Nowhere #33

11 1 0
                                    

Parang may kung anong kumurot sa puso ko nang makarating ako sa harap ng park. Sa halos isang oras kong paglalakad na walang elsaktong direksyon na tinatahak, natagpuan ko na lang ang sarili kong naglalakad sa isang pamilyar na daanan. Tila may sariling mga isip ang aking mga paa. Dinala ako ng mga ito sa lugar na naging sandalan ko sa labing-walong taon na nabubuhay ako dito sa mundo.

Tahimik akong naupo sa swing at dahan-dahang pumikit para damhin ang malamig na simoy ng hangin. Wala sa sarili akong napangiti ngunit ramdam ko ang pagkahulog ng butil ng luha sa mga mata ko patungo sa pisngi ko.

Hindi ko alam kung gawa-gawa lang ba ng isip ko ngunit may naramdaman akong presensya sa katabi ng swing na kinauupuan. Ramdam kong nandito siya. Nakatingin sa akin.

"P-Pa.." Pumiyok na ang boses ko kahit yon lang naman ang sinambit ko. Nanatili akong nakapikit habang nagpipigil ng mga luha. "Pa b-bakit sa lahat ng tao sa mundo bakit si Rayne pa?"

Huminga ako ng malalim habang pilit na nilalabanan ang sarili na kainin ng mga emosyon ko.

"Hindi pa siya nakuntento kinuha ka na nga niya sa akin tapos n-ngayon ang kapatid kong walang ginawang masama ang kinuha na naman niya! Ano bang nagawa kong kasalanan bakit pinapahirapan niya ako ng ganito?! Bakit sa lahat ng taong kukunin niya yung tao pa na pinaghuhugutan ko pa ng lakas na mabuhay?! Bakit hindi na lang ako?! Bakit hindi na lang ako ang namatay gayong ako naman ang walang silbi dito sa mundo?" Saad ko saka pinahiran ang pisngi ko.

"S-Si Rayne Pa alam kung gusto pa niyang mabuhay. Alam ko kasi kitang-kita ko ang lahat ng pagsisikap niya. Araw-araw siyang nagdadarasal na sana gumaling na siya sa sakit niya pero bakit hindi natupad? Ang sabi pag may hihilingin ka sa kanya ay tutuparin niya pero bakit..."

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sariling humikbi. "B-Bakit may diyos pa kung wala rin naman siyang ginawa kundi ang pahirapan tayo? I hate him pa. Nagsisisi ako na minsan akong naniwala sa kanya. M-Miss na miss ko na kayo Papa at Rayne. N-Nakikiusap ako..kunin niyo na ako dito. Ayoko ng mabuhay pa sa mundong ito kung w-wala kayo... please..pagod na pagod na ako.."

Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa harap ko ang isang bulto ng lalaki. Sa unang tingin ko ay akala ko bulto ni Papa pero napako ako sa kinauupuan ko nang mapagtanto kong si Stream ito.

"S-Stream? Anong—"

"Instead of asking god "Why?" you need to learn to trust god in things you don't understand." Saad niya ng may ngiti sa labi. "Yan ang sabi ni Rick Warren at naniniwala akong tama siya. Lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may malaking dahilan. May plano ang diyos sa atin. Maniwala lang tayo sa kanya at magiging okay ang lahat."

Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko at umiwas ng tingin. "Minsan na akong naniwala sa kanya ngunit binigo niya ako. Hindi na ako magpapauto uli."

Ramdam ko ang pag-upo niya sa katabi kong swing.

"Pag humiling ka sa kanya maaari itong matupad agad, maaari ring maghihintay ka pa ng matagal na panahon bago ito matupad. May ilan rin na hinihiling natin na hindi talaga natutupad dahil may ibang plano sa atin ang panginoon. Ang kailangan lang nating gawin ay maghintay at magtiwala sa kanya."

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa malayo. Hindi niya ako madadala sa mga sinasabi niya. Sinumpa ko sa sarili ko na hinding-hindi na ako maniniwala sa panginoon muli.

