Nowhere #48

9 1 0
                                    

Walanghiya Squad
July 24 20XX
11:02 PM

Luke Mendoza leave the group

Cardo:
Guys si Luke! Lilipad na daw papuntang US kasama ng pamilya niya. Doon na daw sila maninirahan at hindi na babalik dito!
Seen by everyone

Kevin:
What?! Bakit Wala siyang sinasabi sa atin?!

George:
GAGONG YON NAG LEAVE PA TALAGA DITO SA GC?!

Stream:
Nai-PM ko na siya at na text. Hindi naman sumasagot.

Claire San Pablo Added Luke Mendoza to the group

George:
Ang gago mo naman Luke! Kaibigan ba talaga turing mo sa amin? Bakit sa ibang tao pa namin nalaman ang tungkol sa pag-alis mo? Wala ka ba talagang pakialam sa mararamdaman namin?!
Seen by Luke

Cardo:
Luke naman! Akala ko ba walang sekreto sa grupo? Noon ko lang talaga napansin na parang lumalayo ka na sa amin. Ano bang problema?

Luke replied to George:
We grow up together so bakit mo pa kailangang tanungin kong magkaibigan ba ang turing ko sa inyo? You guys don't know how much I value you. Tinitiis ko lang naman na minsan para lang akong hangin sa grupo. Madalas walang nakakapansin sa nararamdaman ko. Madalas akong ma-out of place at madalas ako ang puntirya niyo sa mga asaran. Nalilito na ako kung may lugar pa ba ako sa grupo.

George:
GAGO KA BA LUKE?!

Kevin:
George stop it. Let's just listen to him okay?

Luke replied to Cardo:
Napansin mo na palang lumalayo ako bakit wala kang ginawa?
Seen by everyone

Luke:
Look, guys I don't want to fight with you especially ngayon na aalis na ako. Honestly, I don't regret meeting you. Yung mga memories at kalokohan natin na magkasama ay mamimiss ko lahat ng iyon. Mamimiss ko kayo lahat sa totoo lang. I'm sorry kasi napakamatampohin ko. I'm sorry kasi minsan nafefeel ko na parang hindi ako belong sa grupo. I'm sorry kasi nagagalit ako sa inyo kasi palagi niyo akong nakakalimutan pero hindi ako nagsisi na kayo ang naging mga kaibigan ko.

Stream:
We're sorry Luke kung feeling mo marami kaming pagkukulang sayo pero gusto lang namin na malaman mo na may lugar ka sa grupo. Bakit mo ba iniisip na hindi ka belong sa amin? Galing na sayo, makasama tayong lumaki lahat kaya parte ka ng buhay namin. Hindi kami kompleto kapag wala ka.

Stream:
And sorry rin dahil hindi ko sinabi sayo na matagal ko ng gusto si Reagan. Sorry for betraying you.

Kevin:
Tama si Stream, Luke. You will always be part of the group, don't you forget that.

Cardo:
I'm sorry Luke, hindi ko alam.

George:
Kahit na anong sabihin mo Luke malalagot ka sa akin bukas! Hindi pwedeng hindi tayo magkita bukas gago ka! Ang lakas mong umalis na hindi man lang nakapagpaalam ng maayos sa amin. Napaka-unfair mo.

Kevin:
Naku Luke. Parang bakla tong si George. Kasama ko siya ngayon, umiiyak siya bwahaha. Ang gago mo daw!

Cardo, Stream, Luke, Reagan and Claire reacted 😆 the message

Luke:
This is also one of my reasons why I can't tell you guys that I'm leaving. I hate goodbyes. I hate that I'm leaving my second family in here. I hate na marami na naman akong mamimiss na kalokohan niyo.

Luke:
I don't want to say this but I'm leaving this group chat. Pero babalik ako sa tamang panahon. Babalik ako dito. Sana mahintay niyo ako at sana sa pagbalik ko parte parin ako ng grupo.

George, Cardo, Stream, Luke, Reagan and Claire reacted 💖 the message

Luke Mendoza Leave the group






The Girl From NowhereWhere stories live. Discover now