Nowhere #16

10 1 0
                                    


Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko nang makita ko sa may di kalayuan ang room ni Rayne. Saktong lumabas naman ng kuwarto si Tito Raul. Nang makita niya ako na papalapit ay nakahinga siya ng maluwag pero halata ang kaba at lungkot sa mukha niya. Pansin ko rin ang itim sa ilalim ng mga mata niya, halatang walang maayos na tulog kakabantay kay Rayne.

"Salamat naman at nakarating ka na. Kanina ka pa hinahanap ni Rayne." Saad niya nang makarating ako sa harap niya. Napatingin naman siya sa lalaking nakasunod sa akin. "..at sino tong binatang to?"

Lumapit ako kay Tito at bumulong sa kanya. "Ito po yung sinasabi kong maliit na surpresa. Crush po siya ni Rayne."

Rinig ko ang mahinang tawa ni Tito. Kaagad din akong napangiti dahil kahit papaano nabawasan ko ang nararamdamang bigat sa dibdib ni Tito.

"Yung batang yon talaga. Pag may nakikitang guwapo crush agad. Kahit pa sa mga nurse at doctor dito ay nagpapa-cute siya."

Natawa na lang rin ako at sumenyas kay Tito na papasok na kami sa loob. Tinapik niya naman ang balikat ko bago siya umalis. Nilingon ko si Stream at kaagad akong nagtaka nang makitang nakatulala lang siya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Tara na sa loob."

Napakurap naman siya at lumingon-lingon pa sa paligid.

"Ako ang kausap mo?" Wala sa sariling tanong niya at tinuro pa ang sarili.

Nawala ang ekspresyon sa mukha ko at napalitan ito ng magkasalubong kong kilay. "Bakit may ibang tao pa ba rito?"

Napatawa siya ng pilit. Halatang natakot bigla sa pagbabago ng ekspresyon ng mukha ko.

"Pasensya na! Ito lang ang unang beses na narinig ko ang boses mo kaya medyo nagulat lang ako." Sagot niya at napakamot sa likod ng ulo niya. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil buong byahe kanina ay tahimik lang ako at pag may itinatanong siya ay sumasagot ako sa pamamagitan ng chat.

Inirapan ko na lang siya at pinihit na pabukas ang pintuan at pumasok na sa loob.

"Ulan!" Saad ko kaagad ng may malaking ngiti sa labi ngunit biglang gumuho ang lahat nang makita ko siyang hinang-hina na nakahiga sa kama niya. Ang ngiti ko ay unti-unting nawala.

"Ulan!" May halong kaba, lungkot at awa na saad ko at mabilis na nagpunta sa gilid niya at naupo. Hinawakan ko ang nanlalamig niyang kamay. Nagbabadya na ang mga luha sa mga mata ko ngunit pilit ko itong pinipigilan dahil ayokong makita niya akong nahihirapan.

Dahan-dahan siyang napangiti nang makita niya ako.

"E-Egg.." tawag niya sa akin gamit ng palayaw na siya mismo ang gumawa. Hindi ko man gustong matawag na itlog ay napangiti na lang ako para sa kanya.

"Hin..di ko na ka..ya." hinihingal na saad niya ngunit sa kabila nito ay may ngiti siya sa labi niya. "I want..to be...w-with god n-na."

Mabilis akong umiling. "No please, ulan. Don't leave me here. Isa ka sa dahilan kung bakit ako nagpapatuloy sa buhay ko ngayon. Pag nawala ka....hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko." Tuluyan ng kumawala ang mga luhang pinipigilan kong pumatak. Alam kong selfish ang pagkakasabi ko nun dahil alam ko namang sobra na siyang nahihirapan ngunit hindi ko parin siya kayang bitawan.

Ngumiti siya sa akin at bahagyang pinisil ang kamay ko. "Egg...y-you have Claire by y-your side."

"No! I need you—" Umiiyak na saad ko.

"G-Grant me a wish please." Nahihinang saad niya. Napahigpit naman ang pagkapit ko sa kanya.

"What's your wish?" Naluluhang tanong ko.

"I w-wish na sana k-kumawala ka...na sa k-kadenang itinali sa iyo n-nina Mama at....Papa. I w-want y-you to be h-happy and to be f-free." Saad niya at nginitian ako.

Mabilis kong binitawan ang kamay niya at tumayo sa kinauupuan ko. Mabilis ko ring pinahiran ang mga luha sa mata ko at ngumiti.

"By the way, siya yung tinutukoy kong maliit na surpresa sayo." Saad ko at tinuro si Stream na nakatayo sa gilid. Saka ko lang napansin na may nakasabit na gitara sa likod niya. Grabe sobrang lutang ba talaga ako kanina para hindi mapansin?

Dahan-dahang lumapit si Stream sa gilid ni Rayne ay siya na ang umupo sa inupuan ko kanina.

Ngumiti ako at nagpaalam na lalabas muna ng kuwarto.

Nang makalabas ay naupo ako sa waiting area. Ilang minuto pa akong natulala hanggang sa muling bumuhos ang luha sa mga mata ko. Yumuko ako at hinayaan ang sariling umiyak.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan at lumabas si Stream. Mabilis akong napatayo at humarap sa kanya.

Natigilan ako nang makita ang malungkot niyang mukha.

"Wala na siya."

At sa tatlong salitang yon gumuho ang buong mundo ko.

The Girl From NowhereWhere stories live. Discover now