Nowhere #18

11 2 0
                                    


Claire San Pablo
July 16, 20XX

7:30 PM

Claire:

Stream?

Stream:

??

Claire:

I saw you with Reagan kaninang umaga paalis ng school. Is it okay if I ask you kung saan kayo nagpunta? I'm really worried about her because she's giving me a silent treatment. Nakakapanibago lang na makita siyang may kasamang iba. At ikaw pa talaga.

Stream:

I'm not sure if I can tell you this but alright I will tell you. But in exchange I have some questions that you need to answer too.

Claire:

Okay

Stream:

Nagpunta kami ng Hospital kanina para bisitahin ang kambal niya. Ako yung dinala niya dahil 'crush' daw ako ng kambal niya. Ngunit hindi namin alam na malubha na pala ang kalagayan niya.

Stream:

Namatay ang kambal niya kaninang umaga lang.


Claire:

Oh my god.

Stream:

Please talk to her and comfort her. Nung oras ng pagkamatay ng kambal niya ay hindi na siya muling nagsalita at kahit na umiyak man lang ay hindi ko siya nakita.

Stream:

She needs you right now.

Claire:

What's your relationship with her?


Stream:

Wala

Claire:

Kahit friends man lang? Wala kayong label?

Stream:

Wala. Bakit?

Claire:

I don't know if you notice but I feel like Reagan is comfortable with you. Sana maging magkaibigan kayo para naman madagdagan ang mga taong nagmamalasakit sa kanya.

Stream:

Can I ask you a question?

Claire:

Yes of course.

Stream:

Ano sa tingin mo ang kinakatakutan ni Reagan?

Claire:

Uhh. Isa lang naman ang alam kung matinding kinakatakutan niya.

Stream:

Ano?

Claire:

Ang maiwan at saktan ng taong mahal niya. Simula ng iwan siya ng Papa niya naging distant na siya sa mga tao sa paligid niya. Plus, sinasaktan pa siya ng nanay niya araw-araw at muntik din siyang magahasa noon ng step father niya.

Claire:

Since then naging cold and distant na siya at hindi na nagsasalita. Natatakot na siyang lumapit sa mga tao sa pag-aakalang sasaktan na naman siya ng mga ito o di kaya ay iwan.

Seen at 7:40 PM

Stream:

Paano kayo nagkakilala?

Claire:

Nakilala ko siya sa CR ng school. Saktong pagpasok ko sa CR ay nakita ko siya sa harap ng salamin, may dalang kutsilyo at nakatutok sa sarili niyang dibdib. Yun ang unang suicide attempt niya na ako ang nakapigil.

Claire:

Sinabi niya sa akin na wag ipagkalat ang ginawa niya. Nangako naman ako pero in exchange ay magiging magkaibigan kami. Tapos yun pumayag siya.

7:46 PM

Claire:

Oh shit.

Claire:

Please don't tell Reagan that I told you about her story.

Claire:

Mapapatay niya ako!

Stream:

Ok
Sent

The Girl From NowhereWhere stories live. Discover now