"Sabi mo minsan ka ng naniwala sa kanya..." Rinig kong muli niyang saad at ramdam ko ang tingin niya sa akin. "..akala mo lang hindi siya nakikinig pero ang totoo ay nakikinig talaga siya. Ikaw lang yung problema hindi siya.."

Mabilis akong napatingin sa kanya at rumihistro ang galit sa mukha ko. Anong ako?!

Akmang magsasalita na ako ngunit inunahan niya ako.

"Ikaw yung problema kasi hindi ka makapaghintay. Kasi gusto mo pag humiling ka kailangan matupad kaagad, hindi ganun ang diyos. Ang paraan ng diyos ay i-tetest ka muna niya kung karapat-dapat ka nga bang bigyan ng hinihiling mo. Papahirapan ka muna niya para makita niya kung gaano katibay ang pananampalataya mo sa kanya pero hindi ka pumasa. Kasi sa unang pagsubok pa nga lang ng buhay sumuko ka na sa kanya."

Napakurap ako at parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.

Ngumiti si Stream sa akin at saka tumingin sa kalangitan. "It's a give and take relationship. You give him love, you will trust him at tatalikuran mo ang mga kasalanan mo at ang kapalit nito ay bibigyan ka niya ng buhay na walang hanggan at palagi siyang nasa likod mo sa tuwing lumalaban ka sa buhay. Hindi natutulog ang diyos. Maghintay ka lang at sigurado akong sasagutin niya lahat ng panalangin mo." Muli siyang tumingin sa akin.

"Ano bang huling bagay na hiniling mo sa kanya?"

Natigilan ako at hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita. "Happy family. Pero alam mo kung ano ang nangyari? My mom cheated, then dad died in a car accident, pagkatapos nun ay pinaampon ni Mama si Rayne kay Tito Raul. At pagkatapos nun na nalulong si mama sa drugs at bisyo at muntik akong gahasain ng lalaki niya..tapos.. ngayon naman si R-Rayne.." Hindi ko na nadugtungan pa ang sasabihin ko kasi alam kung iiyak na naman ako. Ayoko na. Pagod na ako.

"Yung pinagtutuunan mo lang ng pansin ay yung mga malalaking bagay na hindi niya ibinigay, hindi mo napansin yung mga bagay na ibinigay niya na hindi mo naman hiniling."

Kaagad akong napatingin sa kanya nang may pagtatanong ang ekspresyon sa mukha.

"Alam kung hindi mo ito napansin pero binigyan ka na ng panginoon ng masayang pamilya." Naguluhan ako nang sabihin niya yon sa akin. "God gave you Tito Raul and Claire at nadagdagan pa kasi naririto na kami ng mga barkada ko para sayo. Ang pamilya kasi hindi ibig sabihin na magkakadugo. As long as masaya kang makasama sila, pamilya mo na sila."

Sa isang iglap parang may kung anong nabasag sa loob ko.

Bumalik sa akin ang mga masasayang ala-ala kasama si Claire, mga road trip at adventure naming magkasama, mga gabi na nagpupuyat kami kakapanood ng kdrama at lahat ng napagdaanan naming away-bati scenes sa mga nagdaang mga taon.

Yun ring mga outing namin kasama si Tito Raul at ang pamilya ni Claire. Lahat ng mga ala-alang kay sarap balikan ang nakita ko sa aking isipan.

Lahat sila mahal ako kahit hindi ko sila kadugo. Kahit sa hirap ng pinagdaanan ko sa buhay dahil sa kanila nagagawa ko paring tumawa ng malakas at ngumiti ng malaki.

Bakit...bakit ko sila nakalimutan? Bakit ko nakalimutan ang totoo kong pamilya?

"Maraming nagmamahal sayo..yon ang malaking bagay na ibinigay ng panginoon sayo na hindi mo man lang napansin."

Hindi ako nakapagsalita dahil naguunahan na sa pagtulo ang mga luha sa mata ko at kay bigat ng aking dibdib.

Ngumiti si Stream at tinignan ako ng diretso sa mata. "Sa kabila ng pagkalimot mo sa kanya hindi ka niya nakalimutan Reagan. Kaya sana bumalik ka na sa kanya.."



The Girl From Nowhereحيث تعيش القصص. اكتشف الآن