Nowhere #23

11 1 1
                                    


Hindi Bet ni Reagan si Luke🐙
July 19, 20XX
12:19 AM


George:

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kanina! Si Reagan ba talaga yung nakausap natin?

Seen by Stream, Kevin and Cardo

Cardo:

NAG SORRY SIYA SA ATIN SA MGA HARSH GESTURE NA SINABI NIYA SA ATIN NOON AT GRABE SABI PA NIYA NA SISIKAPIN NIYA NG MAGING MABAIT SA ATIN!

Kevin:

It's all thanks to Claire. Siya ang nagkumbinsi kay Reagan na mga good boy tayo.

Kevin:

BTW, NGAYON KO LANG NAPANSIN NA ANG GANDA PALA NI CLAIRE.

Seen by Stream George and Cardo

Cardo Daldalisay change the group name to Hindi Bet ni Reagan si Luke🐙


George replied to Kevin:

Hoy matagal na talagang maganda si Claire! Crush ko siya since elementary days!

Kevin:

EDI WOW

Cardo:

Hoy! Wag kayong mag away! Wala naman sa inyo ang crush ni Claire. Si Stream ang crush niya!

George:

EDI WOW

Kevin:

Speaking of gagong si Stream na pa-seen² lang sa convo natin, HOY STREAM MAGPALIWANAG KA!

Kevin:

Bakit kayo magkasamang bumalik ni Reagan kanina? At nalaman pa talaga namin sa Tito ni Reagan na nag vigil ka pala noong araw na nag absent ka sa school!! Bakit hindi mo kami ininform?!

Kevin:

MAY TINATAGO KA NO?

Seen by Stream, George and Cardo

Stream:

Matulog na kayo mga bwisit.

Cardo:

AND DAYA MO STREAM CLOSE NA KAYO NI REAGAN!

Stream:

Seryosong tanong lang. Bakit ba interesadong-interesado kayo sa buhay ni Reagan?

Seen by Cardo, Kevin and George

Kevin:

Feeling ko talaga may super powers si Reagan. Ang weird ng feeling yon bang kahit wala siyang ginagawa nahahatak na niya yung atensyon ng isang tao. Yung tipong unang tingin mo pa lang sa kanya curious ka na sa klase ng buhay na napag-daanan niya.

Kevin:

Gusto ko siyang maging kaibigan dahil naaawa ako sa kanya. Hindi ko man alam kung anong napagdaan niya halatang-halata naman sa mga kilos niya na marami siyang hirap na napag-daanan. I want to help her.

George:

Kevin's right. Reagan has a super power to make the people around her protect her. Naiisip ko lang na ang sarap sigurong maging kaibigan ni Reagan no? O pwede na rin akong mag apply na maging older brother niya. Ang sarap niya kasing inisin✌️

Cardo:

Gusto kong maging kaibigan si Reagan dahil pakiramdam ko yung ipinapakita niya sa ibang tao ay ang hindi niya totoong ugali. I want to witness her true personality. Naikwento kasi ni Claire sa akin na madaldal talaga siya at mahilig magreklamo.

Seen by Stream, George and Kevin

Kevin:

Wala si Luke? Tulog na ata si mokong.

George:

Sa ating lahat si Luke ang may ibang dahilan. Tayo gustong makipagkaibigan kay Reagan habang siya..gustong manligaw.

Cardo:

True

Stream:

If you want to be friends with her then don't ever leave her. Pinakaayaw niya sa lahat ang iniiwan siya at sinasaktan siya.

Seen by Cardo, Kevin and George


Cardo:

Noted💗

The Girl From NowhereUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum