Kabanata 1: Inumaga

20 3 0
                                    

DISCLAIMER: Days In Memory — is a work of fiction. Names, characters, business, places, events, and incidents are the products of the authors imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead is purely coincidental. Thank you.

————————————————————

Ang daming pasyente ngayon dito sa ospital dahil sa nangyaring hostage sa kalapit naming bangko. Aaminin ko na natakot ako sa mga narinig kong putok ng baril at sabay-sabay na sigaw ng mga tao rito sa ospital. Lahat sila inalam kung saan ang pinanggalingan ng putok at kung ano ang dahilan.

Naging maayos naman agad dahil mabilis ang aksyon ng mga kapulisan. Marami nga lang ang nadamay na sibilyan nang magpa-ulan ng bala ang mga kriminal kaya heto.. maraming pasyente at marami ring trabaho. Noong una masaya naman ako sa trabaho ko. Pero habang tumatagal, nakakapagod din lalo na't hindi sapat ang sinasahod ko rito bilang isang nurse.

Nag-iipon ako para makapunta sa ibang bansa. Nais kong magpunta sa Canada at doon ipagpatuloy ang trabaho ko.

"Carmela!" para akong nagising sa katinuan nang marinig kong tawagin ako ni Doc Martin. "'Wag kang tumunganga dyan! Ang daming nangangailangan ng tulong!" hindi ko namalayan na matagal na pala akong tulala.

Kahit sino naman siguro matutulala kapag walang tulog diba?

Umiling ako at mahinang tinapik ang mukha para magising ang diwa. "Yes po doc! Pasensya na po." kumilos ako at tinulungan siyang gamutin ang mga pasyente.

May isang matandang lalaki na halos sumisirit na ang dugo sa sobrang lala ng tama ng bala sa kaniyang tagiliran. Kumuha ako ng makapal na gasa para takpan muna pansamantala para hindi dumanak ang dugo. "Sir, saglit lang po ha? Inaasikaso lang po ang operating room." mahinahon kong sabi. "Didiinan ko lang po sir lang pag press para hindi po kayo maubusan ng dugo." dagdag ko pa.

Sumigaw siya sa sakit dahil sa ginawa ko. Pasensya na po sir trabaho lang.

Nang matapos ihanda ang operating room, agad namin siyang tinakbo roon at isinagawa ang operasyon. Halos hindi kami magkanda-ugaga sa dami ng pasyente na kailangan gamutin. Mabuti na lang yung iba na nandito minor injury lang ang natamo.

Naglalakad lakad ako para tignan ang iba pang pasyente kung sino pa ang nangangailangan ng tulong. Napansin ko si Mia na para bang hindi alam ang gagawin sa lalaking pasyente na kailangan niyang kuhaan ng dugo. Bago palang si Mia dito sa ospital kaya hindi niya pa alam kung paano ihandle ang mga mokong na pasyente katulad nito.

"Sige na.. Baka may libreng oras ka mamaya pagkatapos ng shift mo rito. Susunduin kita." sambit ng mokong kasabang ng pag hawak niya sa balikat ni Mia. Nakita ko na naiilang na siya sa ginagawa ng lalaking to.

Dahil sa mga mokong na tulad nito tumatagal ang trabaho namin e.

Napabuntong hininga ako at lumapit sa kanila. Kinuha ko ang mga gamit kay Mia nagulat siya sa ginawa ko kaya tumingin ako sa kaniya at sumenyas na "ako na ang bahala". Ngumiti siya at tumayo sa likod ko.

Ibinaling ko ang tingin sa mokong na to at ngumiti. "Sir, kailangan na po natin kumuha ng sample ng blood niyo po." Kinuha ko ang braso niya pero agad niya itong kinuha pabalik.

"Bakit ikaw? Gusto ko siya." sabay turo niya kay Mia. Ngumiti naman ako ulit ng pilit na para bang nagpipigil ng galit. "Ah sir kasi po, bago palang po si Mia rito kaya po ako na po ang gagawa." sambit ko at akmanh kukunin ulit ang braso niya pero pinaninindigan niyang gusto niya si Mia. Bakas sa mukha ni Mia ang takot nang magsimulang sumigaw ang lalaki.

"Narinig mo ba ako? Diba ang sabi ko siya ang gusto ko?!"

"Sir, may iba pa pong trabaho si Mia na kailangan niya pa pong tapusin." mahinahon ko paring sambit kahit gustong gusto ko na sapukin ang mokong na 'to.

Days In Memory Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon