Chapter eight

17 2 8
                                    

She feels fresh, kaliligo niya lang at balak niyang mag-review para sa entrance exam na kukunin niya sa college. Nakaharap siya sa salamin habang sinusuklay ang hanggang balikat niyang buhok. Ang kanyang ina ay nasa palengke pa, silang dalawa lang ng kanyang mommy ang nasa bahay. Hindi pa kasi break ng kanyang kuya kaya tahimik lang sila sa kanilang bahay. Ang lolo naman niya ay nagtatrabaho.

"Rei!" She is quick to peeked outside. Doon niya narinig nanggaling ang boses.

Nang makita ang pagbubuhat ng kanyang mommy sa pinamili ay mabilis niyang tinapos ang pagsusuklay at tinakbo ang labas ng kanilang bahay. Siya na mismo ang nagbuhat ng pinamili nito na uulamin nila ngayong tanghalian.
"Ano pong lulutuin ninyo?" she excitedly asked. Dito kasi siya natutong magluto ng iba't ibang putahe, pinapanood niya ang kanyang mommy sa pagluluto at pagpepeprera ng mga kakailanganin.

Mommy Josie smirked arrogantly and shook her head. Ang singkit nitong mga mata ay halos hindi na makita dahil sa pagkakangisi nito. "Relyenong bangus lang ang ulam natin ngayon."

She smiled, feeling excited. Ang tagal na niyang hindi nakakakain ng relyeno. Paborito niya ito lalo na yung pinaputok na tilapya.

Ginawa niya ang dapat na gawin ng makapasok sila ng bahay. She sat on the sofa made of bamboo, nagsimulang buklatin ang mga libro. Sa pagkakaalam niya ay ang math, science, English Filipino ang kailangang aralin dahil iyon ang mga kalimitang kasamang subject sa mga exam na binabalak niyang kuhain.

"Darating na raw ang Kuya Rod mo ngayon, 'di ba?" Her eyes wento to her Lola. Tumingin lang ito saglit sa kanya dahil abala sa paghihiwa ng mga sangkap.

Iyon din pala, her mom invited her Kuya Rod to pay them a visit, dito na rin sa bahay iyon magpapasko.

She silently glanced at her lola, saka ngumiti. "Opo." Tumingin siya sa relong pambisig na dati ay sa kanyang ama. "Sabi po ni Mama ay rito na raw sila magtatanghalian."

Mommy Josie smiled at her and she beamed back. Binalik niya ang atensyon sa mga libro niya. She plans to take a PUPCET, gustong-gusto kasi ng papa niya na roon siya magtapos. Bukod kasi sa libre at state university nga lang ay mataas pa ang antas ng edukasyon sa nasabing unibersidad kaya kalaunan ay ginusto niya na ring makapasok sa eskwelahan. Though, she knows that her relatives on her father's side can provide all of her financial needs on college in exchange of her leaving her mom in Manila and study in Batangas, she didn't acknowledged that.

Nawala ang focus ng mga mata niya sa librong binabasa ng biglang tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong lang sa tabi niya.

Lola Flor calling...

She sighed, nasa kanyang cellphone na ang atensyon. May pagdadalawang-isip niyang hinawakan ang aparato, hindi niya na sana gustong sagutin ang tawag pero pinapangunahan siya ng kaba na baka may nangyari ng masama sa lola.

"Nay, nandito na kami!" Napatingin agad siya sa pinto na mabilis na nagbukas at iniluwa ang mama niyang pawisan habang nakasabit sa katawan nito ang maliit niyang pulang bag na ginagamit niya sa palengke, kasunod ng kanyang mama ang matangkad at kalbong lalaki, ang Kuya Rod niya.

Mabilis niyang tiniklop ang libro saka sinalubong ang ina ng halik saka tuluyan ng niligpit ang kanyanv gamit.

"Siguro ay mamaya na lang siya mag-aaral,"  sabi na lang niya sa utak niya habang inaakyat sa taas ang mga gamit niya pang-eskwela.

Dahil nga sa walang pasok ay roon niya nilagay ang kanyang mga gamit. Ayaw na ayaw kasi ng kanyang mama na makalat kaya nakaugalian na niyang iakyat ang bag pagkarating ng bahay galing eskwela.

Nang masigurong maayos na sa mata ang mga gamit niya ay tahimik na rin siyang bumaba sa silid.

Nakita niyang tahimik lang na nakaupo sa sofang inalisan niya ang nobyo ng kanyang ina. Ginala pa nito gamit ang mga mata ang buong bahay.

Mess Series #2: Wrecked Ambition (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon