko na siya? Hindi ko alam. Hindi din ako makapagsalita. Bakit nga ba ako nandito?

Hindi ko na alam.

Pakiramdam ko isang blankong papel ang utak ko ngayon.

Bakit?

Bakit tay?

Anong nangyayari?

"I AM ASKING YOU ASHARI! ANONG GINAGAWA MO DITO?"

Nanginig ang buong katawan ko sa dumagundong na sigaw ng magaling kong ama.

Naka on ang mic niya kaya dinig hanggang outerspace. Hindi manlang niya naisip ang mga eardrums namin.

Ang galing kasi, akala ko tamang drive to the moon road trip skrtskrt broombroom siya sa truck niya sa mga oras na'to, tapos...tapos...

"Ikaw tay, anong ginagawa mo dito?" ang tanging mga pagak na salitang lumabas sa bibig ko.

Pagkatapos kong bitawan ang salita na'yon, nagbago ang tensyon sa buong banquet hall. E bakit hindi diba? Gaya ko, hindi din nila magets kung ano ang nangyayari.

Unti-unting nawala ang galit na ekspresyon sa mukha ng magaling kong ama. Nakatitig siya sa akin, kitang kita sa mata niya ang halo halong emosyon.

"Tobias, why is she here?" kalmado niyang pinatay ang microphone nang hindi inaalis ang tingin sa akin.

Inalis ko ang tingin ko kay tatay at itinuon iyon kay Tony pinya.

Magkasabwat sila.

Ha! HA-HA-HA!

Gusto kong tumawa!

Kaya pala buntot sarado ako ng pinya na'yan. Kaya pala kulang nalang hindi ako layuan. Talagang jinowa pa ako para mabantayan ako ha.

Buti nakipagbreak pa siya. Wow!

Kaya pala botong boto ang tatay ko, kapag may gala bet na bet siya na isama si Tony sa akin.

Lahat ng mga pangyayari ng mga nakaraang taon, parang mga flashback na dagsang pumapasok sa utak ko.

Bakit?

Paano?

Huwag kong malaman laman na pati si Aling Marites e parte din ng mafia o MPO ha.

"Why is my daughter here, Tobias?" pag-uulit ng tatay ko. "Ryder...is he here too?"

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon