chapter twenty-nine

14 1 0
                                    

When you are enjoying, time is really fast and when surrows came, you will ask time to make it fast.

The whirlwind of time passed together with the years Rei and Jace being together.

Nagsimula sa maliliit na orders ng  Hikari's chicken hanggang sa may mag-order ng bulto para sa restaurant na itinayo na naging daan upang mas makilala ang Hikari's chicken sa buong Kamaynilaan. It gives her business an opportunity to succeed faster than she thought.

Hindi siya makapaniwala sa nangyayari, she dream to reached the finished line where her father said that would gave them money, pero hindi.

Habang nakangiti ay nakapamaywang siyang nakatingin sa bagong bahay na binili niya para sa kanila ng kanyang ina. Though, kuya Lester also have his room in this house, alam niya na hindi mamalagi ang kuya Lester niya rito dahil may boarding house itong tinutuluyan na malapit lang sa pinapasukang law firm.

"This is it, Reign! You finally did it!" She wiped the lone tear on her cheek as she finally walked towards the wide white gate.

Sa harapan ay may bermuda glass na may mga halaman, at makikita mo agad ang fully furnished two-storey house na hindi rin nalalayo sa bermuda.

She walked her way to the house and smiled. Unang bumungad sa kanya ang puting tiles ng living room. There were a set of sofa and a coffee table in the center. Sa harapan naman ang nakasabit na 62 inch na tv. Maaliwalas sa mata ang mga kulay. Tanging abo, brown at puti ang kulay ng paligid. Naglakad pa siya pasulong at nakita naman ang kitchen na kumpleto sa gamit-pangkusina. Her eyes glimmered as she saw the oven and different pastry materials.

Katabi lang ng kitchen ang dining table, six seater-table ito at nakahilera ng maayos ang mga upuan.

Dumiretso na siya sa cr, may dalawang space ang cr. Ang isa ay para sa shower at ang isa ay para naman sa toilet. Kagaya ng parte ng bahay ay kulay abo na hinaluan ng puti ang kulay ng dingding.

Her eyes watered due to overflowing happiness. She looked up and smiled.

"Pa, hindi ko man natupad ang pangarap ninyo, hindi ko man natapos ang finished line, pero Pa, masaya na ako. Sobrang saya ko at sana masaya rin po kayo."

Sunod niyang pinuntahan ang second floor. Bale apat na kwarto ang naroroon. Isang master's bedroom kung saan ang kanyang ina at kuya Rod matutulog, ang kwarto niya at kwarto ng kuya Lester niya at isang guest room kung sakaling may matulog siyang co-writer o kaibigan doon.

Huminga siya nang malalim saka dumiretso sa kwarto niyang nakalaan. Humiga siya sa kama at napangiti na lang ulit.

Nawala na sa isip niya ang pangarap ng ama niya para sa kanya pero hindi siya nakaramdam ng kahit anong lungkot.

Sa loob ng five years ay marami ang nagbago. Lumaki ang Hikari's chicken at nagkaroon ng factory. Hindi na lang din manok ang binebenta nito, maging ibang processed foods ay nagbebenta na rin siya.

Hindi naging madali ang limang taon, pero sa tulong ng Diyos ay napagtagumpayan niya ang pagsubok.

Naputol ang kanyang pagbabalik-tanaw nang tumunog ang cellphone niya.

"Po, Ma?"

"'Nak saan ka na?  Hindi ba ngayon tayo dadalaw sa papa mo? Nandito na rin si Jace at ikaw na lang hinihintay."

"Ah, sige po. Dadalian ko na lang po."

Mabilis siyang tumayo at inayos ang sarili. Ito na ang huling tatapak siya sa lugar ng kanyang ama. She had enough of the heartaches that her 'family'let her experience.

Bumuntong-hininga siya at saka napagpasyahang lumabas ng bahay. Siniguro niyang sinarado niya ang pinto at nilock din ang gate ng mabuti.

Nang masiguro niyang maayos na ang lahat ay kalmante siyang naglakad papuntang sasakyan niyang nakaparada.

Mess Series #2: Wrecked Ambition (COMPLETED) Where stories live. Discover now